Taytay Senior High School - School Publication

Taytay Senior High School - School Publication

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Taytay Senior High School - School Publication, School, #21 Binhing Pagasa Street (B. Pagasa) Brgy. Dolores Taytay, Rizal, Taytay.

Photos from Taytay Senior High School - School Publication's post 20/09/2023

On Wednesday, September 20th, the Supreme Secondary Learner Government (SSLG) convened with various school clubs and organizations in Room 402 of Tagumpay Building.

A day before the meeting, SSLG President Von Capa had announced that the meeting would take place during the last period of AM classes.

The primary topics discussed during the meeting were the plans for upcoming events on October 4th in celebration of this year's World Teachers' Month.

SSLG Adviser Mrs. Maricel M. Zamudio emphasized the importance of student and club participation in honoring their teachers during these events.

In addition to event planning, the meeting also addressed matters related to club accreditation and other important concerns.

The meeting was attended by representatives from Rover Scouts, School Publication, School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM), ABM Executives, Taytay Young Researchers and Innovators Guild (TYRIG), and TVL Experts, along with SSLG officers and SSLG Adviser Mrs. Zamudio.

Photos from Taytay Senior High School - Supreme Secondary Learner Government's post 20/09/2023
18/08/2023
Photos from Taytay Senior High School - School Publication's post 18/08/2023

Admins, student leaders, volunteers wrap up five-day Brigada-Eskwela

TAYTAY, RIZAL— On August 18th, Friday, Taytay Senior High School concluded week-long annual Brigada-Eskwela together with faculty, Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Rover Scouts, and Student Publication.

School corridors were the focus for the fifth and last day of Brigada-Eskwela, they were cleaned and polished by volunteer students and parents.

Donations of cleaning and other materials continued to grow till the last day while enrollments rolled on alongside as well.

Student leaders assisted in organizing the volunteers together with school staffs and faculty members.

After the Brigada finished up, a closing ceremony was held at the campus covered court with the theme music for this year’s Brigada: Matatag is One.

Ma’am Arlha Lorienel Ingua started the ceremony with a nationalistic song and a short prayer.

She was followed up by Brigada Eskwela Coordinator, ma’am Annabelle Fidelino to report the achievements of this year’s Brigada-Eskwela.

She reported the number of volunteer students and parents and the amount of donations received each day which totaled up to 1,896 volunteers and ₱17,112 worth of donations, it was also reported that the teachers cumulatively spent 200 hours in helping with the Brigada-Eskwela.

Ma’am Fidelino also noted that real number should be higher because some volunteers forgot to register first before participating, she added, “Sig**o excited sila magbrigada.”

She was followed with a closing message from Vice Principal sir Rey Garcia who gave appreciation to all the volunteers, donors, and everyone who supported the school’s Brigada 2023 and made it successful.

He emphasized the importance of this activity to prepare for the reopening of regular classes.

Ma’am Ingua continued the ceremony with questions for the attendees on their experience in the activity, teachers and students from different organizations shared their what they did for the activity.

All wrapped up with a short video with clips from the week-long activity prepared by the advocacy team: ma’am Dianne Tumang, ma’am Angeline Galvan, ma’am Abegail Pamplona, and ma’am Ronalyn Dalosa.

Photos from Taytay Senior High School - School Publication's post 17/08/2023

Bayanihan, patuloy na Nararamdaman!

Nananatili pa ring buhay ang bayanihan para sa paghahanda ng paaralan ng Taytay Senior High, dalawang araw bago isara ang programa ng Brigada Eskwela 2023.

Marami pa rin ang patuloy na nakiki-isa sa paglilinis ng mga bahagi ng paaralan. Ngayong araw ay nagpokus ang mga mag-aaral, magulang, g**o, at iba pang kawani ng paaralan sa paglilinis ng mga 'school ground'. Ito ang kadalasan na pinagtitipunan ng mga tao sa paaralan.

Sa kabila ng malaking bilang ng mga taong nais tumulong ay nananatili pa rin ang disiplina at kaayusan sa loob ng paaralan sa gabay ng mga lider-estudyante at Rovers Scout.

Sa karagdagan, ang enrolment para sa ika-12 na baitang sa 'strand' na ICT at HUMSS ay ginanap din ngayong araw kasabay Brigada Eskwela.

Photos from Taytay Senior High School - School Publication's post 16/08/2023

Agosto 16, 2023 — Tuloy-tuloy ang Brigada Eskwela '23 sa ikatlong araw nito para sa nalalapit na inagurasyon ng ‘STEM Robotics and Laboratory' at pagbubukas ng klase sa Taytay Senior High School.

Buong-lakas na nagtulong-tulong ang mga magulang, estudyante, at mga g**o upang linisin ang gusali ng Pangarap kung saan nakatayo ang 'guidance office', kantina ng paaralan, at ‘ICT Laboratory'.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakibahagi ngayong araw para sa matagumpay na Brigada Eskwela 2023-2024.

Photos from Taytay Senior High School - School Publication's post 15/08/2023

𝗜𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮, 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗡𝗮𝗶𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮!

Umaarangkada pa rin ngayong Martes ang isang-buong-linggong Brigada Eskwela '23 sa Taytay Senior High School kasabay ng pagpapatala sa mga susunod na mag-aaral sa ika-12 na baitang.

Patuloy pa rin ang pagdating ng mga mag-aaral, magulang, at mga g**o upang makiisa sa Brigada Eskwela.

Kasabay sa gawaing ito ang pagdagsa ng mga donasyon mula sa iba't ibang mga taong may mabuting puso kalakip ang mga gamit panlinis at mga halaman.

Pokus ngayong araw ang gusali ng Tagumpay bilang sentro ng paglilinis sa mga lalahok sa Brigada.

Sa kabilang banda, kontrol pa rin ng Rovers Scout at iba pang lider-estudyante ang pagdagsa ng mga tao upang mapanatili ang kaayusan at disiplina sa loob ng paaralan.

Isinasagawa ang taunang Brigada Eskwela upang ihanda ang lahat ng mga mag-aaral para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ngayong taon, itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagbubukas ng klase sa Agosto 29, 2023.

Photos from Taytay Senior High School - School Publication's post 14/08/2023

Halika na, Brigada na!

Opisiyal nang sinimulan ang Brigada Eskwela sa paaralan ng Taytay Senior High. Marami ang tumulong upang maging matagumpay ito sa kabila ng maulan na panahon.

Nagsimula ang programa sa pambungad na pananalita ng punong-g**o na si Dr. Teresita Cruz; ipinahayag niya ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng dumalo, at ilang paalala para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang.

Inilahad ng g**ong taga-pamahala ng Brigada Eskwela na si Gng. Anabelle Fidelino ang magiging daloy ng naturang programa. Ang Brigada Eskwela na may temang, "Brigada Eskwela '23 - Bayanihan para sa Matatag na Paaralan" ay mula Agosto 14, at magtatapos sa Agosto 18, 2023.

Bawat araw ay mayroong prayoridad na gusali ng paaralan upang linisin. Ang unang araw ay nagpokus ang lahat sa Pag-Asa Building, dito matatagpuan ang mga opisina ng mga g**o at punong g**o. Sa gusaling ito rin matatagpuan ang silid-aralan ng mga mag-aaral mula sa STEM, ABM, at HUMSS.

Nakiisa rin sa naturang programa ang mga stakeholders mula sa Alpha Phi Omega - University of Rizal System Angono (PC-088) at APO Taytay AA #37. Sa karagdagan, tumulong din ang ilan sa mga lider-estudyante at ang Rovers Scout sa pagkontrol at pagpapanatili ng kaayusan sa durasyon ng programa.

Isinasagawa ang programang ito para sa paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng taong panuruan 2023-2024. Inaasahan na sa tulong ng pagbabayanihan mula sa bawat isa ay magkakaroon ng maayos, malinis, at organisado na pagbabalik eskwela.

14/08/2023

BRIGADA ESKWELA 23

"Bayanihan Para Sa Matatag Na Paaralan"

01/08/2023

Simula ngayong araw, Agosto 1, 2023, ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika. Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”.

Simula ngayong araw, Agosto 1, 2023, ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika. Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”.

Alinsunod ang pagdiriwang sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, at naglalayong maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito.

Ang paaralang Taytay Senior High School ay nakikiisa sa pagdiriwang na ito. Ating buksan ang ating kaalaman at payabungin ang kultura't tradisyong Filipino.

Maligayang Buwan ng Wika, Taysenhista!


[Larawan mula sa Komisyon sa Wikang Filipino]

Photos from DepEd Tayo Blue Rizal Taytay Senior High School's post 01/08/2023
Want your school to be the top-listed School/college in Taytay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


#21 Binhing Pagasa Street (B. Pagasa) Brgy. Dolores Taytay, Rizal
Taytay
1920

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm