14/03/2026
Isang taos-pusong pasasalamat kay Mr. Vic Hernandez sa kaniyang pagbibigay ng *Bible Book Story* sa ating paaralan sa pamamagitan ng inisyatibo ng mga miyembro ng Seventh-day Adventist.
Ang mga aklat na ito ay magsisilbing gabay at inspirasyon sa ating mga mag-aaral upang lalo nilang makilala ang mga aral ng kabutihan, pananampalataya, at pagmamahal sa kapwa.
Maraming salamat sa inyong malasakit at patuloy na suporta sa edukasyon ng mga mag-aaral ng Mataas na Lupa Elementary School.📚✨