DepEd Tayo Taysan Central School - Batangas

DepEd Tayo Taysan Central School - Batangas Public School under Taysan District Province of Batangas

15/05/2026

Tara na! Halina't maki- Brigada na!

Gawaing pagpapabasa, kinilala ng Sangay ng Batangas!Pagbati ang nais ipahatid ng buong pamunuan ng Taysan Central School...
14/05/2026

Gawaing pagpapabasa, kinilala ng Sangay ng Batangas!

Pagbati ang nais ipahatid ng buong pamunuan ng Taysan Central School sa dalawang mahusay na g**o ng paaralan Gng. Analiza P. Galicia at Gng. Karen R. Luansing sa kanilang ipinakitang dedikasyon at pagmamahal sa mga mag-aaral upang malinang at mahasa ang kanilang kakayahan ng mga bata sa larangan ng pagbasa.

Ipinagmamalaki namin kayo!

TAYSAN CENTRAL SCHOOL​OPLAN BALIK ESKWELA PUBLIC ASSISTANCE COMMAND CENTER (OBE-PACC)​S.Y. 2026-2027Isang mapagpala at m...
14/05/2026

TAYSAN CENTRAL SCHOOL
​OPLAN BALIK ESKWELA PUBLIC ASSISTANCE COMMAND CENTER (OBE-PACC)
​S.Y. 2026-2027

Isang mapagpala at magandang araw po sa lahat, lalo't higit CENTRALIANS!
Dahil sa nalalapit na pagbubukas ng klase, ang pamunuan ng Taysan Central School ay opisyal na binubuksan ang OPLAN BALIK ESKWELA PUBLIC ASSISTANCE COMMAND CENTER (OBE-PACC).

Isa sa layunin nito ay ang maayos, mabilis at ligtas na pagbabalik- eskwela ng ating mga mag-aaral. Ang pamunuan ay handang tumuhon sa inyong katanungan, enrollment concerns at iba pang pangangailangan tungkol sa darating na pasukan.

​📅 MAHALAGANG PETSA NA DAPAT TANDAAN:
​📝 ENROLLMENT PERIOD: May 4 – June 5, 2026
​🧹 BRIGADA ESKWELA: June 1 – June 5, 2026
​🤝 OBE-PACC SERVICES: June 1 – June 12, 2026
​🔔 OPENING OF CLASSES: June 8, 2026

PAANO KAMI MAKAKATULONG?
​Ang ating Command Center ay bukas para sa:
​Pag-gabay sa proseso ng Enrollment.
​Pagtugon sa mga tanong tungkol sa Requirements.
​Pagbibigay ng impormasyon ukol sa Brigada Eskwela.
​Pagtanggap ng mga suhestyon o concerns para sa pagpapabuti ng ating serbisyo.
​📍 LOKASYON: Taysan Central School
⏰ ORAS NG SERBISYO: 8:00 AM – 5:00 PM (Monday to Friday)
​Maaari rin po kayong mag-iwan ng mensahe sa ating Official page para sa inyong mga online inquiries.

Halina! ​Tayo na! Tayo'y magtulungan para sa isang matagumpay na simula ng taong panuruan 2026-2027.

"𝙈𝙖𝙜𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙢𝙪𝙡𝙞 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙢𝙪𝙡𝙞."Ang lahat po ay aming iniimbitahan s...
13/05/2026

"𝙈𝙖𝙜𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙢𝙪𝙡𝙞 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙢𝙪𝙡𝙞."

Ang lahat po ay aming iniimbitahan sa darating na Hunyo 1- 5, 2026 sa isasagawang Brigada Eskwela 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na School Year 2026-2027.

Kita-Kits po tayo!

21/04/2026
Maraming salamat at Congratulations pa rin!Sa kakatapos lamang na National Schools Press Conference na ginanap sa Ormoc ...
17/04/2026

Maraming salamat at Congratulations pa rin!

Sa kakatapos lamang na National Schools Press Conference na ginanap sa Ormoc City, Leyte buong husay at galing na inirepresenta ni Phebe Katniss O. Viceral at Mam Joan Marie G. Escala ang buong CALABARZON kasama ang buong Team ng Collaborative Desktop Publishing Elementary -English.

Wala mang naiuwing pwesto ngunit ang buong Taysan Central School ay ipinagmamalaki ang inyong naabot sa larangan ng Pamamahayag na Pangkampus!

Pagtatapos ng nakaraang school year with a ​🇧​​🇦​​🇳​​🇬​!​🇧agong yugto ang sisimulan sa pagtatapos ng school year.​🇦​​ng ...
29/03/2026

Pagtatapos ng nakaraang school year with a ​🇧​​🇦​​🇳​​🇬​!

​🇧agong yugto ang sisimulan sa pagtatapos ng school year.
​🇦​​ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng naging kabahagi ng mga gawaing ito, lalo
🇳​a sa ating mga naging bisita at pangunhaing tagapagsalita sa pagpapaunlak sa aming naging imbitasyon.
77th Commencement Exercises
Mrs. Ma. Jenifer A. Arellano

Kindergarten Moving Up Ceremony
Ms. Erika Sarah D. Sierva

Recognition Ceremony
Engr. Francis Marc L. Alcantra
🇬arantisadong ang inyong iniwang mensahe sa mga batang naging tampok sa mga gawaing ito ay titiim at maisasabuhay. Sa inyong iniabot na tulong ay siguradong napakalaking tulong sa ating inang paaralan.

Muli pagbati muli sa ating mga batang nagsipagtapos, nagsipaglipat antas at sa mga pinarangalan.

Ganap ngayong araw!TURN OVER CEREMONY ng Completed School Fence Construction ng TAYSAN CS Lot 2 mula sa ating butihing M...
16/03/2026

Ganap ngayong araw!

TURN OVER CEREMONY ng Completed School Fence Construction ng TAYSAN CS Lot 2 mula sa ating butihing Mayor, Hon. Brigido "D**g" Villena.

Ang proyektong ito ay isang napakalaking tulong para sa karagdagang seguridad ng paaralan at mga mag-aaral ng Taysan Central School.

Mula po sa pamunuan ng Taysan Central School, nais po naming ipaabot ang taos puso naming pasasalamat sa ipinagkaloob na ito sa ating paaralan.

MABUHAY ang Bayan ng Taysan!
MABUHAY ang Taysan Central School

Pagtatalaga ng mga batang skawt, tagumpay!Sa natapos na gawain ng paaralan para sa mga batang skawt, makikita na ang baw...
27/02/2026

Pagtatalaga ng mga batang skawt, tagumpay!

Sa natapos na gawain ng paaralan para sa mga batang skawt, makikita na ang bawat isa ay nakiisa at sumuporta.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga magulang ng mga batang skwat na nakiisa sa gawaing ito, gayundin sa bawat sponsor ng bawat batang kalahok.

Maraming salamat din po sa mga sponsor ng bawat seremonya, Kgg.Rolly Delos Reyes( Kid), Brgy. Capt. Alexander Banaira na kinatawan ni Ms. Fllowin Joy Rosales ( Kab), Kgg, Dave Batarao( lBoy), Mam Janet Borbon ( Twinklers), Tita, Edita Causapin ( Star) ,Vice Mayor Eloisa Portugal ( Girl) at Mayor D**g Villena. Ang inyo pong tulong at suporta sa gawaing katulad nito at napakalaking bagay at tulong sa ating paaralan.

Isa ito sa gawain sa paaralan na talagang hindi malilimutan at maaaring maisabuhay ng mga batang Skawt.

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!
Congratulations muli mga batang scout! Maligayang pagsapi sa samahan ng mga lalaki at babaeng skawt.

Address

Taysan
4228

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Taysan Central School - Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share