08/12/2025
Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Mula po sa pamunuan ng Pinagbayanan Elementary School, sa pangunguna ni Gng. Bernadette E. Banaira, Punungg**o, kasama ang mga opisyales ng Alumni Association sa pangunguna ni Pres. Kon. Maricel C. Ramos, at ang mga opisyales ng GPTA sa pangunguna ni Pres. Kon. Mario Aclan, ay buong-pusong nagpapahayag ng aming pasasalamat sa lahat ng sumuporta at naging kaagapay sa pagdiriwang ng 100th Founding Anniversary and Grand Alumni at Ginoo at Ginang Sentenaryo 2025.
Lubos pong nagpapasalamat ang paaralan sa mga sumusunod:
Kay Fr. Larry; sa ating mga mabubuting sponsors — Mayor Brigido A. Villena, Kap. Huberto Villena at Sangguniang Barangay, Sir Marcial Cerezo, Kon. Dave Batarao, Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal at Sangguniang Bayan, LGU Taysan; sa lahat ng mga Punong Barangay sa pangunguna ni ABC Beloy Bautista; sa ating mga kapulisan, mga kawani ng STMO at Brgy. Police; sa buong komunidad; sa mga naging Kandidato at Kandidata ng Ginoo at Ginang Sentenaryo at kanilang mga pamilya; sa mga dating punungg**o at mga g**o; sa lahat ng Alumni; at sa lahat ng mga indibidwal at organisasyong nagpaabot ng kanilang tulong.
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
Hindi po natin maisasagawa at maidaraos ang isang makasaysayan at masayang araw na ito kung wala ang inyong walang sawang pagsuporta at pagkalinga sa ating Inang Paaralan.
Muli, taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong lahat na nasa likod ng gawaing ito. Maraming salamat po!