The Banahaw Scribes

The Banahaw Scribes The Official School Publication of Dapdap Integrated School

02/10/2026

Makinig at makibalita sa Lingguhang Radyo Balita ng Banahaw Scribes, ang opisyal na pahayagan ng Dapdap Integrated School!

01/10/2026

‼️EYES HERE, WE ARE BACK‼️

🎙️ Abangan ang pangatlong episode ng Punto Bente Syete📰

Kasama ang mga ka punto ng campus na sina Jhoy Heart Panugan (G12-Banahaw Scribes), Lorenz Reola (G11-Banahaw Scribes), Vrianna Panugan ( G8- SPJ), Adela Merle (G8-SPJ), Julia Cada (G8-SPJ), Martin Garvida (G8-SPJ), at Carl Ian Reutiquio (G8-SPJ)

Makinig at makibalita sa Lingguhang Radyo Balita ng Banahaw Scribes, ang opisyal na pahayagan ng Dapdap Integrated School!

📅 October 2, 2026
🕚 11:30 AM
📍 LIVE sa Dapdap Integrated School (DIS)

Huwag palampasin ang pangatlong pagsasahimpapawid ng mga napapanahon at makabuluhang balita mula sa tinig ng Banahaw Scribes. Sama-sama nating tunghayan ang bagong yugto ng pamamahayag sa DIS!

Happy birthday to our amazing journalism coach! Thank you for always guiding and supporting us in every competition. We’...
30/09/2026

Happy birthday to our amazing journalism coach! Thank you for always guiding and supporting us in every competition. We’re so lucky to have you as our coach, and we wish you more blessings and happiness! 🎉💗

Happy birthday to our School Paper Adviser! Thank you for always guiding and supporting us in our journey as student jou...
26/09/2026

Happy birthday to our School Paper Adviser! Thank you for always guiding and supporting us in our journey as student journalists. We are grateful to have you, and we wish you a happy birthday filled with love and blessings! 🤍🎉

Happy birthday to an incredible and tenacious news editor, Vrianna Jane Panugan.Wishing a very happy birthday to the voi...
23/09/2026

Happy birthday to an incredible and tenacious news editor, Vrianna Jane Panugan.

Wishing a very happy birthday to the voice behind the headlines. May this year bring you the peace, joy and breakthroughs you so richly deserve.❤️‍🩹

🏆🖊️ CELEBRATING OUR CAMPUS JOURNALISM ACHIEVERS! 📰✨Dapdap Integrated School family proudly celebrates our talented stude...
18/09/2026

🏆🖊️ CELEBRATING OUR CAMPUS JOURNALISM ACHIEVERS! 📰✨

Dapdap Integrated School family proudly celebrates our talented student writers, photojournalists, cartoonists, illustrators, and editors who showed their skills and passion at the Division School Paper Conference (DSPC)! 🎉👏

Your hard work in journalism, creative writing, honest reporting, and sharing meaningful stories has brought pride and honor to our school. The awards and recognitions you received show your dedication, hard work, creativity, and love for journalism. 🏆📰

More than the awards, you have shown how proud it is to represent Dapdap Integrated School with passion, purpose, and excellence. Your achievements remind us of the power of young voices and the important role of campus journalism. ❤️💙

We also extend our sincere thanks to our journalism advisers, supportive parents, teachers, and everyone who helped our student journalists along the way. Your guidance, support, and encouragement played an important part in their success. 🖊️📚❤️

🌟 Congratulations, DISIANS Campus Journalists! 🌟

Keep writing with purpose.
Keep creating with passion.
Keep sharing stories that matter.
Keep inspiring others through your voices and your pens! 📰🖊️✨

Let us all celebrate and give a big round of applause to our young journalists for this well-deserved achievement! 🎉👏🏆

Congratulations, DISIANS! We are truly proud of you! ❤️💙

Intramurals 2026, Pormal nang Binuksan‎‎Pormal na binuksan ng Dapdap Integrated School ang Intramurals 2026 nitong Setye...
07/09/2026

Intramurals 2026, Pormal nang Binuksan
‎
‎Pormal na binuksan ng Dapdap Integrated School ang Intramurals 2026 nitong Setyembre 7, na may temang “Kabataang Disians: Laro ng Pagkakaisa, Kalusugan, at Kaunlaran 2026.” Nakiisa sa programa ang mga mag-aaral, g**o, at iba pang miyembro ng paaralan. Layunin ng paligsahan na maitaguyod ang pagkakaisa, kalusugan, at kaunlaran ng mga kabataan sa pamamagitan ng sports.
‎
‎Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Pambansang Awit bilang pagpapakita ng paggalang at pagkakaisa ng buong komunidad ng paaralan. Sinundan ito ng mensahe ni Assistant Principal Wilma Zaide. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng disiplina, sportsmanship, at pakikipagtulungan sa mga paligsahan. Naging bahagi ito ng pormal na pagbubukas ng Intramurals 2026. Ipinakita rin ng programa ang kahalagahan ng sports sa paghubog ng mga kabataan.
‎
‎Isa sa mga tampok na seremonya ang lighting of the torch na pinangunahan ni Jacob Salonoy, isang badminton player. Ang pagsindi ng apoy ay nagsilbing simbolo ng pagsisimula ng kompetisyon. Ipinakita rin nito ang determinasyon ng mga mag-aaral na makilahok at gawin ang kanilang makakaya. Naging makabuluhang bahagi ito ng pagbubukas ng Intramurals 2026. Nagbigay ito ng sigla sa mga kalahok bago ang mga paligsahan.
‎
‎Apat na pangkat ang nakiisa sa paligsahan, kabilang ang Phoenix, Bakunawa, Agila, at Leon. Bawat pangkat ay naghanda upang ipakita ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang palaro at ipamalas ang kanilang suporta sa pamamagitan ng kani-kanilang mga yell. Umalingawngaw sa buong paaralan ang masiglang sigawan ng bawat pangkat, na nagbigay ng dagdag na enerhiya at excitement sa pagbubukas ng paligsahan. Naging pagkakataon din ito upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang teamwork, pride, at determinasyon. Higit sa pagkapanalo, binibigyang-halaga sa paligsahan ang patas na paglalaro at pagkakaisa ng mga Kabataang Disians..
‎
‎Ang tema ng Intramurals 2026 ay nakatuon sa pagkakaisa, kalusugan, at kaunlaran ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng palakasan, nahuhubog ang pisikal na kakayahan at disiplina ng mga mag-aaral. Nagbibigay rin ito ng pagkakataon upang matuto silang makipagtulungan sa kanilang mga kakampi. Mahalaga rin ang paggalang sa kalaban at pagsunod sa mga patakaran ng laro. Ang mga pagpapahalagang ito ay bahagi ng layunin ng paaralan para sa mga mag-aaral.
‎
‎Bukod sa kompetisyon, nagsisilbi ring pagkakataon ang Intramurals upang magkaroon ng mas matibay na samahan ang mga mag-aaral. Sa bawat laro, naipapakita ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagtitiwala sa isa’t isa. Nakatutulong din ang mga aktibidad sa pagpapaunlad ng tiwala sa sarili ng mga kalahok. Sa ganitong paraan, nagiging bahagi ang palakasan ng kanilang paghubog bilang responsableng kabataan. Nananatiling mahalaga ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng mga pangkat.
‎
‎Sa pagpapatuloy ng Intramurals 2026 hanggang Setyembre 8, inaasahang maipapakita ng mga kalahok ang kanilang husay at determinasyon. Higit sa resulta ng mga paligsahan, mahalagang mapanatili ang respeto at sportsmanship ng bawat manlalaro. Nagsisilbi ring paalala ang tema na ang palakasan ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo. Ito ay tungkol din sa kalusugan, pagkakaibigan, at pag-unlad ng mga kabataan. Sa huli, ang tunay na tagumpay ay ang pagkakaisa ng buong komunidad ng Dapdap Integrated School.

✍🏻: Danrev Buenaobra
📸: Maximus Cabreros

📚 Good luck sa ating lahat! 🍀Exam na naman, kaya ibigay na natin ang best natin! Huwag hayaang maunahan ng kaba at isipi...
27/08/2026

📚 Good luck sa ating lahat! 🍀

Exam na naman, kaya ibigay na natin ang best natin! Huwag hayaang maunahan ng kaba at isipin na kaya natin ito basta ginawa natin ang ating makakaya.

Magtiwala sa sarili, magbasa nang mabuti, at sagutin ang bawat tanong nang may kumpiyansa. Anuman ang maging resulta, maging proud sa sarili dahil pinaghirapan natin ito. 📝💙

Good luck sa exam, everyone! Kaya natin ’to! ✨




🧑‍🎨: Joyce Ann Dealino
✍🏻: Ira Shaznaye Enriquez

26/08/2026
AFP nagsagawa ng WPS awareness campaign sa Dapdap Integrated School✍️ Joyce Ann T. Dealino‎Nagbahagi si Cpl. Jayvee C. C...
26/08/2026

AFP nagsagawa ng WPS awareness campaign sa Dapdap Integrated School
✍️ Joyce Ann T. Dealino

‎Nagbahagi si Cpl. Jayvee C. Cruz mula sa 15th Special Forces Company sa ilalim ng 4th Battalion, kasama sina PFC Rosito V. Jungco Jr., S6 Signal; PFC Jomart D. Antonio, Automatic Rifleman; at Cpl. Mike S. Ortiz, S3 Operations NCO, ng mahahalagang impormasyon tungkol sa West Philippine Sea (WPS) sa isinagawang AFP Campaign Awareness sa Dapdap Integrated School noong Agosto 25.
‎
Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Senior High School (SHS) upang mas maunawaan ang mga pangyayari sa West Philippine Sea at ang mga legal na batayan kung bakit sinasabi ng Pilipinas na bahagi ito ng bansa. Ang mga mag aaral mula Grade 7 hanggang Grade 8 na mga pang morning shift ay sama-samang dumalo sa school covered court, pagkatapos ng kanilang klase. Samantala, ang mga Grade 9 hanggang Senior High School na pang afternoon shift ay isa-isang binisita ng AFP sa mga silid aralan upang di makaabala sa instructional time.
‎
‎Sa isinagawang campaign awareness, ipinaliwanag ni Cpl. Cruz ang mga pangyayari at usapin tungkol sa West Philippine Sea, gayundin ang mga legal na batayan na dapat malaman ng mga mag-aaral. Layunin ng programa na mas mailapit sa kabataan ang tamang impormasyon, lalo na sa mga hindi palaging nakakakuha ng balita o impormasyon tungkol sa isyu.
‎
‎Ayon kay Cpl. Cruz, tagapagsalita sa programa, “Ginagawa namin ang campaign awareness na ito upang mas mailapit sa mga mag-aaral ang tamang impormasyon tungkol sa West Philippine Sea at maipaliwanag ang legal na batayan kung bakit sinasabi nating atin ito", aniya.
‎
‎Binigyang-diin din niya na mahalagang direktang maiparating sa mga mag-aaral ang impormasyon tungkol sa West Philippine Sea upang mas maunawaan nila ang mga nangyayari rito. Sa halip na umasa lamang sa mga impormasyong nakikita sa social media o naririnig sa balita, nagsisilbing paraan ang programa upang maipaliwanag nang direkta sa mga mag-aaral ang mahahalagang usapin tungkol sa nasabing karagatan.
‎
‎Sa pamamagitan ng pagpunta sa mga paaralan, layunin ng AFP na mas mailapit sa mga mag-aaral ang impormasyon tungkol sa West Philippine Sea at maipakita kung ano ang maaaring gawin ng mga mamamayan upang suportahan ang bansa. Naging pagkakataon din ito para sa mga mag-aaral na maging mas mulat sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang bansa at sa mga karapatan nito.
‎
‎Sa pagtatapos ng campaign awareness, iniwan sa mga mag-aaral ang mensaheng “Ating Karagatan, Ating Karapatan, Ating Kinabukasan,” bilang paalala sa kahalagahan ng pagiging mulat at mapanuri sa mga impormasyong may kaugnayan sa West Philippine Sea.

Address

Brgy Dapdap
Tayabas
4327

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Banahaw Scribes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category