DepEd Tayo Talolong Elementary School

DepEd Tayo Talolong Elementary  School For the Future of the Future

Pagkilala sa mga mag-aaral ng Talolong Elementary School na hindi lamang nagsusumikap sa kanilang pag-aaral, kundi nagpa...
05/10/2026

Pagkilala sa mga mag-aaral ng Talolong Elementary School na hindi lamang nagsusumikap sa kanilang pag-aaral, kundi nagpapakita rin ng magandang asal, respeto, disiplina, at responsibilidad.

Congratulations, dear awardees! πŸŽ‰πŸ‘ Ipagpatuloy ang pagiging mabuting halimbawa sa loob at labas ng paaralan.
β€œAng tunay na tagumpay ay nasusukat hindi lamang sa talino, kundi sa magandang asal at mabuting puso.”


🍎✨ Cheers to the teachers who inspire, encourage, and make every lesson count! Your impact lasts far beyond the classroo...
04/10/2026

🍎✨ Cheers to the teachers who inspire, encourage, and make every lesson count! Your impact lasts far beyond the classroom. Happy Teachers’ Day to all the amazing educators! πŸ‘©β€πŸ«πŸ“šβ€οΈ

Ipinagdiwang ng Talolong Elementary School ang yaman ng ating kultura at kasaysayan sa pamamagitan ng makukulay na kasuo...
09/09/2026

Ipinagdiwang ng Talolong Elementary School ang yaman ng ating kultura at kasaysayan sa pamamagitan ng makukulay na kasuotan, malikhaing sining, at makabuluhang gawain. Mula sa tradisyonal na kasuotan hanggang sa poster at slogan, ipinakita ng mga mag-aaral na ang Wikang Filipino at Teknolohiya ay tunay na tulay sa pananaliksik at pagkakaisa.

TALOLONG ELEMENTARY SCHOOL, NAGSAGAWA NG ACTIVE THREAT SAFETY DRILLNagsagawa ang Talolong Elementary School ng Active Th...
05/09/2026

TALOLONG ELEMENTARY SCHOOL, NAGSAGAWA NG ACTIVE THREAT SAFETY DRILL

Nagsagawa ang Talolong Elementary School ng Active Threat Safety Drill bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng paaralan sa mga hindi inaasahang sitwasyong pang-emergency. Layunin ng gawain na malinang sa mga mag-aaral, g**o, at kawani ang kahalagahan ng pagiging alerto, kalmado, at pagsunod sa itinakdang safety protocols.

Sa isinagawang drill, ipinakita ng mga mag-aaral at g**o ang wastong pagtugon sa isang sitwasyong nangangailangan ng agarang pag-iingat at paglikas sa ligtas na lugar. Naging mahalagang bahagi rin ng aktibidad ang pakikipagtulungan ng mga Barangay Tanod at Barangay Kagawad, na nagsilbing mabilis na rumesponde upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa paligid ng paaralan.

Matapos ang gawain, nagbigay ng mahahalagang tagubilin at paalala ang Punong G**o hinggil sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina, pakikipagtulungan, at tamang pagsunod sa mga safety procedures sa panahon ng emergency.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling pinagtibay ng Talolong Elementary School ang pangako nitong magkaroon ng ligtas, handa, at matatag na komunidad ng paaralan.

πŸ† INTRAMURALS 2026: LARO, GALING, AT PAGKAKAISA!Matagumpay na isinagawa ang Intramurals 2026 sa Talolong ES na nilahukan...
04/09/2026

πŸ† INTRAMURALS 2026: LARO, GALING, AT PAGKAKAISA!

Matagumpay na isinagawa ang Intramurals 2026 sa Talolong ES na nilahukan ng Red at Blue Teams. Tampok ang husay sa Athletics at Chess, gayundin ang saya ng mga Larong Lahi.

πŸƒ Athletics – Laurence
β™ŸοΈ Chess – Emilio
πŸ† Overall Champion – RED TEAM! πŸ”΄

Congratulations sa lahat ng manlalaro! Tunay na ang pinakamahalagang panalo ay ang sportsmanship, pagkakaibigan, at pagkakaisa.

Talolong Elementary School Learning Action Cell (LAC) Session for the month of AUGUST.                                  ...
04/09/2026

Talolong Elementary School Learning Action Cell (LAC) Session for the month of AUGUST.
"COT PREPARATION AND PORTFOLIO DEVELOPMENT"

Hindi lang kaalaman ang layunin ng pag-aaral, kundi ang paghubog ng magandang pagkatao.Ang totoong tagumpay ay hindi lan...
02/09/2026

Hindi lang kaalaman ang layunin ng pag-aaral, kundi ang paghubog ng magandang pagkatao.
Ang totoong tagumpay ay hindi lang nasusukat sa kung ano ang natutunan mo, kundi sa kung paano mo itinuturing ang ibang tao gamit ang kaalamang iyon. ❀️

23/08/2026
Division Monitoring Team Visits Talolong Elementary  School, Strengthens Support for Quality EducationThe Division Monit...
06/08/2026

Division Monitoring Team Visits Talolong Elementary School, Strengthens Support for Quality Education

The Division Monitoring Team visited the school to monitor the implementation of school programs and provide technical assistance aimed at improving the quality of teaching and learning.
One of the key areas reviewed during the visit was learner performance, particularly in reading and numeracy. The team examined assessment results, learner progress, and intervention programs to identify strengths and areas that require further support. The discussions emphasized the importance of strengthening foundational literacy and numeracy skills to improve learners' overall academic performance.

The monitoring team also assessed the availability and utilization of learning resources. While existing instructional materials continue to support classroom instruction, the school highlighted the need for additional books and reference materials in English, Filipino, Mathematics, Science, Araling Panlipunan, EsP, MAPEH, and EPP/TLE to further enrich the teaching and learning process.

Recommendations focused on enhancing instructional strategies, improving learner assessment, strengthening reading and numeracy interventions, and maximizing the use of available learning resources.

The monitoring concluded with a shared commitment between the Division Monitoring Team and the school to continuously improve learner outcomes through collaboration, quality instruction, and adequate educational resources.

Taos-pusong pasasalamat sa  Sangguniang Barangay ng Talolong sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay Kap. Jesusa Jalbu...
06/08/2026

Taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Talolong sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay Kap. Jesusa Jalbuena na nagsagawa ng feeding program sa paaralan bilang suporta sa kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral. Layunin nito na mabigyan ng masustansiyang pagkain ang mga bata at matulungan silang maging malusog at handa sa pag-aaral.

Sa tulong ng mga g**o, naging maayos ang pamamahagi ng pagkain sa mga mag-aaral. Masaya at buong pasasalamat na tinanggap ng mga bata ang inihandang pagkain mula sa mga opisyal ng barangay.

Nagpasalamat ang pamunuan ng paaralan sa Punong Barangay at Sangguniang Barangay sa kanilang suporta at malasakit. Ang kanilang pagtutulungan ay nagpapakita ng tunay na pagkakaisa ng paaralan at komunidad para sa kapakanan ng mga mag-aaral.


Address

Brgy. Talolong
Tayabas
4327

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Talolong Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category