22/08/2026
A Moment to Remember ๐
The crown may shine, but ๐๐ฉ๐ช๐ข๐ฏ made the moment his own,
And with every word and step, his confidence was shown.
Bitbit ang tapang, buong puso siyang humarap,
Sa entablado, kaniyang husay ay lalong nagningning at lumapat.
As 1๐๐ ๐ฅ๐๐ป๐ป๐ฒ๐ฟ-๐จ๐ฝ, he leaves the stage with pride, with the heart of a leader standing right by his side.
From serving as the ๐๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ 10 ๐๐ฆ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ of the ๐ฆ๐๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐,
To shining on a bigger stage; this is only the beginning of the moment.
Congratulations, Jhian Caile Gutierrez, Mr. Teen Tayabas 1st Runner-Up!
You made us all proud! ๐
๐ธ: Retrato PhotoCinema, Mr. TEEN Tayabas, Krisdelle Mariz Obciana
22/08/2026
A Crown That Speaks ๐
A crown may mark the win, but ๐๐ฆ๐ฉ๐ช๐ฆ๐ญ left a message that stayed within.
Hindi lang sagot ang narinig ng lahat, kundi mga salitang may saysay at bigat. He spoke with purpose, meaning, and grace,
and left more than a title in that very place.
From serving as the former ๐๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ 11 ๐๐ฆ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ of the ๐ฆ๐๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐๐๐๐) to taking the crown as ๐ ๐ฟ. ๐ง๐ฒ๐ฒ๐ป ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ 2026.
Congratulations, Mr. Teen Tayabas 2026, Jehiel Limyoco!
๐ธ: Retrato PhotoCinema, Mr. TEEN Tayabas, Krisdelle Mariz Obciana
21/08/2026
โจ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐! โจ
The ๐ฆ๐๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐ฆ๐ฆ๐๐) of Luis Palad Integrated High School sends its warmest wishes to ๐๐ต๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐๐๐ถ๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐, ๐ข๐๐ฟ ๐ฆ๐ฆ๐๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ 10 ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ, as he takes on the exciting challenge of ๐ ๐ฟ. ๐ง๐ฒ๐ฒ๐ป ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ 2026! ๐โจ
May you carry yourself with confidence, grace, and pride as you step onto the stage. Give it your best, enjoy every moment, and continue to shine! ๐
21/08/2026
๐ต๐ญ NINOY AQUINO DAY | AGOSTO 21
Sa araw na ito, ginugunita natin ang paglaban at pagsisilbi ni Benigno โNinoyโ Aquino Jr. Isang Pilipinong tinuturuan kami tungkol sa mga halaga tulad ng pagmamahal sa bansa, pagtanggol sa kalayaan at tungkulin sa bansa.
Ang kanyang pangamba ay nanatili bilang isang inspirasyon sa maraming Pilipino, lalo na sina Cory Aquino at ang lahat ng mga sundalo. Ito ay nagtuturo sa atin na walang pag-aalala, kahit ang ikabubuhay mo ay mawala. Ang pagpapahalaga sa kalayaan ay tutulong sa iyo, kapalaran, bansa at mga tao.
Alaalahanin ang iyong mga puso ng kanyang mga huling salita.
Tandaan mo ang kanyang paghihiwalat. Pagyamanin ang iyong kalayaan.
18/08/2026
๐ Ika-148 Quezon Day!
Ngayong araw, ginugunita natin ang buhay at mga naiambag ni Manuel L. Quezonโisang mahalagang lider sa kasaysayan ng Pilipinas at kinikilala bilang โAma ng Wikang Pambansa.โ Bilang unang Pangulo ng Commonwealth, naging malaking bahagi siya sa pagsusulong ng kalayaan, pagkakaisa, at kapakanan ng mga Pilipino sa paghubog ng ating bansa.
Sa ilalim ng Republic Act No. 6741 na ipinasa noong 1989, itinalaga ang Quezon Day bilang pag-alala sa kanyang mahalagang ambag sa ating kasaysayan at pambansang pagkakakilanlan. Sa ika-148 anibersaryo ng kanyang kapanganakan, patuloy nating binabalikan ang kanyang mga naiwan na aral at pagpapahalaga na hanggang ngayon nananatili pa rin sa bawat Pilipino.
17/08/2026
๐ข CLASS SUSPENSION | AUGUST 18, 2026
Dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon, suspendido ang klase sa August 18, 2026 upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani.
Partikular na paalala para sa ating mga Paladian ng Luis Palad Integrated Highschool: manatiling alerto, iwasan ang pagpunta sa mga lugar na maaaring bahain o delikado, at makinig sa mga opisyal na abiso ukol sa lagay ng panahon.
Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Kung kinakailangang manatili sa bahay, manatili sa ligtas na lugar at iwasan ang mga hindi kinakailangang pagbiyahe.
๐ง๏ธ Mag-ingat at manatiling ligtas, mga Paladian!
Stay safe, Paladians!
16/08/2026
๐ฉ 26TH COUNCIL KAWAN HOLIDAY
Naging sentro ng pagtitipon ng mga batang scout mula sa ibaโt ibang bahagi ng Quezon ang Luis Palad Integrated High School (LPIHS) noong Agosto 15 para sa pagdaraos ng 26th Council Kawan Holiday (CKH). Dinaluhan ito ng mga KAB at KID Scout, sa pangunguna ng mga kinatawan at kawani ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), upang isulong ang mga pagpapahalagang kaakibat ng pagiging isang scout.
Binigyang-hudyat ang pagsisimula ng programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni SL Bernard E. Manalo. Sinundan ito ng Pambansang Awit at Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, na pinangunahan naman ni SS Zee Jay N. Ranillo. Tampok din sa seremonya ang pagbigkas ng Pangako at Batas ng KID Scout ni KS Raphael Drew D. Guemo, Pangako ng KAB Scout ni KS Akihiro Y. Briones, at Batas ng KAB Scout ni KS John Lexter II M. Sacluti. Isinara ang bahagi ng seremonya sa paglalahad ng BSP Vision and Mission ni SL Violeta E. Reyes, Deputy Council Program Commissioner for KAB Scouting.
Samantala, ipinahayag nina LPIHS Principal Gregorio I. Racelis, SDS Celedonio B. Balderas Jr., SDS Rommel C. Bautista, at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagtanggap at pagbati sa mga dumalo. Kinatawan ni Dr. Farley L. Abrigo ng Colegio de la Ciudad de Tayabas si Tayabas City Mayor Anthony โKuya Piwaโ A. Lim, habang si EnP. John Francis L. Luzano, Head of the Provincial GovernmentโEnvironment and Natural Resources Office, naman ang kumatawan kay Gov. Angelina โDoktora Helenโ DL. Tan.
Matapos ang seremonyal na pagbubukas, pormal namang inilunsad ang Camp Kawan Holiday (CKH) 2026, kung saan inilaan ang ibaโt ibang palaro at aktibidad para sa mga kalahok. Nakapaloob ang mga ito sa temang GABAY, na kumakatawan sa:
G โ Galing sa Pagsulong
A โ Angat na Kasanayan
B โ Bida sa Awit at Saya
A โ Aktibong Laro
Y โ Yamang Katawan
Higit pa sa paligsahan at kasiyahan, nagsilbing pagkakataon ang CKH 2026 upang mahubog ang kakayahan at kumpiyansa ng mga batang scout habang pinapalalim ang kanilang pakikipagkaibigan, pakikipagtulungan, at pagpapahalaga sa mga prinsipyong bumubuo sa pagkakakilanlan ng KAB at KID Scout.
14/08/2026
๐ซง AUGUST CLEAN-UP DRIVE ๐ซง
Muling naging maayos ang pagsasagawa ng clean-up drive sa Luis Palad Integrated High (LPIHS) ngayong Agosto 14. Sa kabila ng pagsuspende ng klase hindi makakaila na isa ang disiplina sa natutunan ng mga Paladians, dahil sa pagpapakita nila ng pagiging responsable pagdating sa kalikasan.
Malaking pasasalamat din sa mga organisayon na nakiisa sa clean up drive. Naging madali ang bawat trabaho ng isaโt isa dahil sa pakikiisa ng bawat isa.
14/08/2026
๐ข SUSPENSION NG KLASE | AGOSTO 14, 2026
Batay sa Memorandum Circular No. 126 ng Tanggapan ng Pangulo, ipinatutupad ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga lugar na sakop ng memorandum dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).
Manatiling ligtas, mga Paladians! Unahin ang kaligtasan at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo.