Deped Valencia ES - Tayabas City

Deped Valencia ES - Tayabas City Official page of Valencia Elementary School

Dalawang araw ng bagong kaalaman, makabuluhang talakayan, at sama-samang pag-unlad para sa mas mahusay na pagtuturo at p...
16/09/2026

Dalawang araw ng bagong kaalaman, makabuluhang talakayan, at sama-samang pag-unlad para sa mas mahusay na pagtuturo at paglilingkod.

Valencia ES, Patuloy na natututo, patuloy na umuunlad! 💙

VALENCIA ES, NAGNINGNING SA 2026 SCHOOL INTRAMS
10/09/2026

VALENCIA ES, NAGNINGNING SA 2026 SCHOOL INTRAMS

NGITING PROTEKTADO, NGITING PANALO! ✨🦷Malusog na ngipin, mas masayang ngiti!  Isinagawa sa Valencia Elementary School an...
09/09/2026

NGITING PROTEKTADO, NGITING PANALO! ✨🦷

Malusog na ngipin, mas masayang ngiti!
Isinagawa sa Valencia Elementary School ang Dental Check-Up at Fluoride Application para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6, sa tulong ng City Dental Section ng City Health Office of Tayabas, sa pangunguna nina Dr. Joseph Maaño, DMD at Dra. Mildred Juntereal, DMD.

Bukod sa dental check-up at fluoride application, naturuan din ang mga bata ng wastong pagsesepilyo at nagkaroon ng masayang sabayang toothbrushing gamit ang mga ibinigay na sepilyo at toothpaste. 🪥😁

Maraming salamat sa ating mga Dental health professionals sa pagbibigay ng oras, serbisyo, at kaalaman para sa mas malusog na ngiti ng ating mga mag-aaral.

Dahil ang bawat malusog na ngiti ay tanda ng batang masigla, masaya, at handang matuto! 🌟

Maliwanag na Paningin, Mas Maliwanag na Kinabukasan: Vision Screening sa Kindergarten ng Valencia Elementary SchoolIsina...
03/09/2026

Maliwanag na Paningin, Mas Maliwanag na Kinabukasan: Vision Screening sa Kindergarten ng Valencia Elementary School

Isinagawa ang Vision Screening sa mga mag-aaral ng Kindergarten ng Valencia Elementary School sa pangunguna ni Nurse Aleli Padillo ng SDO Tayabas City.

Sa simpleng pagsusuri, nabigyang-pansin ang kalagayan ng paningin ng ating mga munting mag-aaral. Dahil ang malusog na mata ay mahalaga sa pagbabasa, pagsusulat, paglalaro, at pagkatuto. 💙📚

Alagaan ang mata, para sa mas maliwanag na kinabukasan!

“Kalusugan ay Ingatan, Bulate ay Iwasan!”Matagumpay na naisagawa ang Deworming Activity sa Valencia Elementary School, k...
03/09/2026

“Kalusugan ay Ingatan, Bulate ay Iwasan!”

Matagumpay na naisagawa ang Deworming Activity sa Valencia Elementary School, kung saan halos 100% ng mga mag-aaral ay nadeworm bilang bahagi ng pangangalaga sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Sa tulong ng mga health personnel, mga g**o, at mga magulang, naging maayos ang pagsasagawa ng programa na naglalayong mapanatiling malusog, masigla, at handang matuto ang bawat mag-aaral.

🌱 Malusog na pangangatawan, susi sa masiglang pagkatuto at matagumpay na kinabukasan!

Kabayanihan Sa Munting Hakbang , Pagkilala sa mga Natatanging Mag-aaral ng Valencia Elementary SchoolNgayong Agosto, tam...
03/09/2026

Kabayanihan Sa Munting Hakbang , Pagkilala sa mga Natatanging Mag-aaral ng Valencia Elementary School

Ngayong Agosto, tampok sa ASAL sa ARAL Program ang tema ng Pagkamakabayan at Kabayanihan—pagmamahal sa bayan, pagtulong sa kapwa, at paggawa ng mabuti sa araw-araw.
Kinilala ang mga natatanging mag-aaral na sina Sofia Mae B. Adan sa Key Stage 1 at Maica Paula L. Nanez sa Key Stage 2. Sa kanilang simpleng paraan, ipinapakita nila na ang pagiging mabuting mamamayan at bayani ay nagsisimula sa maliliit na kabutihan.

Valencia Elementary School, pinatatag ang kahandaan, wastong pagtugon at sama- samang pagkilos tungo sa isang ligtas at ...
03/09/2026

Valencia Elementary School, pinatatag ang kahandaan, wastong pagtugon at sama- samang pagkilos tungo sa isang ligtas at handang pamayanang pampaaralan sa pakikiisa sa National Simultaneous Safety School Safety Drill 2026

Sa simpleng kabutihan, may pusong bayani. Sa pusong makabayan, may pag-asang tunay. Pagbati sa mga Asal sa Aral Awardee ...
03/09/2026

Sa simpleng kabutihan, may pusong bayani. Sa pusong makabayan, may pag-asang tunay. Pagbati sa mga Asal sa Aral Awardee para sa buwan ng Agosto

02/09/2026

Muli po ang pasasalamat ng Valencia Es kay Sir Romeo bilang aming Feeding hero..

Maraming Salamat po!!!

Seremonya ng Panunumpa at Pormal na Pagtatalaga ng mga Opisyal ng SPTA 2026Matagumpay na isinagawa ng Valencia Elementar...
02/09/2026

Seremonya ng Panunumpa at Pormal na Pagtatalaga ng mga Opisyal ng SPTA 2026
Matagumpay na isinagawa ng Valencia Elementary School ang SPTA Induction and Oath-Taking Ceremony 2026 noong Agosto 28, 2026 sa Valencia Barangay Hall, Tayabas City. Dinaluhan ito ng mga magulang, g**o, at mga kinatawan mula sa LGU Tayabas City at SDO Tayabas City.

Naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng School Report Card (SRC), pagkilala sa mga stakeholders na patuloy na sumusuporta sa paaralan, at panunumpa ng mga bagong halal na SPTA at Homeroom Officers.

Naging mas masaya rin ang programa dahil sa raffle at sa pinakainaabangang Gng. PTA 2026, na napanalunan ni Gng. Mary Rose Valenzuela, isang proud parent mula sa Grade 2. 🎉

Isang matagumpay na pagtitipon na nagpapatunay na kapag ang paaralan, magulang, at komunidad ay nagkakaisa, mas maraming magandang bagay ang maaaring makamit para sa ating mga mag-aaral. 💙

Address

Tayabas
4327

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped Valencia ES - Tayabas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category