24/07/2026
PAALALA | BAG CHECKING SA MATATALAIB BUNO ELEMENTARY SCHOOL
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan, magsasagawa ang Matatalaib Buno Elementary School ng bag checking alinsunod sa DepEd Order No. 6, s. 2026.
Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad ng paaralan. Isasagawa ito nang may paggalang sa karapatan at dignidad ng bawat isa.
Inaanyayahan namin ang buong kooperasyon at suporta ng ating mga magulang, mag-aaral, at stakeholders upang mapanatiling ligtas ang ating paaralan.
Kaligtasan ng bawat bata, responsibilidad nating lahat.