19/01/2025
Sa layo ng kanilang mga komunidad, marahil naging bituwin na sila kung iisipin. Mahirap abutin, at tila hindi na kabilang sa atin. Naging pangkaraniwan na nga sa iilan kung isipin na sila ay naiiba. Nariyan pa nga ang ibaโt ibang bansag sa kanila. Dahil ba ito sa kulay ng kanilang balat? O โdi kayaโy sa porma ng kanilang buhok?
Tila isang bulong ng hangin na ipinararating na ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐บ ๐ฌ๐ข๐ข๐ฏ๐จ๐ต๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ. Kabilang sila. Gaano man kalayo, hindi sila naiiba. Ang pagmamahal ay walang kinikilalang layo at pagkakaiba. Ang bawat isa ay parte ng isang kolektibong pagkatao - ๐ณ๐ข๐ฅ๐ช๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ.
Kung kayaโt hindi ito naging hadlang sa Aristotle. Malayo man, hindi nangalay ang kanilang mga kamay at paa upang abutin sila. Hindi man nakasama ang lahat, naging simbolo naman ito ng pagtutulungan na walang inaasahang kapalit. Sapagkat makita lamang ang kanilang maiinit na ngiti sa bawat labi, ang pagod ay siguradong napapawi.
Ang lahat ay may mahalagang bahagi sa tagumpay ng aktibidad na itoโmagmula sa linggo-linggong pag-iipon ng mga delata at noodles, sa pangangaroling hanggang hatinggabi, sa pag-aayos, at higit sa lahat, sa hindi pagsuko. Nais din naming pasalamatan ang bawat katuwang sa adhikaing itoโna buong pusong naglaan ng oras, pagod, at suporta. Sa kanilang walang sawang pagtulong, nagawa nating maging liwanag para sa iba. Naging instrumento tayo at tulay, na kahit gaano man kahirap ang daang kailangang suungin, may mga pusong radikal ang pagmamahal na kayang abutin maging ang mga bituwing malayo sa atin.
Lahat ng tao ay may kakayahang maging simbolo ng liwanag sa dilim. Patuloy nawa tayong maging inspirasyon sa iba.
Mula sa Aristotle, para sa bayan! ๐ธ๐ช๐ผ