25/05/2025
We were often labeled as “malamya” na section dahil tahimik kami during discussions. Madalas kaming nahihiya na magtaas ng kamay at mag recite at isang dahilan na rin ang tahimik talaga kami. May kanya kanyang circle, kanya kanyang struggles sa buhay, at kanya kanyang achievements din. Iba iba ang ugali naming 2B, may malakas ang boses, mahina ang boses, laging late, at may mga napagkakamalang irreg na dahil laging busy.
Pero sa kabila ng pagkakaiba namin, iisa kami sa room. May pagtutulungan at suporta sa bawat isa. Hindi kami malamya. Kami ay may sariling galing at meron ding sariling pagpapakita kung ano at saan kami magaling. Walang malamya sa 2B at walang tapon sa 2B, dahil bawat isa sa samin ang naging dahilan kung bakit naging matatag, payapa, at masaya ang school year na ito.
Maraming salamat sa bawat isa na bumubuo ng section na ito. Lahat sana tayo ay matupad ang kanya kanya nating pangarap sa buhay, sana sumakses ika nga ng iba. Bawat takot at kaba natin sa kada reporting, Bawat revise ng narrative, at lahat ng stress natin ay balang araw sanang maging diploma.
PADAYON BPA 2B, May the odds forever be in your favor! 🤞🏻🍀