DANCE CLASS SA TCLASS!
Creating Youth Opportunities through Hands-On Training
Noong May 15-17, 2026, matagumpay na isinagawa ang Dance Class bilang bahagi ng ating summer program na naglalayong mabigyan ng makabuluhang kasanayan at produktibong gawain ang mga kabataan ngayong bakasyon.
Sa loob ng tatlong araw, ipinakita ng ating mga participants ang kanilang talento, disiplina, at sigla sa pagsayaw habang natututo ng bagong skills at pagpapalakas ng kanilang self-confidence. Higit pa rito, naging daan din ang programang ito upang magkaroon ng mas matibay na bonding ang mga bata at kanilang mga magulang sa pamamagitan ng sama-samang paglahok at suporta.
Patuloy ang suporta ng Provincial Government of Tarlac katuwang ang Tarlac Center for Learning and Skills Success sa mga ganitong klase ng programang nagbibigay inspirasyon at oportunidad sa mga kabataan upang mas mapaunlad ang kanilang talento at potensyal.
PGT - Tarlac Center for Learning And Skills Success
TechVoc Training Center that produces competent, employable and globally competitive graduates.
18/05/2026
GOLD MEDALIST!
Isang taos-pusong pagbati kay Mary Claire Vargas sa pagkakamit ng Gintong Medalya sa kategoryang Fashion Technology sa ginanap na WorldSkills Central Luzon 2026 Regional Skills Competition noong May 11-13, 2026 sa TESDA Regional Training Center Central Luzon.
Ang iyong husay, dedikasyon, at talento ay tunay na nagbigay karangalan hindi lamang sa inyong institusyon kundi pati na rin sa buong lalawigan ng Tarlac. Patunay ito na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pagmamahal sa larangan ng fashion technology, walang imposibleng maabot.
Lubos din naming kinikilala at binabati ang kanyang Expert na si Alicia A. Pangan sa walang sawang paggabay, suporta, at pagbabahagi ng kaalaman upang maabot ang tagumpay na ito.
Nawaโy magsilbi kang inspirasyon sa iba pang kabataan na patuloy na paghusayan ang kanilang kakayahan at abutin ang kanilang mga pangarap. Muli, congratulations Mary Claire Vargas! Patuloy mong dalhin ang galing at talento ng mga Tarlaqueรฑo sa mas mataas pang antas. ๐ฅ
โจ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐ข๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐๐ต๐ฟ๐ผ๐๐ด๐ต ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐-๐ข๐ป ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด โจ
Ngayong May 14, 2026 ay matagumpay na isinagawa ang ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด Training bilang bahagi ng ating summer program na naglalayong mabigyan ng makabuluhang kasanayan ang mga kabataan habang sila ay nasa bakasyon. ๐ฅ
Sa pamamagitan ng programang ito, hindi lamang natuto ang mga kalahok ng tamang paggawa ng tinapay at pastries, kundi nagkaroon din sila ng pagkakataon na makabuo ng mas matibay na samahan at bonding kasama ang kanilang mga magulang habang sabay na natututo ng bagong skills na maaari nilang magamit sa hinaharap. ๐จโ๐ณ๐ฉโ๐ณ
12/05/2026
โจ Creating Youth Opportunities through Hands-On Training โจ
Ngayong May 12, 2026, matagumpay na naisagawa ang Pizza Making bilang bahagi ng ating summer program na naglalayong bigyan ng makabuluhang aktibidad at bagong kasanayan ang mga kabataan habang sila ay naka-bakasyon. ๐จโ๐ณ
Sa pamamagitan ng programang ito, natutunan ng mga participants ang tamang paggawa ng pizza habang nagkakaroon din ng pagkakataon na makabonding ang kanilang mga magulang sa isang masaya at produktibong paraan. โค๏ธ
Patunay na ang summer ay hindi lamang panahon ng pahinga kundi pagkakataon din upang matuto, magkaroon ng bagong skills, at makalikha ng masasayang alaala kasama ang pamilya. ๐
11/05/2026
Ngayong Mayo 11, 2026, matagumpay na ginanap ang Opening Ceremony ng WorldSkills Central Luzon 2026 Regional Skills Competition na dinaluhan ng mga kalahok at delegado mula sa pitong lalawigan ng Region 3.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa bawat kalahok upang higit pang paunlarin ang kanilang talento at patunayan na ang kabataang Pilipino ay world-class pagdating sa husay at galing.
Lubos naming ipinapadala ang aming suporta at pagbati sa mga kinatawan ng Lalawigan ng Tarlac. Dalhin ninyo ang tapang, determinasyon, at dangal ng bawat Tarlaqueรฑo sa kompetisyong ito.
Good luck sa ating mga representante mula sa Tarlac! Ipagmalaki ninyo ang inyong kakayahan at patuloy na magningning. Ang buong lalawigan ay sumusuporta sa inyo.
10/05/2026
Nais mo bang magkaroon ng bagong oportunidad sa trabaho? Sumali na sa Training to Employment Program Masonry NCII ng Tarlac Center for learning and skills success katuwang ang Tarlac City Government at Aboitiz
Libreng 23-day training na may allowance, TESDA assessment, at pagkakataong ma-endorso sa mga kumpanya para sa trabaho. Basahin ang qualifications at requirements sa poster at mag-register na! ๐ทโโ๏ธ
Masayang Araw! Ito po ay programa in partnership with Tarlac Center for Learning Skills and Success (TCLASS), City Government of Tarlac, at Aboitiz Foundation sa pangunguna ng ating mahal na Hon. Mayor Susan A. Yap, tayo po ay mag sasagawa ng training ukol sa Masonry sa mga qualified applicants. At kapag nakapag tapos sa ating training mabibigayan ng pag kakataon na mag apply makapag trabaho sa Aboitiz.
TRAINING TO EMPLOYMENT PROGRAM in partnership with CGT, TCLASS and Aboitiz
Qualifications:
- Currently not in employment, not enrolled or in training
- At least 18 years old
- At least High school graduate
- Must be a resident of Tarlac City
- Willing to work in construction
Training schedule:
- 23 days training with allowance
- Free TESDA national assessment
- Job Placement Opportunity
- Endorsement to Aboitiz Construction and other companies
How to Register: click the link below
https://docs.google.com/forms/d/1TjWLZ04WZvLXw15fVso-1mIT44G6XUOAKAnB2ZTRr3I/edit
Initial Requirements:
- PSA Birth Certificate
- Diploma / Transcript of Records / Latest School Credential
- Valid ID
- Resume
10/05/2026
GO FOR GOLD! ๐ฅ
Ipinagmamalaki ng TCLASS ang ating tatlong mahuhusay na kinatawan ng Probinsya ng Tarlac para sa nalalapit na WorldSkills Central Luzon 2026 Regional Skills Competition na gaganapin ngayong May 11โ13, 2026 sa Guiguinto, Bulacan!
Sa kanilang sipag, talento, at dedikasyon, dala nila hindi lamang ang pangalan ng TCLASS kundi ang buong probinsya ng Tarlac. Nawaโy maging inspirasyon kayo sa kabataang patuloy na nangangarap at nagsisikap upang maabot ang kanilang mga mithiin.
Good luck TCLASS Competitors!
Padayon at ipagpatuloy ang pag-abot ng tagumpay para sa Probinsya ng Tarlac! ๐
08/05/2026
LIBRENG TRAINING: HEAVY EQUIPMENT OPERATION (FORKLIFT NC II)
Gusto mo bang magkaroon ng National Certificate at maging Forklift Operator? Ito na ang pagkakataon mo! Ang Tarlac Center for Learning and Skills Success katuwang ang TESDA, ay magbubukas ng slots para sa mga gustong maging iskolar!
๐ฐ BENEPISYO:
FREE Full Qualification Training (23 Days Duration)
FREE Assessment and Certification
โฑ160 Daily Allowance
๐ QUALIFICATIONS:
Dapat ay residente ng Tarlac Province.
At least High School Graduate / SHS Graduate / ALS Passer / College Level o Graduate.
18 years old pataas.
Physically and Mentally Fit.
Kayang kumpletuhin ang lahat ng kailangang dokumento.
Mayroong valid Driver's License (Original at Photocopy).
๐ DOCUMENTARY REQUIREMENTS:
(Magdala ng Original para sa verification at Photocopy ng mga sumusunod)
1. Educational Credential:
HS Graduate: Diploma at Certified True Copy ng Form 138/137/Form 9.
ALS Graduate: ALS Certificate.
College Level/Graduate: Diploma at Certified True Copy ng Transcript of Records (TOR).
Isama rin ang National Certificates kung mayroon na noon.
2. Personal Documents:
PSA Birth Certificate.
PSA Marriage Certificate (Para sa mga babaeng may asawa).
Original Barangay Indigency.
Original Medical Certificate.
Voterโs ID / Certification o anumang valid Government ID na may address.
3. Pictures (White background, may collar, studio shot):
3 pcs Passport size.
4 pcs 1x1.
4. Ilagay sa long brown envelope na may kasamang clear plastic envelope.
๐ PAANO MAG-APPLY?
Para sa mga karagdagang tanong o pagpapasa ng requirements, pumunta lamang sa aming opisina o mag-message sa aming page:
๐ข Address: IT Training Center Bldg. Right Wing, IT Park I, Tibag Tarlac City, Tarlac.
๐ Contact: 0917-706-6718
๐ป FB Page: PGT - Tarlac Center for Learning And Skills Success
Magmadali at limitadong slots lamang ito! Kita-kits, Tarlaqueรฑos!
01/05/2026
Pagkilala sa lahat ng masisipag na manggagawang Tarlaqueรฑo at sa bawat Pilipinong patuloy na nagsusumikap.
Saludo kami sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon. Kayo ang tunay na haligi ng pag-unlad ng ating komunidad at bansa. Patuloy nawa kayong maging inspirasyon sa bawat isa.
Mabuhay ang manggagawang Pilipino! ๐ช
01/05/2026
GOODNEWS! STUDENTS & MOMS WITH THEIR KIDDOS!
Magandang balita ito para sa mga Mommy at kanilang anak, at sa mga Students na kasalukuyang naka-summer break! ๐ข
Huwag hayaang masayang ang bakasyon! Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac ay naghahandog ng iba't ibang Libreng Hands-On Training para sa mga kabataan na gustong matuto ng bagong skills at para sa mga pamilyang gustong mag-bonding habang nag-sasanay
Narito ang mga programang maaari ninyong pagpilian:
โ Barista NCII - (20 slots) 23 Days - Para sa Senior high school at College Students
๐ Bread & Pastry Making - (10 slots) 1 Day - Para sa Mommies at Kids 6-11 y/o
๐ Pizza Making - (10 slots) 1 Day - Para sa Mommies at Kids 6-11 y/o
๐ฌ Candy Making - (25 slots) 1 Day - Para sa mga edad 12-17 y/o
๐ Dance Class - (15 slots) 3 Days - Para sa mga edad 7-12 y/o
๐ PAALALA:
Nakasaad na ang lahat ng impormasyon, requirements, at qualifications sa loob ng bawat poster. Mangyaring basahin nang mabuti ang bawat detalye sa mga larawan upang maiwasan ang anumang kalituhan.
๐ Sino ang Pwedeng Sumali?
Dapat ay residente ng Tarlac Province.
Kasalukuyang naka-summer break.
First come, first served basis (Limited slots lamang!)
Para sa pagsusumite ng inyong requirements, magtungo lamang sa aming opisina. ๐IT Training Center Bldg., Right Wing, IT Park I, Tibag Tarlac City, Tarlac.
๐ Para sa Tanong at Rehistrasyon:
Maaari ninyong kontakin ang mga sumusunod na numero o mag-email sa:
Training: 0917-706-6718
Assessment: 0917-848-5235
Email: [email protected]
Tara na at gawing produktibo ang summer! Kita-kits!
29/04/2026
Maligayang kaarawan po, Governor Christian Yap ๐
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas sa inyong pamumuno. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at serbisyo para sa Tarlac. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at mas marami pang biyaya sa darating na mga taon.
Mabuhay po kayo!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
IT Training Center Bldg. , Right Wing, IT Park I, Tibag Tarlac City
Tarlac
2300
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |