Maliwalo NHS ALS SHS

Maliwalo NHS  ALS SHS

Share

All in lahat sa ALS-SHS. #GoALS #2022

Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 04/04/2026

๐“˜๐“ท๐“ฌ๐“ต๐“พ๐“ผ๐“ฒ๐“ฟ๐“ฎ ๐“Ÿ๐“ป๐“ธ๐“ฐ๐“ป๐“ช๐“ถ ๐“ฏ๐“ธ๐“ป ๐“›๐“ฒ๐“ฏ๐“ฎ ๐“ข๐“ด๐“ฒ๐“ต๐“ต๐“ผ ๐““๐“ฎ๐“ฟ๐“ฎ๐“ต๐“ธ๐“น๐“ถ๐“ฎ๐“ท๐“ฝ: ๐“—๐“ช๐“ด๐“ซ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ฃ๐“พ๐“ท๐“ฐ๐“ธ ๐“ผ๐“ช ๐“œ๐“ช๐“ผ ๐“œ๐“ช๐“ต๐“ช๐”€๐“ช๐“ด ๐“ท๐“ช ๐“Ÿ๐“ช๐“ฐ๐“ด๐“ช๐“ฝ๐“พ๐“ฝ๐“ธ-๐“”๐“ท๐“ฎ๐“ป๐“ธ 19-21,2026

Isinagawa ang makabuluhang Regional Inclusive Program for Life Skills Development sa Olongapo City nitong ika-19 hanggang ika-21 ng Enero 2026. Ang nasabing programa ay naging matagumpay sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Tibag ALS-SHS at Maliwalo ALS-SHS, kasama ang ilang community learners mula sa ALS Junior High School. Layunin ng gawaing ito na higit pang palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa ibaโ€™t ibang aspeto ng buhay sa ilalim ng adbokasiya ng Department of Education (DepEd), katuwang ang Alternative Learning System (ALS) at Indigenous Peoples Education (IPED).

Naging mas makabuluhan ang programa sa aktibong suporta at presensya ng Division ALS Focal Person na si Rene Miclat, kasama sina Elmer Fabros at Ma. Katrina Gemora, na patuloy na nagbibigay-priyoridad sa kapakanan ng mga ALS learners. Nakaantabay rin ang ALS-SHS Focal Person na si Cecille Tolentino, katuwang ang mga masisipag na g**o, na walang sawang gumabay at sumuporta sa bawat aktibidad upang matiyak ang maayos at matagumpay na daloy ng programa.

Nakatuon ang programa sa paglinang ng mahahalagang life skills tulad ng komunikasyon, pakikipagkapwa, kritikal na pag-iisip, at mga praktikal na kakayahan na magagamit ng mga kalahok sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang aktibidad, workshops, at interaksyon, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipakita ang kanilang talento, mapalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili, at mas mapalalim ang kanilang pag-unawa sa kanilang papel sa komunidad.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng programa ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng DepEd at ng mga katuwang nitong institusyon sa pagsusulong ng inklusibo at dekalidad na edukasyon. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, mas napapalawak ang oportunidad para sa mga mag-aaralโ€”lalo na ang mga nasa Alternative Learning Systemโ€”na maging handa sa mga hamon ng buhay at maging aktibong bahagi ng pag-unlad ng lipunan.โ€ผ๏ธ


Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 04/04/2026

๐“ข๐“พ๐“น๐“ธ๐“ป๐“ฝ๐“ช ๐“ท๐“ฐ ๐““๐“ฎ๐“น๐“ช๐“ป๐“ฝ๐“ถ๐“ฎ๐“ท๐“ฝ ๐“ธ๐“ฏ ๐“”๐“ญ๐“พ๐“ฌ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ธ๐“ท ๐“ผ๐“ช ๐“˜๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ถ๐“ฎ๐“ท๐“ฝ๐“ช๐“ผ๐”‚๐“ธ๐“ท ๐“ท๐“ฐ ๐“๐“›๐“ข-๐“ข๐“—๐“ข ๐“ผ๐“ช ๐“œ๐“ช๐“ต๐“ฒ๐”€๐“ช๐“ต๐“ธ ๐“๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“น๐“ท๐“ช๐“ต ๐“—๐“ฒ๐“ฐ๐“ฑ ๐“ข๐“ฌ๐“ฑ๐“ธ๐“ธ๐“ต ,๐““๐“พ๐“ถ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐“๐“ช! - ๐“”๐“ท๐“ฎ๐“ป๐“ธ 26,2026

Patuloy na ipinapakita ng Department of Education (DepEd) ang matibay nitong suporta sa implementasyon ng Alternative Learning System โ€“ Senior High School (ALS-SHS) sa ibaโ€™t ibang implementing schools. Layunin ng programang ito na mabigyan ng dekalidad at inklusibong edukasyon ang mga mag-aaral na nangangailangan ng alternatibong paraan ng pagkatuto.

Bilang bahagi ng kanilang suporta, nagkaloob ang DepEd ng mga kinakailangang supplies at kagamitan upang mas mapadali ang pagpapatupad ng ALS-SHS program. Kabilang dito ang mga learning materials, school supplies, at iba pang kagamitang makatutulong sa mga g**o at mag-aaral sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang mga donasyong ito ay nagsisilbing mahalagang tulong upang masig**ong maayos at epektibo ang daloy ng pagtuturo at pagkatuto.

Sa tulong ng DepEd, mas napapalakas ang kakayahan ng mga implementing schools na maihatid ang kalidad na edukasyon sa mga ALS-SHS learners. Ang ganitong inisyatibo ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng ahensya sa paghubog ng kabataan at sa pagbibigay ng pagkakataon sa bawat Pilipino na makamit ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.


Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 04/04/2026

๐“œ๐“ช๐“ฒ๐“ท๐“ฒ๐“ฝ ๐“ท๐“ช ๐“Ÿ๐“ช๐“ฐ๐“ฝ๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ฐ๐“ช๐“น ๐“ท๐“ฐ ๐“ข๐“ช๐“ท ๐“™๐“ธ๐“ผ๐“ฎ ๐“”๐“ต๐“ฎ๐“ถ๐“ฎ๐“ท๐“ฝ๐“ช๐“ป๐”‚ ๐“ข๐“ฌ๐“ฑ๐“ธ๐“ธ๐“ต ๐“ผ๐“ช ๐“๐“›๐“ข-๐“ข๐“—๐“ข ๐“น๐“ช๐“ป๐“ช ๐“ผ๐“ช ๐“ฆ๐“ธ๐“ป๐“ด ๐“˜๐“ถ๐“ถ๐“ฎ๐“ป๐“ผ๐“ฒ๐“ธ๐“ท- ๐“”๐“ท๐“ฎ๐“ป๐“ธ 30,2026

Buong galak na tinanggap ng San Jose Elementary School sa pamumuno ni Mam Aleli Catacutan ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System โ€“ Senior High School (ALS-SHS) para sa kanilang WORK IMMERSION. Pinayagan at sinuportahan ang gawaing ito ni Sir Neptune C.Manalese ,Principal IV ng Maliwalo NHS at kanilang Work Immersion Teacher an si Mam Vivian Francisco na nagbigay daan upang maisakatuparan ang mahalagang programang ito para sa mga mag-aaral.

Sa patnubay ng ALS-SHS Focal Person na si Mam Cecille Tolentino, kasama si Sir Joel Baquing, naging maayos at makabuluhan ang takbo ng work immersion. Sila ay patuloy na bumibisita at gumagabay sa mga mag-aaral upang matiyak na maayos ang kanilang kalagayan at natututo sila sa kanilang mga gawain sa paaralan.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng mga g**o at pamunuan sa pagbibigay ng dekalidad at inklusibong edukasyon. Sa pamamagitan ng work immersion, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mahasa ang kanilang kakayahan, magkaroon ng karanasan sa aktwal na trabaho, at maging mas handa sa kanilang hinaharap.

Higit sa lahat, ang ganitong inisyatibo ay nagpapakita ng malasakit ng komunidad sa paghubog ng kabataan. Ang San Jose Elementary School, katuwang ang ALS-SHS, ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa pagtataguyod ng edukasyon para sa lahat.


Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 02/04/2026

๐“๐“›๐“ข-๐“ข๐“—๐“ข, ๐“๐“ช๐“ฐ-๐“ญ๐“ธ๐“ท๐“ช๐“ฝ๐“ฎ ๐“ท๐“ฐ ๐“–๐“ช๐“ป๐“ซ๐“ช๐“ฐ๐“ฎ ๐“‘๐“ช๐“ฐ ๐“ข๐“ฝ๐“ช๐“ท๐“ญ๐“ผ ๐“ผ๐“ช ๐“Ÿ๐“ช๐“ช๐“ป๐“ช๐“ต๐“ช๐“ท-๐“œ๐“ช๐“ป๐“ผ๐“ธ 19,2026

Nagbigay ng tulong ang ALS-SHS sa pamamagitan ng donasyon ng mga metal frame na ginagamit bilang sabitan ng sako ng basura sa paaralan. Layunin ng donasyong ito na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng campus, lalo na sa mga silid-aralan at iba pang common areas.

Ang naturang proyekto ay pinangunahan ng ALS Focal Person na si Mam Cecille Tolentino, katuwang si Sir Joel, Grade 11 Adviser. Sa kanilang pagtutulungan, naisakatuparan ang inisyatiba na naglalayong mapabuti ang waste management ng paaralan at hikayatin ang mga mag-aaral na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Bahagi rin ito ng patuloy na adbokasiya ng ALS-SHS na itaguyod ang kalinisan, disiplina, at pakikilahok ng mga mag-aaral sa pangangalaga ng kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na lalagyan ng basura, mas napapalakas ang waste management system ng paaralan at naiiwasan ang pagkalat ng kalat sa paligid.

Nagpaabot ng pasasalamat si Sir Neptune, Principal IV ng paaralan, kasama ang buong administrasyon, sa ALS-SHS sa kanilang malasakit at patuloy na suporta sa mga programa ng paaralan. Ayon sa kanila, malaking tulong ang nasabing donasyon upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa kapaligiran ng paaralan.


Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 02/04/2026

๐“Ÿ๐“ช๐“ฐ๐“ฑ๐“ช๐“ฑ๐“ช๐“ท๐“ญ๐“ช ๐“ผ๐“ช ๐“š๐“ฒ๐“ท๐“ช๐“ซ๐“พ๐“ด๐“ช๐“ผ๐“ช๐“ท: ๐“•๐“ฒ๐“ท๐“ช๐“ท๐“ฌ๐“ฒ๐“ช๐“ต ๐“›๐“ฒ๐“ฝ๐“ฎ๐“ป๐“ช๐“ฌ๐”‚ ๐“ข๐“ฎ๐“ถ๐“ฒ๐“ท๐“ช๐“ป ๐“น๐“ช๐“ป๐“ช ๐“ผ๐“ช ๐“๐“›๐“ข ๐“›๐“ฎ๐“ช๐“ป๐“ท๐“ฎ๐“ป๐“ผ - ๐“œ๐“ช๐“ป๐“ผ๐“ธ 12, 2026

Dumalo ang ALS-SHS ng Maliwalo National High School sa isang Financial Literacy Seminar na ginanap sa San Manuel Covered Court, Brgy. San Manuel, Tarlac City, na pinangunahan ng Cebuana Lhuillier. Layunin ng nasabing aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong pamamahala ng pananalapi, kabilang ang pagba-budget, pag-iipon, at matalinong paggastos. Naging makabuluhan ang programa sa pagbibigay ng praktikal na kaalaman na makatutulong sa pang-araw-araw na buhay at sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay rin ang Cebuana Lhuillier ng mga freebies tulad ng tsokolate, pagkain, at libreng insurance para sa mga kalahok. Pinangunahan ang aktibidad ni Division ALS Focal Person na Sir Rene Miclat, kasama si Sir Elmer Fabros na EPS ng ALS. Kasama din sa nakibahagi ang mga ALS-JHS Teachers at kanilang mga communitylearners.Katuwang din si Mam Cecille na siyang ALS-SHS focal person ng MNHS,kasama si Sir Joel Baquing. Ang kanilang patuloy na suporta at pakikiisa ay nagsilbing inspirasyon sa mga mag-aaral upang maging mas responsable at maalam sa pamamahala ng kanilang pananalapi.



Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 01/04/2026

ANG PAGTATAPOS NG MGA ALS-SHS GRADUATES
Batch SIKAD โ€“ Maliwalo National High School// Marso 31,2026

Sa pagtatapos ng ating ALS-SHS learners ng Batch SIKAD, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang kanilang tagumpay kundi pati ang kanilang katatagan at determinasyon sa kabila ng mga hamon. Ang kanilang paglalakbay ay naging posible sa tuloy-tuloy na suporta ng pamunuan ng Maliwalo National High School, sa pangunguna nina Division Focal Person Sir Rene at EPS Sir Elmer ganuon din si Mam Maria Katrina Gemora na nagbigay ng gabay at direksyon sa programa, kasama ang punong-g**o na si Sir Nep na buong pusong sumuporta sa bawat hakbang ng ALS-SHS.

Hindi rin matatawaran ang mahalagang papel nina Assistant School Principal Maโ€™am Gemma at Sir Edmond Baking ,Head Teacher. Gayindin ang ALS-SHS Focal Person na si Maโ€™am Cecille at ALS Teacher Sir Joel na nagsilbing inspirasyon at gabay ng mga mag-aaral. Sa tulong din ng lahat ng g**o, naging matagumpay ang programang ito. Sa huli, ang tagumpay ng Batch SIKAD ay bunga ng sama-samang pagsisikap, malasakit, at paniniwala na ang edukasyon ay para sa lahat. ๐ŸŽ“



Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 25/11/2025

๐“๐“ธ๐“ซ๐”‚๐“ฎ๐“ถ๐“ซ๐“ป๐“ฎ 25,2025 -Pormal nang nagsimula ang second semester ng Grade 11 ALS-SHS sa Maliwalo National High School sa pamamagitan ng blended learning approach, at muling napuno ang paaralan ng pag-asa habang nagbabalik sa face-to-face classes ang mga mag-aaral sa gabay ng kanilang mga g**o. Sa kabila ng mga hamon ng buhay, patuloy silang kumakapit sa pangarapโ€”katulad ng mag-aaral na si Angeline Patawaran, na araw-araw na humaharap sa klase habang inaalagaan ang kanyang anak, patunay na walang hadlang para sa isang pusong determinado at naniniwala sa pag-asang dala ng edukasyon.

20/11/2025

Happy Birthday to the best ALS EPS II ever Mam Mine Gemora! ๐Ÿฅณ
Thank you for always supporting the team, keeping us motivated, and leading with a great heart. We appreciate you more than you know. Hope your day is as fantastic as you are! ๐ŸŽ‚๐Ÿ’™

-from your MNHS ALS-SHS Family

Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 19/11/2025

๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐€๐‹๐’โ€“๐’๐‡๐’ ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐จ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ก๐š๐ฒ

Patuloy na nagsisikap ang mga mag-aaral ng ALSโ€“SHS sa kanilang pag-aaral gamit ang home-based modular learning, kung saan sinasagutan nila ang mga modyul sa loob ng kanilang tahanan. Regular silang mino-monitor at ginagabayan ng kanilang mga g**o upang masig**o na naunawaan nila ang mga aralin.

Sa kabila ng mga hamon, nananatiling determinado ang mga learners na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon. Sa suporta ng mga g**o at pamilya, matagumpay nilang natatapos ang kanilang mga modyulโ€”patunay na ang ALSโ€“SHS ay nagbibigay ng tunay na oportunidad para sa bata, para sa bayan.

Photos from Maliwalo NHS  ALS SHS's post 19/11/2025

๐€๐‹๐’โ€“๐’๐‡๐’ ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Isinagawa ngayong araw, Nobyembre 19, 2025, ang pagpupulong para sa pagpapatupad ng ALSโ€“SHS Program na pinangunahan ng Division Focal Person na si Dr. Rene Miclat, kasama si Maโ€™am Ma. Kathrina Gemora, EPS II, bilang katuwang sa pagsasagawa. Dumalo rin si Sir Neptune C. Manalese, Punong-Guro ng Maliwalo High School, at si Maโ€™am Gemma Butchayo, Assistant School Principal II, kasama si Engr. Edmund Baking, SHS Focal Person, na nagbigay ng teknikal na suporta.

Nakiisa sa pagpupulong si Maโ€™am Cecille Tolentino, ALSโ€“SHS Focal Person, kasama ang buong hanay ng ALSโ€“SHS implementers/teachers. Tinalakay nila ang ibaโ€™t ibang isyu at concerns na kinakaharap sa aktwal na implementasyon ng programa, kabilang ang pangangailangang pang-instruksiyon, learner monitoring, at koordinasyon sa paaralan at komunidad. Sa bawat usapin ay naitalaga ang angkop na action taken upang masig**o ang maayos na pagpapatuloy ng programa.

Nagpaabot ng pasasalamat at pag-asa ang lahat ng dumalo sa patuloy na pagpapatibay ng ALSโ€“SHS Program. Sama-sama nilang pinanghahawakan ang layunin na mas mapalakas ang programa para sa mga mag-aaralโ€”isang konkretong hakbang tungo sa mas inklusibong edukasyon. Lahat ay nagkakaisa para sa bata, para sa bayan.

Want your school to be the top-listed School/college in Tarlac?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Brgy. Maliwalo, Tarlac City
Tarlac
2301