08/01/2023
Congratulations sa ating lahat! Maraming salamat sa lahat ng inyong suporta at tulong. Sa inyo na nasa labas ng Pinas, nasa malayo at lahat ng pumunta. Cheers to the more than 25 years of friendship! We love each one of you!
05/12/2022
And leave the rest to us.ππ
02/12/2022
29 Days to go!
https://m.facebook.com/100085236640188/posts/134767029374518/?mibextid=Nif5oz
"Appreciation to all supporters, hosts and organizers of this grand event!
And we're ALL part of it!
Kaya tara at magbalik tanaw, magpasalamat, magsama-sama, magdiwang at maging mahalagang bahagi sa tuloy-tuloy na pag-angat ng ating mahal na Alma Mater!"
-from Marilyn Lalu-Kimble, Batch '97
17/09/2022
Alam mo na dapat gawin. Kitakits.π₯°
22/07/2022
Pagbati ng masaya at magandang araw batchmates! Nawa ay nasa maayos tayong kalagayan lahat.
Tuloy-tuloy ang ating p**iki-pagtulungan sa batch 95 at 96 para maisagawa ng maayos at matagumpay ang nakatakdang Alumni Homecoming ngayong taon.π
Noong nakaraang Linggo ay pinag-usapan ang mga kailangan pang ayusin at marami pang kailangan gawin. Sadyang napakahalaga ang tulong at suporta ng bawat isa. At kasama tayong lahat dito.β€οΈ
Ipapamahagi na ang mga tickets sa mga susunod na araw sa tulong ng mga section coordinators, pm lang nyo lang kami sa inyong katanungan.
Shout out kay batchmate Catherine Joy Perez Pare na galing pang abroad pero umattend ng meeting!Maraming salamat sa suporta!π₯°
28/06/2022
Pagbati ng mapayapa at mapagpalang araw sa atin!
Magandang balita mga batchmates!
Katuwang ang Alumni Association Officers at kasama ang batch 95 at 96 ay sisimulan na po nating aksyunan ang mga planong binuo sa tulong ng bawat isa.
Muli nating ip**ita at ipadama ang ating matibay na samahan at pagtutulungan!
At masaya nating harapin ang mga kailangang gawin ng may ngiti at sigasig.π₯°
Bahagi ng unang yugto ng ating gawain ay ang pagbabahagi at pag-ipon ng proceeds mula sa raffle tickets. Sabihan na natin ang ating mga kaibigan at kaklase para mapaghandaan na ito.
Sa mga susunod na araw ay ia-update tayo ng ating mga section coordinators.
Feel free to message/inform us sa mga ideya o suhestiyon na meron kayo, bawat tulong gaano man kaliit ay mahalaga. πβ€οΈ
15/05/2022
Magandang buhay! Kumusta na tayong lahat? Sana ay maayos lahat ang ating kalagayan.π
Dumating na ang pinaka-hihintay nating lahat, ang maging main host ng Alumni Homecoming ngayong taon!!!
Dahil sa pandemya ay ito hindi naganap ng dalawang taon kung inyong maalala.
Pero sumasang-ayon na ngayon sa ating kabutihan ang kasalukuyang sitwasyon at may go-signal na para maidaos ito ngayong taon.
At imbitado tayong lahat!!!πβ€οΈ
At sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama ang tatlong batch sa isang pambihirang pagkakataon!
Sa May 28 ay i-finalized natin ang plano kasama ang alumni association officers.
Patuloy tayong maki-alam at sabihan na din ang iba.
Salamat sa inyong suporta.β€οΈ
27/04/2019
KITA-KITS PO MAMAYA BATCHMATES!!!
Announcement:
What: MNHS Batch 1997 Get Together 2019
When: April 28, 2019 @ 9 am onwards
Where: Supan Farm @ Alenjandro "Punyong Supan " Bora Tarlac City
Reminder:
1. Potlock ( bring your own food, pwedeng per section or group, msgs me sa mga baon nio para di magkakapareho π)
2. Walang babayadan guyz dahil libre na ni Mayor Supan π kaya attend na kau mga batcmate , p**i invite na din mga kakalase nio para sa pagbabago π
3.May pa swimming si Mayor so guys bring ur own hunky sexy suitπ
4.Pwede din kau mag dala extra money para sakali mag share na kau ng Contribution para sa Fund Raising ng Alumni Homecoming 2022 please ππ
5. Magpa Block Out Bingo For A Cause tayo mga mate un kita sa pagbenta ng Bingo Cards Ipapasok natin sa bank acct natin ayos ba un sa inyo?
*Please feel free to ask me or msgs niyo ako basta di ako busy, basta malakas ang data or may signal ang wifi ng kapitbahay ko masasagot ko kayo π
08/01/2019
Magandang araw mga Batchmates!
Para po sa kaalaman ng lahat, tayo ay magbubukas ng Bank Account sa Banco De Oro (BDO) para sa'ting Batch 97 na pamumunuan nina Ann Dolores, Gemma Rose Cadiang at Laura Mendoza bilang signatories. Sa katunayan, 2 beses na silang nag-attempt pero dahil sa mga di inaasahang bagay ay hindi sila naging matagumpay. Pero asahan niyo po na magagawa ito sa lalong madaling panahon.
Bakit kailangan nating mag open ng account?
Dito po papasok ang lahat ng collection para sa Alumni Homecoming 2022 na magmumula sa mga Monthly Contributions, Raffle Tickets at iba pa. Magtatalaga tayo ng Representative bawat section para sa pagkuha ng inyong share kada buwan. Para maiwasan ang anumang klase ng anumalya, tanging sa mga ASSIGNED COLLECTORS lang po kayo magbibigay. Tayo po ay mag-i-issue ng resibo na may tatak o stamp sa bawat perang ibibigay ninyo na magpapatunay na ito ay VALID. BABALA! HUWAG PO KAYONG PAPAYAG NA WALANG RESIBO AT STAMP na ibibigay ang collector sa inyong ibinayad. Lahat ng papasok na collection ay ipo-post kada Buwan sa ating page. Gagawin po nating transparent ang lahat ng ito upang maging organisado at di magkaroon ng pagdududa at di pagkakaunwaan.
Kung meron man pong magpapadala galing ibang bansa mula sa ating mga bukas palad at walang sawang sumusuporta na mga OFW Batchmates, maaari niyo pong idirekta ang paghulog sa ating BDO Account o di kaya sa representative ng inyong section. Para po sa kapanatagan ng inyong loob, maaari niyong i-pm sa Page Admin ang resibo ng inyong padala. Paalala lang po! Itatakda natin ang cut-off ng contribution tuwing HULING SABADO ng buwan para po sa pagsasaayos ng record. Ung mga papasok after ng cut-off ay sa susunod na buwan na po magre-reflect.
Kung meron po kayong mga katanungan, suhestiyon o anu pa man, sabi nga ni Susan Roces, "Huwag mahihiyang magtanong", mag send lang ng private message dito sa ating page. Magtiwala, makiisa at makipagtulungan...
Maraming salamat sa inyong lahat!