MNHS Batch '97

MNHS Batch '97

Share

OFFICIAL PAGE of Maliwalo National High School Batch '97

Photos from MNHS Batch '97's post 08/01/2023

Congratulations sa ating lahat! Maraming salamat sa lahat ng inyong suporta at tulong. Sa inyo na nasa labas ng Pinas, nasa malayo at lahat ng pumunta. Cheers to the more than 25 years of friendship! We love each one of you!

05/12/2022

And leave the rest to us.πŸ˜‰πŸŽ‰


02/12/2022

29 Days to go!

https://m.facebook.com/100085236640188/posts/134767029374518/?mibextid=Nif5oz

"Appreciation to all supporters, hosts and organizers of this grand event!

And we're ALL part of it!

Kaya tara at magbalik tanaw, magpasalamat, magsama-sama, magdiwang at maging mahalagang bahagi sa tuloy-tuloy na pag-angat ng ating mahal na Alma Mater!"

-from Marilyn Lalu-Kimble, Batch '97


17/09/2022

Alam mo na dapat gawin. Kitakits.πŸ₯°

Photos from MNHS Batch '97's post 22/07/2022

Pagbati ng masaya at magandang araw batchmates! Nawa ay nasa maayos tayong kalagayan lahat.

Tuloy-tuloy ang ating p**iki-pagtulungan sa batch 95 at 96 para maisagawa ng maayos at matagumpay ang nakatakdang Alumni Homecoming ngayong taon.😊

Noong nakaraang Linggo ay pinag-usapan ang mga kailangan pang ayusin at marami pang kailangan gawin. Sadyang napakahalaga ang tulong at suporta ng bawat isa. At kasama tayong lahat dito.❀️

Ipapamahagi na ang mga tickets sa mga susunod na araw sa tulong ng mga section coordinators, pm lang nyo lang kami sa inyong katanungan.

Shout out kay batchmate Catherine Joy Perez Pare na galing pang abroad pero umattend ng meeting!Maraming salamat sa suporta!πŸ₯°

Photos from MNHS Batch '97's post 28/06/2022

Pagbati ng mapayapa at mapagpalang araw sa atin!

Magandang balita mga batchmates!

Katuwang ang Alumni Association Officers at kasama ang batch 95 at 96 ay sisimulan na po nating aksyunan ang mga planong binuo sa tulong ng bawat isa.

Muli nating ip**ita at ipadama ang ating matibay na samahan at pagtutulungan!
At masaya nating harapin ang mga kailangang gawin ng may ngiti at sigasig.πŸ₯°

Bahagi ng unang yugto ng ating gawain ay ang pagbabahagi at pag-ipon ng proceeds mula sa raffle tickets. Sabihan na natin ang ating mga kaibigan at kaklase para mapaghandaan na ito.

Sa mga susunod na araw ay ia-update tayo ng ating mga section coordinators.

Feel free to message/inform us sa mga ideya o suhestiyon na meron kayo, bawat tulong gaano man kaliit ay mahalaga. πŸ‘β€οΈ

15/05/2022

Magandang buhay! Kumusta na tayong lahat? Sana ay maayos lahat ang ating kalagayan.😊

Dumating na ang pinaka-hihintay nating lahat, ang maging main host ng Alumni Homecoming ngayong taon!!!

Dahil sa pandemya ay ito hindi naganap ng dalawang taon kung inyong maalala.

Pero sumasang-ayon na ngayon sa ating kabutihan ang kasalukuyang sitwasyon at may go-signal na para maidaos ito ngayong taon.

At imbitado tayong lahat!!!πŸŽ‰β€οΈ

At sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama ang tatlong batch sa isang pambihirang pagkakataon!

Sa May 28 ay i-finalized natin ang plano kasama ang alumni association officers.

Patuloy tayong maki-alam at sabihan na din ang iba.
Salamat sa inyong suporta.❀️

27/04/2019

KITA-KITS PO MAMAYA BATCHMATES!!!

Announcement:

What: MNHS Batch 1997 Get Together 2019

When: April 28, 2019 @ 9 am onwards

Where: Supan Farm @ Alenjandro "Punyong Supan " Bora Tarlac City

Reminder:
1. Potlock ( bring your own food, pwedeng per section or group, msgs me sa mga baon nio para di magkakapareho 😊)

2. Walang babayadan guyz dahil libre na ni Mayor Supan 😊 kaya attend na kau mga batcmate , p**i invite na din mga kakalase nio para sa pagbabago πŸ‘Š

3.May pa swimming si Mayor so guys bring ur own hunky sexy suitπŸ˜‚

4.Pwede din kau mag dala extra money para sakali mag share na kau ng Contribution para sa Fund Raising ng Alumni Homecoming 2022 please πŸ™πŸ‘†

5. Magpa Block Out Bingo For A Cause tayo mga mate un kita sa pagbenta ng Bingo Cards Ipapasok natin sa bank acct natin ayos ba un sa inyo?

*Please feel free to ask me or msgs niyo ako basta di ako busy, basta malakas ang data or may signal ang wifi ng kapitbahay ko masasagot ko kayo πŸ˜‚

18/03/2019

Magandang araw Batch 97!

Kahapon, March 17, 2019, ginawa ang kauna-unahang house-to-house sa ating mga Batchmates sa pangunguna ni Mary Ann Dolores, Gemma Rose Cadiang at Jayson Guevarra. Nag-ikot kami sa Sitio Boni, Barangay Bora at naging positibo ang pagtanggap ng bawat isa. Ito ay pagpapatunay na puspusan na ang ating paghahanda para sa Alumni Homecoming 2022. Paalala lang po na nag-umpisa na ang ating Monthly Contribution nung January kasalukuyang taon kaya sana ay makipag-coordinate na sa mga naka-assign sa inyong section. Lahat ng inyong magiging share hanggang 2022 ay convertible sa raffle tickets. Halimbawa, nakapagbigay ka ng 5,000 pesos sa 3 taon, bibigyan ka ng 5,000 worth of raffle tickets. Nasa inyo po kung gusto niyong ibenta ang mga ito para bumalik ang inyong nai-contribute o kaya ilagay sa sariling pangalan para magkaroon ng chance manalo sa raffle. Meron po tayong ini-issue na resibo at naka-record ang lahat ng ito sa ledger. Nilagyan din natin ng control number ang bawat resibo para maiwasan ang anumang anumalya.

Wag po kayong mag-alala dahil lahat ng pera ay papasok sa ating bank account. Magiging transparent po tayo at magkakaroon ng report sa ating cash flow para sa inyong kaalaman. Wala kayong dapat ipangamba dahil sisiguraduhin naming nasa maayos ang ating pondo at magiging maganda ang lahat ng paghahanda nating ito. Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon sa lalong madaling panahon. Tulungan niyo rin sana kaming ipaabot ito sa ating Batchmates lalo na dun sa mga walang access sa Facebook dahil hindi po lahat ay kaya naming sakupin. Mas magiging madali para sa atin kung tayo'y magtutulong-tulong para sa ikatatagumpay ng ating pagho-host at mabigyan ng karangalan ang Batch 97.

Maraming salamat po.

Admin JBG

08/01/2019

Magandang araw mga Batchmates!

Para po sa kaalaman ng lahat, tayo ay magbubukas ng Bank Account sa Banco De Oro (BDO) para sa'ting Batch 97 na pamumunuan nina Ann Dolores, Gemma Rose Cadiang at Laura Mendoza bilang signatories. Sa katunayan, 2 beses na silang nag-attempt pero dahil sa mga di inaasahang bagay ay hindi sila naging matagumpay. Pero asahan niyo po na magagawa ito sa lalong madaling panahon.

Bakit kailangan nating mag open ng account?

Dito po papasok ang lahat ng collection para sa Alumni Homecoming 2022 na magmumula sa mga Monthly Contributions, Raffle Tickets at iba pa. Magtatalaga tayo ng Representative bawat section para sa pagkuha ng inyong share kada buwan. Para maiwasan ang anumang klase ng anumalya, tanging sa mga ASSIGNED COLLECTORS lang po kayo magbibigay. Tayo po ay mag-i-issue ng resibo na may tatak o stamp sa bawat perang ibibigay ninyo na magpapatunay na ito ay VALID. BABALA! HUWAG PO KAYONG PAPAYAG NA WALANG RESIBO AT STAMP na ibibigay ang collector sa inyong ibinayad. Lahat ng papasok na collection ay ipo-post kada Buwan sa ating page. Gagawin po nating transparent ang lahat ng ito upang maging organisado at di magkaroon ng pagdududa at di pagkakaunwaan.

Kung meron man pong magpapadala galing ibang bansa mula sa ating mga bukas palad at walang sawang sumusuporta na mga OFW Batchmates, maaari niyo pong idirekta ang paghulog sa ating BDO Account o di kaya sa representative ng inyong section. Para po sa kapanatagan ng inyong loob, maaari niyong i-pm sa Page Admin ang resibo ng inyong padala. Paalala lang po! Itatakda natin ang cut-off ng contribution tuwing HULING SABADO ng buwan para po sa pagsasaayos ng record. Ung mga papasok after ng cut-off ay sa susunod na buwan na po magre-reflect.

Kung meron po kayong mga katanungan, suhestiyon o anu pa man, sabi nga ni Susan Roces, "Huwag mahihiyang magtanong", mag send lang ng private message dito sa ating page. Magtiwala, makiisa at makipagtulungan...

Maraming salamat sa inyong lahat!

Want your school to be the top-listed School/college in Tarlac?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Maliwalo National High School
Tarlac
2300