01/06/2026
๐ฝ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ 2026 ๐๐๐พ๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐
๐๐๐ข๐: โ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ก๐๐ฃ: ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐ฎ๐ช๐จ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ก๐๐ข๐๐ฃโ
Matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program na may temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.โ Dinaluhan ito ng mga stakeholder, magulang, g**o, at mga opisyal ng paaralan na nagkaisa para sa layuning mapabuti at mapanatili ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto.
Pinangunahan ni ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ "๐ฃ๐ผ๐ป๐ฐ๐ฒ" ๐. ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐น๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ ang programa kung saan kaniyang inilahad ang mga plano at adhikain ng lokal na pamahalaan para sa pagpapaunlad ng mga paaralan, lalo na sa pagkakaroon ng mas maayos at de-kalidad na mga gusaling pampaaralan na makatutulong sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.
Nagbigay rin ng mensahe si ๐ ๐ฟ๐. ๐ญ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ถ๐ฑ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ผ, ๐ฆ๐๐ ๐๐ผ-๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ฒ๐ฑ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป na nagpahayag ng kaniyang walang sawang suporta at patuloy na pagsusulong ng mga proyektong makapagpapabuti sa paaralan para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad.
Samantala, binigyang-diin ni ๐ ๐. ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ ๐. ๐๐ฎ๐ท๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ผ, ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐ผ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ, ang kahalagahan ng maayos na pagpaplano at pagtutulungan ng bawat stakeholder upang maging matagumpay ang mga programa at proyekto ng paaralan.
Pinangunahan naman ni ๐๐ฟ. ๐ฆ๐๐๐ฎ๐ป ๐. ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐๐ฉ, ang panawagan para sa aktibong pakikilahok ng mga magulang, g**o, at iba pang katuwang ng paaralan sa diwa ng bayanihan. Binigyang-diin niya na ang tagumpay ng paaralan ay bunga ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng buong komunidad.
Sa tulong ng mga magulang, g**o, at iba pang stakeholders, muling naipamalas ang tunay na diwa ng bayanihan na nagsisilbing pundasyon sa pagkakaroon ng isang maayos, ligtas, at makabuluhang kapaligiran para sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.
๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฎ๐๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป!