San Andres Elementary School -106794

San Andres Elementary School -106794 Be the best San Andres

Nais po naming ipaabot ang pasasalamat sa 0857 VIP Club sa kanilang bukas-palad na pagdodonate ng mga libro sa aming sch...
07/04/2026

Nais po naming ipaabot ang pasasalamat sa 0857 VIP Club sa kanilang bukas-palad na pagdodonate ng mga libro sa aming school library. Dahil sa inyo, mas marami na kaming magagandang babasahin para sa aming mga mag-aaral! 🙏✨

SAN ANDRES ELEMENTARY SCHOOL IKA - 45 TAONG PAGTATAPOSTEMA: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan...
31/03/2026

SAN ANDRES ELEMENTARY SCHOOL
IKA - 45 TAONG PAGTATAPOS
TEMA: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao"

Distribution of Certificates

San Andres Elementary SchoolIka- 45 Taong Pagtatapos Tema: Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan a...
31/03/2026

San Andres Elementary School
Ika- 45 Taong Pagtatapos
Tema: Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao".

We honor and celebrate our beloved teachers who dedicate their time, wisdom, and compassion in shaping the minds and hea...
06/09/2025

We honor and celebrate our beloved teachers who dedicate their time, wisdom, and compassion in shaping the minds and hearts of our learners. Your hard work, patience, and passion continue to inspire excellence and bring out the best in every student.❤️

Ang taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinaaabot kay Municipal Councilor Hon. LOIDA SARMIENTO sa inyong walang sawang...
21/05/2025

Ang taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinaaabot kay Municipal Councilor Hon. LOIDA SARMIENTO sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa aming Paaralan. Lubos po naming pinahahalagahan ang ipinagkaloob po ninyong mga pintura, na tiyak na makatutulong sa pagpapaganda at pagpapanatili ng kaayusan ng aming paaralan.

Maraming salamat po, at nawa’y pagpalain pa po kayo ng mas maraming biyaya upang patuloy po kayong maging instrumento ng pagbabago at kabutihan.

Nais po naming pasalamatan ang mga dancers ng San Andres Elementary School Dance Troupe sa kanilang dedikasyon at tapang...
12/02/2025

Nais po naming pasalamatan ang mga dancers ng San Andres Elementary School Dance Troupe sa kanilang dedikasyon at tapang na ipakita ang kanilang talento. Ang buong pamilya ng San Andres Elementary School ay proud na proud sa inyo! Hindi man tayo pinalad sa pagkakataong ito, pero ang buong paaralan ay nagbubunyi sa inyong ipinakitang husay at talento. Tandaan na ang bawat pagsayaw ay isang hakbang patungo sa mas mataas na tagumpay. Ang mahalaga ay nairepresenta ang paaralan ng buong pagmamahal. Hindi nasusukat sa pagkapanalo, kundi sa mga karanasan at aral na natutunan. Huwag mawalan ng pag-asa, patuloy na magsanay, at magbigay ng inspirasyon sa iba.Nais naming iparating na sobrang proud na proud ang buong paaralan sa inyo! Ang paaralan ay patuloy na susuporta sa inyo sa mga susunod na laban at tagumpay!

Sir Edmar Dexter Dumpit, Sir Revieson Magallones, at Sir Adrian John Carlos, isang malaking pasasalamat ang nais naming ipaabot sa inyo. Ang inyong walang sawang pagtuturo ,pagsuporta, gabay, at pag-push sa bawat isa ay nagbigay daan upang magtagumpay ang bawat mag-aaral ng San Andres Elementary School. Hindi madaling magturo at maghubog ng mga talento, ngunit ipinakita ninyo ang buong puso at dedikasyon sa bawat aral na itinuro ninyo. Ang inyong malasakit at pagtitiyaga ay nagbigay inspirasyon sa bawat isa sa amin. Salamat sa pagtitiyaga at sa pagtulong upang mailabas ang ang talento ng mga mag-aaral ng San Andres Elementary School. Ang inyong galing ay isang mahalagang bahagi ng aming tagumpay!

Maraming salamat din po sa mga make- up artist na sina Bree Elisa and Alexy Mariñas, na nagbigay ng kanilang talento upang mas mailabas pa ang tunay na ganda ng mga batang SAES.

Maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang tulong para sa mga dancers ng San Andres Elementary School , G4 Ricemill Corporation, Brgy. Captain Rolando T. Felipe at Kapitana Leonida G. Felipe, Mun. Councilor Artemio L. Roque, sa ating Punong G**o Dr. Rowena D. Samia at sa lahat ng mga g**o, SPTA President Roberto Sagun, kagawad Rustan Valdez sa paghatid po sa mga bata, Kagawad Alvin Quijano para po sa paghatid po sa mga props po at sa lahat ng mga magulang ng mga batang Dancers. Maraming salamat din po sa lahat ng nagbigay ng mga pagkain , sa lahat ng tumulong sa pagbubuhat at pag aayos ng mga props po natin at sa lahat ng mga nagbabantay sa mga bata habang sila ay nasa practice.Ang inyong suporta ay nagbigay ng malaking bahagi upang maipakita ang talento ng mga bawat mag- aaral ng San Andres. Dahil sa inyong malasakit at pagtulong, nagkaroon kami ng pagkakataon na maipakita ang kanilang talento . Ang inyong kontribusyon ay hindi matatawaran, at kami ay labis na nagpapasalamat sa lahat. Maraming Salamat sa walang sawang pagbibigay ng inspirasyon!❤️

To God Be all the Glory!❤️

Minamahal naming mga g**o, magulang, kabarangay at mag-aaral.Malungkot naming ipinapaabot ang balita na ang dalawa sa at...
26/01/2025

Minamahal naming mga g**o, magulang, kabarangay at mag-aaral.

Malungkot naming ipinapaabot ang balita na ang dalawa sa ating mga mag-aaral, na sina Khian Dict G. Ecle at Mark Angelo N. Valdez, ay pumanaw noong Enero 25, 2025🕊️🕊️🕊️.

Ang buong komunidad ng San Andres Elementary School ay nakikiramay at nagdadalamhati sa pagkawala nina Khian Dict G. Ecle at Mark Angelo N. Valdez. Sa mga oras na ito, nais naming ipahayag ang aming taus-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Muli, ang aming pakikiramay, panalangin at patuloy na suporta ay nasa pamilya, mga mahal sa buhay at mga kaibigan nina Khian Dict G. Ecle at Mark Angelo N. Valdez. Ang kanilang alaala at mga kontribusyon sa sa ating paaralan ay mananatiling buhay sa aming mga puso.

PAALALA: Early Registration para sa School Year 2025-2026Ang San Andres Elementary School ay magsasagawa ng Early Regist...
25/01/2025

PAALALA: Early Registration para sa School Year 2025-2026

Ang San Andres Elementary School ay magsasagawa ng Early Registration para sa mga batang papasok sa Kinder at Grade 1 sa School Year 2025-2026. Ang layunin ng programa ay tiyakin ang tamang bilang ng mga estudyante at maayos na paghahanda para sa kanilang edukasyon.

Schedule ng Early Registration:
• Simula: Enero 25, 2025
• Wakas: Pebrero 15, 2025
• Oras: 7:30 AM - 3:00 PM
• Lugar: San Andres Elementary Schoo. Brgy. San Andres, Victoria, Tarlac.

Para sa Early Registration, kinakailangan ang mga sumusunod na dokumento:
1. Form ng Pagpaparehistro
2. Birth Certificate ng batang magpaparehistro
3. Barangay Certificate (kung kinakailangan)

Hinihikayat ang lahat ng magulang at guardians na dumaan sa Early Registration upang matiyak ang enrollment ng inyong anak sa darating na school year.

Maraming Salamat!

SAN ANDRES ELEMENTARY SCHOOLMr. & Ms. INTRAMURALS 2024September 26, 2024
26/09/2024

SAN ANDRES ELEMENTARY SCHOOL

Mr. & Ms. INTRAMURALS 2024
September 26, 2024

National Teachers’ MonthSeptember 5 - October 5, 2024Ang Araw ng mga G**o ay isang espesyal na okasyon na ipinagdiriwang...
11/09/2024

National Teachers’ Month
September 5 - October 5, 2024

Ang Araw ng mga G**o ay isang espesyal na okasyon na ipinagdiriwang upang parangalan at pasalamatan ang mga g**o sa kanilang mahalagang kontribusyon sa edukasyon at lipunan. Ito ay panahon para bigyang-pugay ang mga g**o na gumagabay at naghubog sa ating kaalaman at pagkatao.



**ongMATATAG
**ongPilipinoDangalNgSambayanangPilipino

Brigada Eskwela Day 1 and 2106794 San Andres Elementary School Brigada Eskwela Kick off Program  1&2 of Bayanihan para s...
24/07/2024

Brigada Eskwela Day 1 and 2

106794 San Andres Elementary School Brigada Eskwela Kick off Program
1&2 of Bayanihan para sa Matatag na Paaralan
you to our Brigada Heroes support and generosity.

Address

San Andres, Victoria
Tarlac
2313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Andres Elementary School -106794 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share