17/01/2022
This is it, Manuelians! ❤️❤️❤️
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SM Bulletin and Ing Silung, Education, Calle Manuel, Tarlac.
17/01/2022
This is it, Manuelians! ❤️❤️❤️
Merry Christmas ❤️❤️❤️
21/12/2021
Let's pray for our kapatid 🙏
27/09/2021
Magandang umaga, Manuelians!
Sa taong ito, hindi natin dapat hayaan na tangayin ng pandemya ang talento at husay ng mga mag-aaral ng San Manuel High School lalo na sa larangan ng pagsulat ng pahayagang pangkampus.
Kaya't kung may hilig ka sa pagsusulat at interesado kang maging parte ng aming pahayagan para sa taong panuruan 2021-2022, narito ang ilan sa mga kategorya na pwede mong salihan:
News Writing
Editorial Writing
Feature Writing
Science & Tech Writing
Sports Writing
Layout Artist
Photojournalism
Editorial Cartooning
Magtungo lang link sa baba ng post na ito at punan ang form. Ito ang magsisilbing aplikasyon mo upang maging bahagi ng ING SILUNG- Ang opisyal na publikasyon sa Filipino ng nasabing paaralan.
Maaaring magpatala mula ika-27 ng Setyembre hanggang ika-22 ng Oktubre. Ipadadala ang kumpirmasyon ng iyong membership sa pamamagitan ng aming email.
Kaya ano pang hinihintay niyo, MAGPATALA na at maging kaisa ng ING SILUNG.
https://bit.ly/INGSilungAplikasyon
23/05/2021
Kalawakan: The Unexplored Universe of Nature and its People
by Rinzen Gonzales
Flocks of tourists hail from different parts of the archipelago just to see the natural beauty of Barangay Kalawakan. But for Tessie Evangelista, the lush emerald forests surrounding the community named after the universe were once devoid of color.
Gray ash and soot littered the land and air when Evangelista was growing up. The residents used to cut and burn trees for charcoal just to make a living. This memory hides amongst the towering trees of Kalawakan today.
Barangay Kalawakan is located in the Municipality of Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan Province’s last frontier that comprises about a third of the province’s land area. The town is no stranger to charcoal making.
Back then, the 93,000 hectares of land was underdeveloped with little to no infrastructure and highways leading to adjacent towns which pushed the locals into an industry that kills trees for profit.
"Talagang sobrang hirap na," Tessie said. "'Pag nag-uling ka, pahid-pahiran ka talaga pero liit. Halos ang mga bata nga hindi na maibili ng kasuotan.” (It was difficult to make ends meet. Even if you make charcoal, we still make less. We could not even buy clothes for the children.)
To carry out their livelihood, families who made charcoal for a living need certification from the Department of Environment of Natural Resources (DENR)or they can harvest trees from their own lands.
However, this was still not enough for them to make ends meet.
Reviving Nature
The municipal government of DRT has taken initiatives to turn the town inhabited by 20,000 people into a paradise in the mountains. Under the current administration, tourism in the province boomed with travelers from the neighboring towns and provinces frequently visiting its wonders.
Barangay Kalawakan sits right in the center of these natural wonders.
Sites like the Talumpari Falls, Camalig Cave, Tila Pilon and Balistada Hills, and Mt. Pinagbanderahan, are spots often explored by tourists.
Eric Hernandez, a barangay kagawad (barangay councilor), said the opening of many tourism destinations gave the residents a new source of income by becoming tour guides.Hernandez said that the tour guides earn at an average of ₱500 in one tour.
Evangelista shares "kaya po kung mag-asawa kayo, ₱1,000 po agad ang kita. Bakit pa po kayo mag-uuling." She describes how being a tour guide pays better wages than that of charcoal production. (…if you are spouses working together, you could instantly earn ₱1,000. Why should we even make charcoal?)
Since tourism boomed in their barangay, families are able to afford to send their children to school without worrying about the finances education brings, she added.
Financial security even amidst the pandemic is not a burden for the residents, especially the tour guides, for tourists flock the barangay nonstop while observing mandatory health guidelines and regulations. Children whose parents are working in the tourism industry can still work and are provided with basic necessities.
Indeed, tourism saved the people of Kalawakan. But with the increasing popularity among vacationers, the community needs a tighter grip on their environmental security.
Looming threats in the paradise
Pollution has always been a problem and tour guides are responsible for picking up after the rule-breakers.
"Napakarami po naming mga tourist spots ngayon. Iba-iba po ang mga ugali ng turista at ang iba po ay mga pasaway," said Hernandez. (There are a lot of tourists nowaday. Each of them have different tendencies, and some of them are obstinate.)
The community takes waste management seriously and littering poses serious threats in the environment, he said.
However, garbage is not the only problem in DRT. Just recently, five suspected illegal loggers were arrested in a joint operation by the local police, DENR Community Environment and Natural Resources Office-Baliwag and NPC-Awat in the neighboring barangay of Camachin.
Furthermore, climate change is a looming problem that can potentially impact the community. That is why they have taken steps to ensure the biodiversity is well taken care of.
In collaboration with the municipal government, scholarship beneficiaries of the "Iskolar ng Bayan Program" are required to plant 10 native trees as part of their project to conserve the environment. Tour guides are also planning to plant one tree every journey through the hills to mitigate deforestation in the 33,000-hectare forest reserves.
"Sinasabi rin po namin sa mga kabarangay namin na ganito ang gawin upang hindi maubos ang mga puno natin," said Evangelista. (The community members are made aware and are involved in these efforts to prevent deforestation.)
The leaders in Kalawakan know that their secluded town behind the virgin slopes of the Sierra Madre Mountain Range is doing better than before. With limited resources and manpower, their community transitioned into a tourism destination for travelers--a universe where locals are battling the challenges of sustainable tourism while mitigating the immediate effects of climate change.
With the facelift of her hometown, Evangelista is one of the only people who witnessed how an almost barren land transformed into a sanctuary.
As tourists head to the groves of Kalawakan, maybe you will meet people like Tessie who knows the secrets of an unexplored universe hidden behind the emerald mountains and the rich history of its people.*
This article was written and prepared by Rinzen Gonzales (Student-Journalist) and Allan Jason Sarmiento (School Paper Adviser) from,San Miguel National High School Division of Bulacan as a final output of DepEd-DRRMS and AYEJ.org’s Green Beat Initiative: An Online Environmental Journalism Training.
Word Count: 858
___________________________________
17/05/2021
MULING PAGLIWANAG NG PERYODIKO SA DIGITAL NA MUNDO
ni Richman N. Hernandez
Hindi patay ang peryodiko ng paaralan – namahinga pero susulong dahil kailangan.
Humigit-kumulang libo-libong mag-aaral ang natengga sa paraan ng pagmamahayag; isang taong namahinga mula sa pagkakababad sa mga salitang tama na muna; at isang buntong-hininga para sa pagtayo dahil naging hinog na ang karanasan para isiwalat ng pluma.
Matagal-tagal ring namahinga ang peryodiko sa bawat paaralan – kasabay nito ang pag-idlip ng mga pangyayaring dati’y kasisilayan ng ngiti, halakhak, at palakpakang hatid ng kapaligiran. Tumigil din ang oras ng mga programang pangkagawaran na nagsisilbing hangin ng paaralan.
Subalit, hindi pa rito tinutuldukan ang lahat.
Hindi patay ang peryodiko ng paaralan.
Marso 2020 nang tuluyang huminto ang peryodiko ng mga paaralan, kalakip nito ang takot at panganib na nakaambang salubungin ang sinumang makahaharap. Marami ang nangangamba sa kung anumang posibilidad na ihain ng mundo sa sariling karanasan. Umaalingawngaw ang iyak ng mga biktimang patuloy na naghahanap ng katarungan. Mga pangyayaring tila nabaon na lamang sa limot ng nakaraan.
Subalit, hindi pa rito tinutuldukan ang lahat.
Marami pa ring mga mag-aaral ang sumisigaw ng katotohanan; mga mag-aaral na hindi nagbibingi-bingihan sa kung anumang katiwalian ang nangyayari sa paligid; mga mag-aaral na kailanman ay hindi nagbubulag-bulagan sa mga lehitimong hustisya na hindi nakakamtan dahil sa kahirapan; at mga mag-aaral na hindi nagiging tikom ang bibig sa kung ano ang dapat marinig ng mundo. Subalit, hindi na sa paraang nakasanayan ng bawat isa, sa paraang kailangang ilimbag muna bago mabasa kundi sa paraang abot ng mundo ang sigaw ng boses ng mag-aaral, sa paraang isang pindot lang ay kaya nang libutin ang kasulok-sulukan – ang digital na mundo.
Muli na namang nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral. Sa tingin ng iba, imposible, subalit walang imposible kung ang naisin ay bigyan-muli ng katarungan ang boses ng mag-aaral. Isang pagkakataon ito upang maisiwalat ang katotohanan sa kabila ng pangyayaring nag-uudyok sa karamihan na hindi na magsalita pa. Ngunit, umaalingasaw ang nararapat para sa lahat.
Gamit ang makapangyarihang panulat, telepono, at karapatan ng Batas Republika 7079 o ang “Campus Journalism Act of 1991”, maisisilayan na muli ang maliwanag na karanasang binalot ng kadiliman sa gitna ng pandemiya. Maaaninag na muli ang mga pangyayaring hindi nakikita at naaabot ng mga mata. Maririnig na ulit ang naggagandahang mga balitang hindi lang internasyonal, nasyonal, at lokal – maging ang mga pangyayari sa barangay at paaralang kinalalagakan.
Ang digital na peryodiko ay isang pamamaraan upang mabuhay muli ang pamamahayag sa gitna ng kinahaharap na suliranin ng mundo. Hindi na ito bago sa lahat dahil maging ang iba’t ibang programa sa telebisyon ay naisasagawa na ito subalit ang paraan ng pagsusog nito ng mga mag-aaral ay isang bagay na dapat hangaan. Isang rin itong bagay na dapat tularan pa ng ibang paaralan upang hindi mamatay ang puso ng mga mag-aaral sa pagsulat. Dahil maaaring sa isang dampi ng panulat sa papel ay makapagpabago ng ikot ng mundo at makapagsiwalat ng totoo na hindi nakikita ng tao.
Maraming nagsasabi na hindi na ito kailangan sa bawat paaralan dahil walang nakalaang pondo mula rito – totoo pero hindi pinopondohan ang digital na peryodiko. Puso at dedikasyon ang kinakailangan nang mabuhay muli ito. Kaya patuloy na ipinahahayag ng mga School Paper Adviser sa kanilang manunulat – ang pagsulat sa ngayon ay hindi bibigyan ng pagkilala tulad ng nakasanayan dahil hindi medalya ang nagpapagana sa mag-aaral para makapagbigay ng nararapat para sa tulad niyang mag-aaral. Subalit, ang trabaho ng mag-aaral at g**o ay maghawi ng puting tabing na nagtatago ng katotohanan at karapatan na hindi nangangailangan ng kahit anumang kapalit tulad ng medalya at palakpakan.
Hindi patay ang peryodiko ng paaralan.
Hindi na muling matitikom ang bibig ng katotohanan – ito ang totoo. Sa daang-daang dibisyon sa Pilipinas, nagsimula nang magbigay ng pagbabago ang Dibisyon ng Tarlac dahil sa pagbuhay muli ng peryodiko – hindi man sa paraan ng pagpapalimbag, kundi sa digital na peryodismo. Ang pagsisimula nito ay nag-usad ng pagbabago at nabuhayan muli ang mga gawaing pampaaralan na matagal nang nahimlay. Akay-akay ang responsibilidad sa bawat salitang binibitawan, sa bawat pahayag na isinusulat, at sa bawat artikulong inilalathala sa digital na pamamaraan.
Humigit-kumulang libo-libong mag-aaral ang natengga sa paraan ng pagmamahayag; isang taong namahinga mula sa pagkakababad sa mga salitang tama na muna; subalit nagbuntong-hininga upang makapagsimula at makapagbigay ng pagbabago sa bawat isa.
17/05/2021
What would your reaction be when your favorite candidate wasn't called in the top 10?
Rabiya, at the back stage, trying to answer the given question after hearing the answers of her fellow candidates.
What’s your surprise to your mom this coming Mother’s day celebration?