08/09/2024
Palabang araw, Humanista! Paki-like ang page na ito: fb.com/HUMSSAHON
Dahil sa mga teknikal na suliranin, kinakailangan lumikha ang kasalukuyang administrasyon ng panibagong pahina. Sa FB page na ito na magpo-post ng announcements at updates ang AHON. Like and follow po natin!
Meron na rin tayong bagong logo, bilang bagong mukha ng ating kapisanan!
Kitakits sa bagong page!
27/07/2024
Humayo’t nakilahok, dala ang walis at pamukpok! 🎀🌷🩷
July 27, 2024, marked the last day of Brigada Eskwela, with the Humanistas coming together to clean and organize the school, followed by a parents' orientation. Thank you to all the students and parents who participated in Brigada Eskwela. Your hard work made a significant difference. Kudos to all! 🎀🌷✨
27/07/2024
BASTA SOKSAY, MAHUSAY! 💕🎀
"Roar, HUMSS students! Ready na bang pagandahin ang profile mo? Show off your Humanista pride with our exclusive roaring tiger profile cover that symbolizes our unity and strength! Ipakita ang creativity mo at ang sosyal mong vibes with this one-of-a-kind design.
Imagine your profile standing out like that one friend who never stops talking sa group chat! Parang ikaw na ang bagong trending topic! Show the world you’re not just surviving – you’re thriving, just like when you find Wi-Fi sa mall!
Don’t miss out on this chance to let your profile roar with pride! Use this cover and let’s make every scroll a celebration of our community’s vibrant energy! Mahihiya ang crush mo pag nakita ‘to!"
Just click the link below:
https://twb.nz/ahonhumss
TUNAY NA PALABAN, SOKSAY NA 'YAN!💕
23/07/2024
Sa Brigada Eskwela, ang bawat hakbang ay awit ng pag-asa, pag-asa para sa kinabukasang makulay at puno ng liwanag. 🎀 🎀
We're starting our annual Brigada Eskwela at Jose V. Yap National High School with great energy and excitement! Let's join hands together and improve our school for the year ahead. Sama-sama tayong magtulungan sa paglikha ng paaralang masigla, malinis, at puno ng pag-asa!
26/05/2024
Lubos na nagpapasalamat ang Pamunuan '24 at ang kanilang Tagapayo, Maria Cristina Orian sa taos-pusong suporta, pagkakaisa, pag-asa at paglaban!
Hinding-hindi namin malilimutan ang lahat ng tawa, iyak, hiyaw at tunog ng tagumpay!
Hindi pa ito ang huli, hanggang sa muli nating pagkikita, Pamunuan '23-'24, officially signing off, isang mapagpalayang taon sa ating lahat! ✊
26/05/2024
BASTA SOKSAY, MARANGAL AT MAHUSAY!
Ang sangkaestudyantehan ng Humanities and Social Sciences ay tunay na nagpupugay sa labing-apat na mga tagapangasiwa't opisyales ng Alyansa ng mga Humanistang Organisado't Nagkakaisa sa mga tagumpay na kanilang nakamit sa buong taong panunungkulan bilang opisyal at bilang normal na estudyante.
Matatag, palaban at may paninindigan, iilan lamang 'yan sa mga katangiang iiwan ninyo, maraming salamat at maligayang pagtatapos sa inyong lahat! Ikinararangal kayo ng bawat isang Humanista! 🎀💗
20/04/2024
LIHAM NG MGA HUMANISTA 🎀
Your sense of responsibility and collective action is truly exceptional. Matagumpay ang direksyong tinahak ng AHON dahil sa iyong katatagan at pag-asang dala. Isa kang simbolo na ang babae ay may lugar sa pamumuno. Pinatunayan mo na higit sa ating pagwawagi sa iba’t-ibang patimpalak, babae ka, hindi babae lang. To the most intelligent, selfless and warm-hearted woman and president of HUMSS, thank you for your excellent service, Chin! Sa sipag mo at dedikasyon, kami ay laging mangha’t nagpapasalamat. Sa bawat lapat mo ng titik at musika, pag-asa ang hatid sa amin. Ang iyong pagkamalikhain at diwang palaban sa iba’t-ibang larangan ay simbolo ng masigasig na pamumunong lagi’t-laging para sa bayan. Salamat sa isang taong makulay at makasaysayang serbisyo. Baon namin ang iyong kahusayan, Atom!
20/04/2024
LIHAM NG MGA HUMANISTA 🎀: Mahusay at palaban ang AHON at ang mga Humanista dahil mahusay at palaban rin ang kanilang tagapagpayo.
You are such a symbol of resilience and unconditional love to every each of us. Sa puso mong hindi sumukong lumaban at sa ngiti mong may dalang liwanag, nag-iisa kang dakilang ina ng mga Humanista. Salamat, Mama Tins!
19/04/2024
SA BAWAT PAGKAKAIBA, MAY PAGKAKAISA!🎀🎀
Ang pag-unlad at pagsulong ay hindi makakamit kung hindi tayo organisado sa ano mang pagsubok, dahil napatunayan na na ang bawat soksay ay mahusay, may prinsipyo, at syempre kolektibong lumalaban.
Sa naglalagablab na sayawan, talas ng mga boses, katapangan para ipakita ang totoong sarili, diwa ng pagbibigay sa kapwa, pagkakaisa sa mga kolektibong patimpalak, hanggang sa mapagkumbabang paggagawad ng parangal sa isa't-isa, lahat ito ay isiniwalat ng AHON Day.
Dala ang dangal, sipag at husay para panghawakan ang bawat isa tungo sa isang mas mayabong na bukas, sa pagbaba sa pwesto ng mga kasalukuyang pamunuan at tagapagpayo ng HUMSS-AHON, naniniwala ang buong sangkaestudyantehang Humanista na magpapatuloy ang tagumpay at paninindigan ng mga bagong magtataguyod ng organisasyon. 🌷
TULOY-TULOY ANG HUSAY NG MGA PALABANG SOKSAY!! 🎀🎀🎀