Tangan Tangan Elementary School - Supreme Pupil Government

Tangan Tangan Elementary School - Supreme Pupil Government

Share

OFFICIAL SPG PAGE

27/03/2021

MGA DAPAT MALAMAN SA COVID 19 VACCINES ๐Ÿ“

06/06/2020

ALAMIN: Paano ang enrollment ngayong SY 2020-2021 sa panahon ng pandemya?

Hindi kailangan ang pisikal na pagpunta sa paaralan para sa enrollment ngayong taon. Ipinatutupad ng Kagawaran ang Remote Enrollment kung saan maaaring ipasa ang requirements sa paaralan gamit ang iba't ibang pamamaraan ng komunikasyon.

Isa sa mga requirement ang Learner Enrollment and Survey Form (LESF) na gagamitin upang makalikom ng impormasyon sa kakayahan ng bata ukol sa iba't ibang learning modes. Maaari itong i-download sa https://bit.ly/depedlesf2020.

Ang enrollment ay magpapatuloy hanggang sa katapusan ng Hunyo. Makipag-ugnayan sa inyong paaralan o sa DepEd Schools Division Office. Kung may katanungan, maaari ring kumontak sa DepEd Public Assistance Command Center sa mga sumusunod:

โ˜Ž๏ธ (02) 8636-1663, (02) 8633-1942
๐Ÿ“ฑ 0919-456-0027, 0995-921-8461
(mula 8 a.m. hanggang 1 p.m.)

๐Ÿ“จ [email protected]
๐Ÿ’ป DepEd Philippines page
(available 24/7)

Maaari ring tumawag sa hotlines sa inyong lugar: https://bit.ly/OBE2020hotlines

Bisitahin ang deped.gov.ph/obe-be para sa mga FAQs.

03/06/2020

Hello, BIBOkada! ๐Ÿ‘‹ Tara na't magbayanihan din tayo sa paghubog ng mga Batang Informed tungkol sa Bisyo, Batang Iwas Bisyo!

Kasabay ng pagsisimula ng Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela, BIBONG-BIBO rin nating ipagdiriwang ang National No Smoking Month ngayong Hunyo. ๐Ÿ˜ท๐Ÿšญ

Sa Now online concert noong Linggo, nagbigay ng special message ang ating Education Secretary Leonor Magtolis Briones upang hikayatin ang lahat na ipagpatuloy ang kampanya laban sa tabako:

"We think that the battle against to***co is already over. The truth is the dangers of to***co are still here. New methods are capturing young people to get involved with ci******es and false information is being spread. I encourage the Department of Education especially with our 27 million young learners, our 900 thousand teachers, our personnel, to continue the campaign [against to***co]."

Abangan at sumali sa mga activity sa ating page sa mga darating na linggo para lalong maging... : Batang Informed tungkol sa Bisyo, Batang Iwas Bisyo!

Basahin ang DepEd Memorandum No. 55, s. 2020 sa bit.ly/DM55S2020 para sa karagdagang impormasyon.

31/05/2020

BAYANIHAN 2020
OPLAN BALIK ESKWELA AT BRIGADA ESKWELA
JUNE 1 - AUGUST 29, 2020





Photos from Oplan Balik Eskwela 2020-Tarlac Province's post 30/05/2020
29/05/2020

Sa ating โ€œNew Normalโ€, masusubukan ang ibaโ€™t ibang paraan ng pagtuturo simula School Year 2020-2021.

Karamihan ay mananatili sa kani-kanilang bahay dahil sa mataas na alert levels sa kanilang mga lugar, at online ang kadalasang mode of learning na gagamitin. Ang ilang mapalad na nasa mas ligtas na lugar ay maaaring may mangilan-ilan na araw ng pasok, ngunit todo pa din ang Social Distancing Measures.

Gayunman, lahat tayo ay nagnanais na matuto, at magpatuloy ang edukasyon, face-to-face man, o online, anuman ang ating kinakaharap.

Hindi man tayo palaging magiging nasa tabi nila balang araw, ngunit habang may pagkakataon tayong ihanda sila sa mga pagsubok ating itong samantalahin.

23/05/2020

PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT!
po!
Sa ating mga Magulang:

:
Kaunting kaalaman patungkol sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020 for SY 2020-2021.

Ang School Year 2020-2021 ay magbubukas sa August 24, 2020 pero HINDI ibig sabihin na FACE TO FACE Learning may four Alternative Delivery Modes ang DepEd para isagawa ito...

Kung ano ang gagamitin ay depende na po sa paaralan na bibigyang permiso ng Regional at Division Office kaya po tayo mag-eenroll starting June 1 para ipagbigay alam natin sa paaaralan ang delivery mode na iyong kakayanin para sa inyong anak.

1. FACE TO FACE - ito ang traditional classroom scenario... na sa palagay ko marami ang may ayaw sapagkat nandiyan ang panganib na ma-infect... malinaw po na ito ay gagamitin lamang sa mga lugar na walang banta ng Covid na papahintulatan ng IATF... Babawasan din po ang bilang ng mga mag-aaral at dapat i-observe ang minimum health standards.

2. Distance Learning
a. Online Distance Learning - ito ay pag-aaral gamit ang internet, laptop at smart phones. Maaaring (real time.. ibig sabihin... kailangan mong mag-online sa oras ng iyong klase) o asynchronous (mag-oonline ka lamang pag may kakayahan ka na ayon sa time frame na binigay ng iyong g**o).

b. Modular - ito ay paggamit ng mga learning modules na ibibigay ng paaralan na maaaring printed o electronic.

c. Paggamit ng TV and Radio Broadcast
- ang distance learning mode na ito ay nangangailangan ng suporta ng magulang. Kung ang tanong ay paano ako magtuturo sa anak ko ay wala naman akong kakayahan... habang hinihintay po ang August 24 ay bibigyan po ng pagkakataon ang mga magulang o sinumang volunteer na i-capacitate ang sarili para dito... ito ay sa pamamagitan ng trainings na ibibigay ng paaralan.

3. Blended Learning - pinagsamang Learning Modalities 1 and 2.

4. Home-based Schooling - mula sa salitang home, ang bata ay nasa bahay lamang nag-aaral kasama ang magulang bilang g**o.

*Kung ang tanong ay paano naman po bibigyan ng marka ang mga bata - ang sagot, maglalabas ang DepEd ng panibagong Assessment Tool.

Saan naman kukuhanin ang grades ng mga bata? Paano isasagawa ang assessment?
*Sa distance learning ay Formative Test lang ibibigay (hindi po graded ang formative) pero ang bata ay magte-test sa oras na pwede na at may pagkakataon na... kaya po habang nasa bahay, dapat ay ma-master ng bata ang skills na dapat niyang matutunan para sa pag-eexam niya kaya na niyang magsagot.

Anong skills ang ituturo sa bata?
- babawasan po ng DepEd ang Learning Competencies - magpo-focus po tayo sa Most Essential Learning Competencies (MELC).

Saan po kukuha ng mga learning modules? Babayaran po ba?
- Ito po ay provided ng paaralan.

Kung ipagpapaliban po natin ngayong taon ang pasukan dahil walang bakuna... sigurado po ba tayo na by next year may bakuna na? Paano po kung aabutin pa ng 2 o 3 o higit pang taon bago magkaroon ng bakuna.. ibig sabihin po ba ay 3 o higit pang taon hihinto ang ating mga anak sa pag-aaral?

Tayo po ay binibigyan ng DepEd ng mga paraan upang hindi mahinto ang pagkakatuto ng ating mga anak... kooperasyon at suporta lamang po ang kailangan.

Pero at the end of the day.... ang desisyon po kung i-eenroll ninyo ang inyong mga anak this school year ay nasa inyong mga kamay.

15/05/2020

๐Ÿ“ŒNew Normal S.Y. 2020-2021

07/05/2020

"The New Normal" campaign

Solidarity and sincere cooperation should guide our actions to fight this pandemic.





02/05/2020

Sa mga g**o, mag-aaral at magulang ng
Tangan Tangan Elementary School

Para sa pagpapatuloy ng pagkatuto habang may ECQ sanhi ng COVID19, ang paggamit sa DepEd Commons ay LIBRE, walang data charge mapa Globe/TM,Smart/Sun/TnT ka man. Kahit wala kang load ay makapapasok ka pa rin sa DepEd Commons. Stay Safe at Home.



Want your school to be the top-listed School/college in Tarlac?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Tarlac