13/07/2026
Unang Araw School-Based Feeding Program - Hulyo 13, 2026
Ang School-Based Feeding Program (SBFP) ay isa sa mga programa ng Department of Education na naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral. Sa ating paaralan, 90 na benepisyaryong mag-aaral ang kabilang sa programa at makatatanggap ng masustansiyang pagkain sa loob ng 150 araw ng pagpapakain.
Layunin ng programang ito na:
Mapabuti ang nutritional status ng mga benepisyaryong mag-aaral.
Makatulong sa kanilang pisikal at mental na pag-unlad.
Mabawasan ang bilang ng mga batang kulang sa timbang.
Mahikayat ang regular na pagpasok sa paaralan at mapataas ang kanilang pagganap sa pag-aaral.
Maisulong ang wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay sa tulong ng paaralan, mga magulang, at komunidad.
Sa loob ng 150 araw, ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng ligtas, malinis, at masustansiyang pagkain na naaayon sa pamantayan ng programa. Isasagawa rin ang regular na pagsubaybay sa kanilang timbang at taas upang masukat ang epekto ng feeding program.
Ang tagumpay ng School-Based Feeding Program ay nakasalalay sa sama-samang pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mga volunteer, at iba pang katuwang ng paaralan upang matiyak na ang bawat batang benepisyaryo ay magkakaroon ng mas magandang kalusugan at mas mataas na pagkakataong magtagumpay sa kanilang pag-aaral.