Ing Kabyo

Ing Kabyo

Share

Opisyal na "online" pahayagan ng Central Azucarera de Tarlac High School Annex.

Photos from Ing Kabyo's post 26/11/2021

Nobyembre 26, 2021 - Pinangunahan ng mga mag-aaral ng Central Azucarera de Tarlac High School Annex ang Araw ng Pagbasa alinsunod sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa na may temang, "Bawat Bata Bumabasa sa Kabila ng Hamon ng Pandemya."

Lubos ang pasasalamat ng mga g**o at buong paaralan sa ipinakitang pakikipaagkaisa ng mga mag-aaral kasama ang kanilang pamilya sa aktibidad na ito.


Photos from Ing Kabyo's post 14/10/2021

STATE OF THE SCHOOL ADDRESS
S.Y. 2020 - 2021

Ang ating mundo ay binalot ng pangamba dahil sa banta ng CoVid-19. Higit sa malaking naapektuhan ang pamamaraan ng pagaaral ng mga estudyante sa bawat paaralan sa ating bansa. Pansamanatalang itinigil ang face to face classes upang maiiwas ang mga g**o at mga estudyante sa banta ng CoVid-19. Ganoon pa man hindi tumigil ang Kagawaran ng Edukasyon upang makagawa ng iba’t ibang pamamaraan upang maipagpatuloy ang pagaaral ng ating mga estudyante gamit ang naaangkop na learning modality sa ating paaralan.
Alinsunod sa mandato ng ating Kagawaran at sa tulong ng lahat ng stakeholders, ang CAT High School Annex ay nagpatuloy na nagsagawa ng mga Programa, Proyekto at mga Gawain (PPAs) upang maisakatuparan ang paglulunsad ng School Year 2020-2021.
Narito ang mga accomplishments ng ating paaralan sa nagdaang School Year sa areas ng Access, Quality at Governance.

ACCESS
Nagsagawa ang CAT HS Annex ng Early Registration para sa mga estudyante ng Grade 7, mga Transferees at mga Balik-Aral noong March 26 to May 31, 2020. Base sa Learners’ Information System o LIS, nagtala ang ating paaralan ng 95 Grade 7 registrants at 14 na mga Transferees. Ang kabuuang bilang ng ating mga magaaral ay 350 na tumaas ng 38 o 12.18% kumpara sa nakaraang School Year.
Ang bilang ng transferees na naging dahilan ng pagtaas ng ating enrollment ay dahil sa pag uwi ng mga residente ng Brgy. Balete na dating nagtatrabaho sa ibang lugar bago ang pandemya.
Sa katatapos lamang na virtual graduation na ginanap noong July 23, 2021, ang ating paaralan ay nagtala ng 70 Completers na may 100% Graduation rate.
Sa kabilang banda, nagkaroon tayo ng 8 Transferred out students dahil sa Change of Residence.
Upang mas mapaigting ang ating enrollment system sa panahon ng CoVid-19, ang ating paaralan ay nagsagawa ng remote enrollment gamit ang ating Official School FB Page para sa announcement. Nagtalaga tayo ng enrollment kiosk sa ating Brgy Hall at paaralan upang maipasa ng mga magulang ang enrollment form at requirements tulad ng birth certficate at report cards para sa grade 7 sa mga drop boxes. Para sa mga follow-up informations, ang mga g**o ay matiyagang kumontak sa mga magulang at guardians sa pamamagitan ng messenger at text messaging.

QUALITY
Distance Learning Modality through Printed Materials ang ating ipinatupad na angkop sa ating mga estudyante. Sila ay nabigyan ng mga Self-Learning Modules at Learning Activity Sheets na inimprenta ng ating mga g**o gamit ang 35% MOOE funds at donations mula sa ating mga stakeholders.
Gumamit din ang ating mga g**o ng Google Meet para sa minsan isang linggong Kumustahan para sa ating mga estudyante.
Nagsagawa ng pagsulat ng learning activity sheets ang Learning Resources Team ng Tarlac City Schools Division Office kung saan 8 CATHSA Teachers ang kabahagi bilang manunulat at illustrator.
Upang lalong mahasa ang ating mga g**o sa pagsasagawa ng Distance Learning Modalities, tayo ay nagsagawa ng iba’t ibang learning action cells (LACs) tulad ng mga sumusunod:
Upang mas mapaigting ang mental health ng mga g**o at estudyante, naglunsad tayo ng virtual mental health forum. Upang mahasa naman ang kanilang kakayahan, nagsagawa tayo ng mga monthly celebrations na may school-wide na patimpalak. Lumahok din tayo sa iba’t ibang contests sa iba’t ibang asignatura katulad ng online Campus Journalism, electronic school publication, Pataasandiwa, at Gawad Siklab.
Pinaigting din natin ang pagpapatupad ng mga Intervention Programs na naglalayong abutin at turuan ang mga piling estudyante na nahihirapan sa pagbasa at pagbilang. Nagsagawa tayo ng Project Reach at Project all Numerates.
Sa taong ito, may mga g**ong napromote sa kanilang mga position. May dalawang naging Teacher III, karagdagang dalawa na nagpasa ng papel para sa Teacher III at isang Head Teacher.

GOVERNANCE
Nagsagawa ang ating paaralan ng mga hakbang na may kinalaman sa educational facilities gamit ang school MOOE bilang pagbibigay ng quality education services sa ating mga estudyante
Nagpagawa tayo ng 2 units portable handwashing malapit sa gate at pinarepair ang mga existing washing facilities kasabay ng repair ng jetmatic, water tanks and pipes para sa health and safety protocols.
Nagsubscribe din tayo sa Converge ICT Solutions para maging WiFi Zone ang ating school na magiging malaking tulong sa pagconduct ng Online Class Kumustahan at pagparticipate sa mga Virtual webinars.
Upang masigurado ang safety ng mga g**o at magulang na pumupunta sa ating paaralan, nagsagawa tayo ng mga mekanismo katulad ng health declaration form, QR Code contact tracing at mga health protocols tulad ng paglalagay ng thermal scanner at alcohol dispenser. Pinalagyan natin ang kanilang mga tables ng protective covering with braces. Binigyang priority ang repair ng Faculty Comfort Room.
Bilang tugon sa vaccination program ng ating pamahalaan laban sa CoVid 19, ang mga g**o ng paaralan ay nakilahok sa pagbabakuana. Sa kasalukuyan, may 2 g**o na ang fully vaccinated, 5 ang naka 1st dose at 6 ang naghihintay ng schedule nila.
Ang ating paaralan ay nakatanggap ng mga sumusunod na suporta at tulong materyal at pinansiyal.
Tayo ay patuloy na tumatanggap at bukas sa lahat ng mga tulong na maaaring ibigay ng ating mga stakeholders. Patuloy tayong gagawa ng mga programa para maibigay ang pangangailangan ng ating mga estudyante at mga magulang sa susunod na pagpapatupad ng School Year 2021 - 2022.
Hangad namin na ibigay ang pinakamahusay na paglilingkod sa ating mga magaaral, kaya samahan niyo po kami. Muli maraming salamat po. Ang Diyos ang magpala sa bawat isa.

- MAY A. AVELINO, PhD
Principal I/ Central Azucarera de Tarlac High School Annex

Photos from Central Azucarera de Tarlac High School Annex's post 11/10/2021

Oktubre 10, 2021 – Namahagi ang Kagawad para sa Edukasyon, na si Kagawad Jordan Manicdo ng mga pangunahing pangangailangan ng Central Azucarera de Tarlac High School Annex upang matugunan ang mga kakulangan sa kagamitan ng produksyon ng mga Learning Activity Sheets.
Ilan sa mga ito ay ang 12 kahon ng mga A4 bondpaper at anim na plastic cabinet na magagamit ng mga g**o sa pagimprenta ng mga learning activity sheets na ipamamahagi sa mga mag-aaral. Ipinagpapasalamat din ng paaralan ang kanyang malasakit at pagkukusa upang maipabago ang pangalan ng paaralan. Pinag-usapan din ang mga mungkahing gawain ng paaralan na nakahanay sa Basic Education Learning Continuity Operational Plan ng paaralan.
Samantala, taos puso naman ang pasasalamat ng g**o at punong g**o ng paaralan sa ginawang pagkukusang ito ni Kagawad Jordan Manicdo.

Mga larawan mula sa Central Azucarera de Tarlac High School Annex page.

05/10/2021

G**o ko, Bayani ka!
Ni: Julia Andrea Pating

“Ma’am!” “Sir!”, mga salitang kadalasan nating naririnig sa apat na sulok na silid-aralan, binabanggit ng mga mag-aaral upang pukawin ang atensyon ng kanilang mga g**o. Sa paraang ito nalalaman ng isang g**o kung may kailangan o suliranin ang isang bata. Ang mga g**o ay tumatayong pangalawang magulang ng mga bata sa paaralan at sila ang nagbibigay kalinga at patnubay sa bawat bata sa loob ng klasrum. Halos lahat ng ito ay nag bago pagdating ng pandemya.

Isang malaking hamon sa mga g**o ang distance learning, Iba’t-iba ang naging estilo at malaki ang ginawang pag-aadjust nila upang mabigyan ng edukasyon ang mga estudyante. Sa kabila man ng mga problema sa naturang bagong edukasyon, hindi parin nagpatinag ang ating mga g**o upang ipagpatuloy na bigyan tayo ng edukasyon. Kaakibat ng hamon na ito ang hirap at pagod ng mga g**o na maturuan ng maayos at tama ang kanilang mga estudyante.

Sisikat ang araw, malalanta ang mga bulaklak, matutuyot ang tubig sa batis, muling magdidilim, new normal ay dumating, ngunit kailanman hindi matatapos ang obligasyon ng isang g**o sa libulibong estudyante na kaniyang tinuruan, tinuturuan at tuturuan. Napakalaking obligasyon ang pagiging g**o, sakanila nakasalalay ang kahahantungan ng isang estudyante. Nakakapagod ang magturo ngunit sa sandaling maramdaman ng isang g**o ang dedikasyon sa ginagawa niya mapapawi ito.

Hindi man sila katulad ng ating mga bayaning ninuno ng mga Pilipino na lumaban para sa ating kalayaan pero para sa karamihan ang mga g**o ay bayani ng bayani. Sila ang mga itinuturing na bayani ng mga kabataan na pag-asa ng bayan, sila ay nagsasakripisyo lalo na sa panahon ng pandemya. Bakit nga ba itinuturing na bayani ang mga g**o? Dahil bilang isang bayani wala silang ibang hinahangad kung ‘di ang mabigyang wastong kaalaman, karunungan at gabay ang bawat bata para sa ikabubuti ng karamihan at bayan.

Mam! Ser! Salamat po! Ang inyong dedikasyon at pagpupunyagi matuto lang kami ay walang kapantay. Kaya naman, ngayong Buwan ng mga G**o, kinakamusta namin ang mga bayaning pinagsasabay ang kanilang responsibilidad sa tahanan bilang anak, ina o ama ng tahanan at ang kanilang pagiging pangalawang magulang pagdating sa paghubog ng mga kabataan para sa kinabukasan.

Ano nga ba ang buhay ng g**o ngayong lockdown?

Pagbati sa lahat ng magigiting na g**o at punong g**o ng Central Azucarera de Tarlac High School Annex.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at pagmamahal amin pong mga mag-aaral.

Larawan mula kay: Andrea Lizette Baniqued

Photos 07/09/2021
14/07/2021

Get ready to witness the 6th Moving Up Ceremony of Central Azucarera de Tarlac High School Annex on the 15th day of July, 2021 at 2:00 in the afternoon. Live, via the school's official page. See you, virtually!

10/07/2021

Pagbati sa lahat ng manunulat ng Ing Kabyo, ang opisyal na pahayagan ng Central Azucarera de Tarlac High School Annex.

12/06/2021

Kaisa ang Central Azucarera de Tarlac High School Annex sa paggunita sa Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas! 🇵🇭

"KALAYAAN 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan"






Photo credit: Andrea Lizette Baniqued (9-Curie)

Maligayang paggunita sa Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas! 🇵🇭

"KALAYAAN 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan"






Photo credit: Andrea Lizette Baniqued (9-Curie)

Want your school to be the top-listed School/college in Tarlac?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


1st Street Balete
Tarlac