07/10/2026
𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗥𝗢, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦𝗜𝗚𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥’𝗦 𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗫𝗔𝗦 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟
Binigyang-pugay ang mga g**o sa pamamagitan ng isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng Teacher’s Day sa Roxas Farm School noong Ika-5 ng Oktubre na inihandog ng mga mag-aaral at student organizations bilang pagkilala sa kanilang walang sawang paglilingkod, sakripisyo, at dedikasyon sa paghubog sa kabataan.
Sinimulan ang programa sa panalangin para sa mga g**o na pinangunahan ni Kris-Ann Labitoria, SSLG Secretary, na sinundan ng welcome remarks ni Nina Maekyla Inaje, SSLG Vice President. Lalo pang naging masigla ang programa sa pamamagitan ng Zumba na pinangunahan ng mga SSLG Officers, bago isinagawa ang serye ng mga palaro para sa mga g**o.
“Ang pagiging g**o ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo, kundi sa pagbibigay ng inspirasyon, paggabay, at paghubog sa kinabukasan ng bawat mag-aaral,” ani Dr. Jocelyn G. Garbosa, Master Teacher I and Teacher-In-Charge, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sakripisyo at dedikasyon ng mga g**o.
Ipinagpatuloy ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Teacher’s Day Games, kabilang ang Color Game na pinangunahan ng BKD Officers sa pangunguna ni Zairene Gerapista, Bring Me na pinangunahan ng YES-O Officers sa pangunguna ni Queenie Recede, at 1, 2, 3 Action na pinangunahan ng SSLG Officers sa pangunguna ni Kit Necole Barnizo. Sinundan ito ng Raffle with a Twist, kung saan naging bahagi ng hamon ang mga g**ong nakapiring.
“Ang munting handog na ito ay aming paraan upang maipakita kung gaano namin pinahahalagahan ang inyong pagmamahal, tiyaga, at walang sawang paggabay sa amin,” pahayag nina John Darren Gallenero, SSLG Grade 12 Representative, at Jasmin Alido, SSLG Public Information Officer, sa isinagawang Teacher’s Day Serenade and Gift-Giving.
Bilang pagtatapos, nagsilbing tampok ng programa ang Teacher’s Day Serenade and Gift-Giving, na nagsilbing taos-pusong pasasalamat ng mga mag-aaral sa kanilang mga g**o. Sa pamamagitan ng awitin at munting handog, muling ipinakita ng mga mag-aaral na ang dedikasyon ng kanilang mga g**o ay kinikilala, pinahahalagahan, at mananatiling bahagi ng kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.
📸: Roselyn B. Galagate
✍️:Marvelous P. Planas