28/03/2026
💜 𝑊𝑖𝑡ℎ 𝐻𝑖𝑔ℎ 𝐻𝑜𝑛𝑜𝑟𝑠
🩷 𝑊𝑖𝑡ℎ 𝐻𝑜𝑛𝑜𝑟𝑠
💙 𝐇𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐦𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐚𝐭
💛 𝐂𝐮𝐭𝐞𝐬𝐲 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐞𝐫
Ang weird lang isipin na natapos agad ‘tong school year na ‘to, na parang kailan lang, nangangapa pa tayo sa isa’t isa— tapos ngayon, sanay na sanay na tayo sa ingay, kulitan, at sabay-sabay na pagod.
From random recitations, groupings na minsan ‘di naman nag w-work, hanggang sa sabay-sabay na pag-cram at reklamo— lahat yun, naging normal na lang sa atin. At honestly, hindi ko siya ipagpapalit.
Super duper proud ako sa inyong lahat— whether with honors man o hindi. Since alam naman nating hindi naging madali ang buong school year na 'to, lalo na sa mga cramming na ginawa natin dahil anong oras nag-uumpisa, tambak-tambak na deadlines, at mga “hell majors” natin na grabe pa sa grabe, pero look at us— we still survived and made it fun along the way 🫶🏻
Hindi man tayo naging perfect na section, pero grabe yung bond natin. Yung tipong kahit simpleng tawanan lang, okay na. Kahit wala masyadong ganap, basta magkakasama, sapat na.
At hindi pa naman ‘to yung dulo ah— manifesting na magkakasama pa rin tayo next school year 🤞🏻🍀 kasi honestly— ayaw ko pa kayong palitan BWHAHAHAHA
Thank you for making this year less stressful (kahit minsan kayo rin dahilan ng stress 😝), pero higit sa lahat, masaya.
Congratulations, Arnault!! PADAYON 💜
See you ulit next school year— same ingay, same vibes, same kulitan 🙌🏻🫶🏻