12/08/2026
Ikinalulungkot po naming ipaalam..na dahil sa pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan at maraming kabataan ang nagkakasakit, suspendido ang face-to-face classes, bukas, August 13, 2026 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Tanza sa lahat ng antas. Dahil dito, shift muna po tayo sa Alternative Delivery Modes of Learning at upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan.
Mag-ingat tayong lahat, Tanzeños at manatiling nakasubaybay sa lagay ng panahon.