14/07/2024
ANG KAHIGITAN NG ARAW NG ASHURA.
ANO ANG ASHURA?
Ang ibig-sabihin ng Ashura’ ay ang ikasampung araw sa buwan ng Muharram sa islamic Calendar. Ang katagang Ashura ay galing sa salitang asharah sa wikang Arabe na ang ibig-sabihin ay sampu. Sa araw ng Ashura’ ay sunnah sa mga Muslim na mag-ayuno.
ANO ANG GANTIMPALA KAPAG NAG AYUNO SA ARAW NG ASHURA?
Si Abu Qatada ay nagsalaysay: “Ang Sugo ng Allah (sallallahu alayhi wa sallam) ay tinanong tungkol sa pag-aayuno sa ikasampung araw ng Muharram, at siya ay sumagot, “Patatawarin ang kasalanan sa nakaraang taon.” [Iniulat ni Muslim]
ANO DAHILAN SA PAG AAYUNO SA ARAW NG ASHURA?
Isa sa mga dahilan ng ating pag aayuno ay bilang pasasalamat sa Allah dahil sa araw na ito iniligtas ng Allah ang angkan ng Israel na nasyon ni Musa (alayhis salam) mula sa bagsik ng pang-aapi ni Fir’awn. At tayo bilang mga Muslim ay mas karapat-dapat na mag-ayuno rito kaysa sa mga Hudyo.
PAANO ISAGAWA ANG PAG AAYUNO SA ARAW NG ASHURA?
1. Maaaring mag-ayuno sa ikasiyam at ikasampu at ikalabing isa ng Muharram.
-Ika 9 sa Muharram (july 15, 2024 monday )
-Ika 10 sa Muharram (july 16, 2024 tuesday )
-ika 11 sa Muharram(july 17,2024 wednesday)
2. Maaaring mag-ayuno sa ika siyam at ikasampu ng Muharram.
-Ika 9 sa Muharram (july 15, 2024 monday)
-Ika 10 sa Muharram (july 16 ,2024 tuesday)
3. Maaaring mag-ayuno sa ikasampu at ikalabing-isa ng muharram
-Ika 10 sa Muharram (july 16, 2024 tuesday)
-Ika 11 sa Muharram (july 17, 2024 tuesday)
4. Maaari ring sa ikasampu lamang.
-Ika 10 sa Muharram (july 16,2024 Monday)
Kung alin ang pinakamainam sa apat, ayon sa ibang mga ulama ay yaong naunang paraan. At ang Allah ang higit na nakakaalam.
Nawa'y tanggapin ni Allah ang ating mga gawain at patawarin tayo sa ating mga kasalanan at pagkukulang...Ameen