30/05/2023
Karamihan sa henerasyon ng kabataan ngayon ay takot bumoses sa madla. Marahil, takot silang mahusgahan sa kanilang mga naranasan. 'Yung iba, hindi alam kung paano magsisimula dahil tahimik lamang sila sa kanilang buong buhay.
Lahat tayo ay may mga karanasang hindi alam ng iba. Nakakatakot at nakakalungkot ang katotohanan na nagdurusa ang ibang tao nang hindi napapansin dahil sila ay inalisan ng boses.
Nais ipaalala ng adbokasiyang ito na kailanman, hindi naging kahinaan ang paghingi ng tulong. Gaya natin, sila ay may mga takot na hinaharap. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang mabigyan ng kapayapaan ang bawat isa. Huwag nating ipadama na walang kabuluhan ang kanilang mga boses at karanasan. Sa halip, bigyan natin sila ng pagkakataon at atin silang tulungan.
Your voice matters. You matter.
-
"Kaya Ko"
Isang maikling kuwento ni: Noelle Ysabella O. Malabanan