20/09/2026
π Tres Cruses Elementary School sa International Coastal Clean-up Day
Sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Ma. Salome A. Araw, Principal IV, katuwang si Christopher L. Lim, BSP Coordinator, kasama ang mga Assistant Unit Leaders na sina Wilma M. Magpusao at Precila B. Pay-oen, matagumpay na nakibahagi ang mga Boy Scouts ng Tres Cruses Elementary School sa βInternational Coastal Clean-up Dayβ noong Setyembre 19, 2026 na ginanap sa Brgy. Capipisa, Tanza, Cavite, alinsunod sa National Office Memorandum No. 98, s. 2026.
Ang pakikilahok na ito ay naglalayong:
1.Maglinis ng kapaligiran upang mapanatili ang kalinisan ng baybayin.
2.Magmulat sa kabataan hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
3.Magpatibay ng disiplina at pagiging laging handa ng mga Boy Scouts.
4.Magbigay ng ambag sa pandaigdigang pagkilos para sa kalikasan.
Hango sa awitin ni Michael Jackson na βHeal the Worldβ:
βHeal the world, make it a better place, for you and for me, and the entire human race.β
Tulad ng mensahe ng kanta, ang bawat hakbang ng ating mga kabataan sa paglilinis ng kapaligiran ay ambag sa mas malinis, mas ligtas, at mas magandang mundo para sa lahat.