Diaz College Anahaw Publication

Diaz College Anahaw Publication WE STAND FOR TRUTH

Mga Mag-aaral ng Diaz College Nagningning sa DSPC 2026Tanjay City, Negros Oriental — Muling ipinamalas ng mga mag-aaral ...
31/01/2026

Mga Mag-aaral ng Diaz College Nagningning sa DSPC 2026

Tanjay City, Negros Oriental — Muling ipinamalas ng mga mag-aaral ng Diaz College ang kanilang husay, disiplina, at dedikasyon sa campus journalism matapos magwagi ng iba’t ibang parangal sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 na ginanap noong Enero 28–30, 2026 sa Tanjay National High School.
Sa kabila ng mahigpit na kompetisyon mula sa iba’t ibang paaralan sa dibisyon, matagumpay na naipakita ng delegasyon ng Diaz College ang kanilang kakayahan sa pagsulat, pag-uulat, pagguhit, at pagbobrodkast sa mga kategoryang Filipino at English.

Tagumpay sa Filipino Category

Namayagpag ang Diaz College sa Radio Scriptwriting and Broadcasting matapos makamit ang 1st Place – Best News Anchors, 2nd Place – Pagsulat ng Balita, at ilang 3rd Place na parangal kabilang ang Overall Radio Production, Radio Scriptwriting and Broadcasting, at Best Tech Application in Radio Broadcasting.
Sa mga indibidwal na kategorya, nagtamo ng karangalan si John Dave M. Limbaga sa Siyensiya at Teknolohiya (4th Place), habang nagwagi si John Andrew S. Rabor sa Pagsulat ng Balitang Isports (5th Place). Nakamit naman ni Renamae Guzman ang 2nd Place sa Pagsulat ng Balita, at ni Kimberly Salutan ang 3rd Place sa Editorial Cartooning.

Pinatunayan din ang lakas ng biswal na pamamahayag ng paaralan matapos masungkit ni Roma Anne L. Mollenido ang 1st Place at ni Ivory Iso Remollo ang 2nd Place sa Photojournalism. Samantala, nag-uwi rin ng 3rd Place si Maria Angela Dela Peña sa Column Writing.

Mahuhusay na Panalo sa English Category

Hindi rin nagpahuli ang mga kinatawan ng Diaz College sa English Scriptwriting and Broadcasting matapos makamit ang 1st Place – Best Anchor at 1st Place – Best Infomercial, bukod sa 2nd Place – Best News Presenter, 2nd Place – Best Script, at 4th Place – Best Tech Application in Radio Broadcasting. Kinilala rin ang grupo bilang 2nd Best Radio Production / Radio Scriptwriting and Broadcasting (Overall).
Sa iba pang kategorya, nagwagi si John Niño S. Sevilla ng 2nd Place sa Copyreading and Headline Writing, si Glyssa E. Cobrador ng 2nd Place sa Science and Technology Writing, at si Santino Villaflores ng 3rd Place sa Editorial Writing.

Tagumpay na Bunga ng Sama-samang Suporta

Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng masusing paghahanda at sama-samang pagsisikap ng mga mag-aaral, sa ilalim ng paggabay ng kanilang mga coach—G. Nichol B. Villaflores para sa Filipino Category at Gng. Erica Marie C. Sedigo para sa English Category. Ang delegasyon ay lubos ding suportado ng Acting School Director, Gng. Catherine L. Mollenido, na patuloy na nagbibigay ng direksyon at inspirasyon sa pagpapaunlad ng campus journalism sa paaralan.

Patunay ang mga parangal na ito na ang Diaz College ay patuloy na humuhubog ng mga kabataang mamamahayag na handang maging tinig ng katotohanan at tagapaghatid ng makabuluhang impormasyon sa lipunan.
Mabuhay ang mga mag-aaral ng Diaz College, ang kanilang mga coach, at ang buong pamunuan ng paaralan!

Padayon sa pagpanulat. Padayon sa kahusayan.

Congratulations to these exceptional students for proudly representing Diaz College at the Division Schools Press Confer...
03/02/2025

Congratulations to these exceptional students for proudly representing Diaz College at the Division Schools Press Conference (DSPC) held from January 29-31, 2025, at TNHS (Opao). Your dedication and hard work have made us incredibly proud.

Attention all aspiring writers, artists, and innovators! 📣 We're looking for passionate members to join our school publi...
14/01/2025

Attention all aspiring writers, artists, and innovators!

📣 We're looking for passionate members to join our school publication team! Whether you love to write, design, or share ideas, there's a place for you here.

Help us capture the spirit of our school and make your voice heard! Join us today!" 📝✨

Address

Nono Limbaga Drive
Tanjay
6204

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diaz College Anahaw Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Diaz College Anahaw Publication:

Shortcuts

Share