SINAG Publication - Villaba ES

SINAG Publication - Villaba ES

Share

SINAG ay ang opisyal na pahayagang pangkampus ng Mababang Paaralan ng Villaba.

14/03/2026

🏆𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚!

Muling nagningning ang 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚, ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Villaba Elementary School, matapos nitong makamit ang 𝗜𝗞𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗪𝗘𝗦𝗧𝗢 bilang 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗛𝗨𝗦𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚𝗔𝗡 (Best School Paper) – Elementary Filipino Category sa Regional Schools Press Conference 2026 ng Rehiyon X.

Sa prestihiyosong patimpalak, ipinamalas ng SINAG ang husay sa iba’t ibang larangan ng pahayagan at nakamit ang sumusunod na karangalan:

🥈 𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲– Pahinang Agham at Teknolohiya
🥉 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – Pahinang Editoryal
🥉 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – Pahinang Pampalakasan
🥉 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – Pag-aanyo at Disenyo ng Pahina
🏅 𝟰𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – Pahinang Lathalain
🏅 𝟲𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – Pahinang Balita

🏆 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗣𝗮𝗽𝗲𝗿 (𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)

Dahil sa natamong tagumpay, muling maglalakbay ang SINAG patungong Ormoc City upang katawanin ang Rehiyon X sa National Schools Press Conference (NSPC) 2026.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng dedikasyon at talento ng mga batang mamamahayag ng Villaba Elementary School, kundi dahil rin sa patuloy na gabay, inspirasyon, at suporta ng mga sumusunod:

🙏 𝙎𝘿𝙎 𝘿𝙧. 𝙎𝙝𝙖𝙢𝙗𝙖𝙚𝙝 𝘼. 𝘼𝙗𝙖𝙣𝙩𝙖𝙨-𝙐𝙨𝙢𝙖𝙣, 𝘾𝙀𝙎𝙊 𝙑𝙄, at 𝘼𝙎𝘿𝙎 𝘿𝙧. 𝙀𝙧𝙡𝙞𝙣𝙙𝙖 𝙂. 𝘿𝙖𝙚𝙡, 𝘾𝙀𝙎𝙀, sa inyong inspirasyon at patuloy na paggabay. Salamat sa pagtitiwala sa aming kakayahan at sa pagbibigay ng oportunidad upang ipakita ang aming husay.

🙏 𝘿𝙧. 𝘼𝙣𝙜𝙚𝙡𝙞𝙣𝙖 𝘽. 𝘽𝙪𝙖𝙧𝙤𝙣, 𝘾𝙄𝘿 𝘾𝙝𝙞𝙚𝙛, sa walang sawang paggabay, pagtitiwala, at suporta sa bawat hamon ng Sinag. Ang inyong karunungan at pagpapalakas ng loob ay higit pa sa maipapahayag ng salita.

🙏 𝙈𝙖’𝙖𝙢 𝙍𝙚𝙡𝙞𝙩𝙖 𝙁𝙪𝙚𝙣𝙩𝙚𝙨 𝙋𝙖𝙣𝙙𝙖𝙣-𝘿𝙚𝙘𝙞𝙣𝙖 at 𝙈𝙖’𝙖𝙢 𝘾𝙡𝙖𝙧𝙞𝙯𝙖 𝘾𝙖𝙩𝙚𝙙𝙧𝙖𝙡, 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙖𝙡𝙞𝙨𝙢 𝘾𝙤𝙤𝙧𝙙𝙞𝙣𝙖𝙩𝙤𝙧𝙨, sa inyong gabay at mentorship sa bawat hakbang ng aming paglalakbay. Salamat sa inyong inspirasyon at pagtulong na mas mapabuti pa namin ang aming ginagawa.

🙏 𝙈𝙖’𝙖𝙢 𝙉𝙞𝙡𝙙𝙞𝙚 𝘼𝙜𝙖𝙙 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙗𝙤𝙨𝙖, 𝙋𝙎𝘿𝙄𝘾 - 𝙉𝙤𝙧𝙩𝙝 𝘿𝙞𝙨𝙩𝙧𝙞𝙘𝙩, sa inyong palagiang suporta, paggabay, at malasakit sa amin sa bawat hakbang.

🙏 𝙎𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙐𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙂𝙪𝙧𝙤, 𝙂. 𝙍𝙖𝙡𝙥𝙝 𝙍𝙚𝙮 𝙊. 𝙎𝙪𝙡𝙩𝙖𝙣, at ang buong 𝙥𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮𝙖 𝙣𝙜 𝙑𝙀𝙎, sa inyong suporta, tiwala, at pag-angat sa aming mga pagsusumikap.

Patunay ng dedikasyon, sipag, at talento ng mga batang mamamahayag ng Villaba Elementary School ang tagumpay na ito at sa patnubay ng kanilang School Paper Adviser, 𝙂𝙣𝙜. 𝙇𝙖𝙡𝙞𝙖𝙣𝙚 𝙎. 𝙏𝙖𝙜𝙖-𝙖𝙣.

💡 Higit pa sa mga tropeo at parangal, patuloy na magsisilbing tanglaw ng katotohanan at boses ng kabataang mamamahayag ang SINAG.

✨ 𝙋𝙖𝙙𝙖𝙮𝙤𝙣, 𝙎𝙄𝙉𝘼𝙂! 𝙋𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙣𝙞𝙣𝙜𝙣𝙞𝙣𝙜!




21/05/2025

𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚 𝗻𝗴 𝗩𝗘𝗦, 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗡𝗦𝗣𝗖! 🏆

Isang malaking karangalan ang nasungkit ng 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚, ang opisyal na pahayagan ng Villaba Elementary School mula sa Dibisyon ng Tangub City, Rehiyon X, matapos nitong makuha ang 𝙐𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙬𝙚𝙨𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙝𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙀𝙙𝙞𝙩𝙤𝙧𝙮𝙖𝙡 (𝙀𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮𝙖) sa ginanap na National Schools Press Conference (NSPC) 2025 na idinaos sa Vigan Convention Center, Lungsod ng Vigan, Ilocos Sur noong ika-21 ng Mayo.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng husay, sipag, at dedikasyon ng mga batang manunulat ng Sinag at ng kanilang g**ong patnugot. Tunay na ipinagmamalaki kayo ng buong paaralan at rehiyon.

🎉 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙞𝙣𝙖𝙜! 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙖𝙗𝙖 𝙀𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡!







03/04/2025

𝑷𝑨𝑮𝑷𝑼𝑷𝑼𝑮𝑨𝒀 𝑺𝑨 𝑺𝑰𝑵𝑨𝑮!

Muling pinatunayan ng SINAG, ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Villaba Elementary School, ang husay nito sa larangan ng pamamahayag matapos kilalanin bilang 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐗 (Elementary Filipino Category) sa Regional Schools Press Conference 2025.

Sa prestihiyosong patimpalak na ginanap sa Tubod, Lanao del Norte, nakamit ng pahayagan ang sumusunod na karangalan:

🥇 1𝘀𝘁 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 - Pahinang Editoryal
🥇 1𝘀𝘁 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 - Pahinang Lathalain
🥇 1𝘀𝘁 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 - Pahinang Pampalakasan
🥇 1𝘀𝘁 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 - Pag-aanyo at Disenyo ng Pahina
🥈 2𝗻𝗱 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 - Pahinang Balita
🥈 2𝗻𝗱 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 - Pahinang Agham at Teknolohiya

🏆1𝘀𝘁 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 - OVERALL

Bilang kinatawan ng Rehiyon X, patuloy ang SINAG sa pagsusulong ng tapat at de-kalidad na pamamahayag sa darating na National Schools Press Conference (NSPC) 2025.

💡 Higit pa sa mga tropeo at parangal, misyon ng SINAG ang pagpapalaganap ng katotohanan para sa kapakanan ng bawat mag-aaral at g**o ng Villaba Elementary School.

✨ 𝙋𝙖𝙙𝙖𝙮𝙤𝙣, 𝙎𝙄𝙉𝘼𝙂!






02/07/2024

𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗡 | Sen. Sonny Angara, itinalagang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd)


Photos from Villaba ES - 128237's post 28/06/2024
19/06/2024

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 | Vice President Sara Duterte nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education

"Earlier today June 19, 2024 I sought an audience with the president and tendered my resignation as the Secretary of Education effective July 19, 2024. I have given my 30-day notice to ensure the proper and orderly transition for the benefit of the next secretary."

Credit to DepEd Philippines


03/05/2024

𝑷𝑨𝑮𝑩𝑨𝑻𝑰 𝑨𝑻 𝑷𝑨𝑮𝑷𝑼𝑷𝑼𝑮𝑨𝒀!

Muling kinilala ang 'SINAG', ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Villaba Elementary School bilang isa sa pinakamahusay na pahayagan sa Rehiyon Dyes sa isinagawang Regional Schools Press Conference 2024 sa Cagayan De Oro City.

Nakamit ng pahayagan ang sumusunod na karangalan:

2𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - 𝙋𝙖𝙝𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙄𝙨𝙥𝙤𝙧𝙩𝙨
2𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - 𝙋𝙖𝙝𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙖𝙩𝙝𝙖𝙡𝙖𝙞𝙣
3𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - 𝙋𝙖𝙝𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙜𝙝𝙖𝙢 𝙖𝙩 𝙏𝙚𝙠𝙣𝙤𝙡𝙤𝙝𝙞𝙮𝙖
4𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - 𝙋𝙖𝙝𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙀𝙙𝙞𝙩𝙤𝙧𝙮𝙖𝙡

Kaugnay nito, pinarangalan din ang Sinag bilang 𝑰𝒌𝒂-3 𝒔𝒂 𝑷𝒊𝒏𝒂𝒌𝒂𝒎𝒂𝒉𝒖𝒔𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒉𝒂𝒚𝒂𝒈𝒂𝒏 sa Filipino sa buong rehiyon dyes.

Higit sa mga papuri at parangal, tungkulin ng aming publikasyon na maghatid ng katotohanan sa pamamagitan ng pamamahayag mula sa loob hanggang labas ng paaralan ng Villaba ES.

READ HERE:
https://drive.google.com/file/d/1hgKzEFUqTE44tSOyaePQTH4SVxT0dmIw/view?usp=drivesdk

PADAYON, SINAG!




Photos from Villaba ES - 128237's post 02/05/2024

𝗦𝗘𝗟𝗚 𝗘𝗟𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 2024

Panahon na namang muli para pumili ng mga lider na tunay na mkikinig at kikilos para sa ating mga mag-aaral.

SA nalalapit na eleksyon ng mga bagong Supreme Elementary Learners Government (SELG) Officers, ang inyong boses ay mahalaga at malaking bahagi ng proseso.

Maging handang pumili ng mga lider na maglilingkod nang tapat at may dedikasyon para sa ating mga mag-aaral.

Abangan ang mga detalye at mga kaganapan patungkol sa eleksyon sa mga susunod na araw.


Photos from Palarong Pambansa 2025 Region X - Team NorMin Stars's post 01/05/2024
30/04/2024

𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗬 | May 1, 2024

Maligayang Araw ng Manggagawa!
Sa lahat ng manggagawang Pilipino saan mang sulok ng mundo, salamat sa kasipagan at sakripisyo ninyo para sa inyong pamilya at sa bansang Pilipinas.

MABUHAY KAYO!



12/04/2024

𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗡 | Ipapatupad ng DepEd sa lahat ng ating public schools nationwide mula April 15-16, 2024 (Lunes at Martes) ang Asynchronous classes o Distance Learning set-up.

Ito ay para mabigyan ng sapat na oras ang ating mga estudyante na makahabol at matapos ang kanilang mga requirements at assignments.

Hindi sakop sa inilabas na abiso ang mga paaralan ng mga pribadong paaralan, ngunit nasa kanila ang pagpapasya kung magpapatupad rin ng asynchronous classes o distance learning.

Want your school to be the top-listed School/college in Tangub City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Purok 1, Villaba
Tangub City