20/08/2025
๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐: ๐๐๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐จ๐
๐ฃ๏ธAng Wikang Filipino ay hindi lamang daluyan ng salita kundi sagisag ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Mula sa ibaโt ibang katutubong wika, ito ay patuloy na nilinang at pinagyaman upang magsilbing buklod ng sambayanang Pilipino. ๐ซ๐ต๐ญ
๐ Mahalagang yugto sa ating kasaysayan ang Konstitusyon ng 1935 na nag-atas na magkaroon ng pambansang wika, at noong 1937 ay pormal na ipinahayag ang Wikang Pambansa na nakabatay sa Tagalog. Sa paglipas ng panahon, ito ay higit pang pinalawak at tinawag na โFilipinoโ โ isang buhay na wika na bukas sa pagbabago at sumasalamin sa yaman at pagkakaiba-iba ng ating kultura. โจ
๐กNgayong Buwan ng Wika 2025, ipagdiwang natin ang wikang ipinaglaban ng ating mga bayani at patuloy na nagsisilbing sandigan ng pagkakaisa. Sama-sama nating linangin, pahalagahan, at ipagmalaki ang ating sariling wika, sapagkat ito ang tunay na pamana at yaman ng ating bayan. โค๏ธ๐ต๐ญ
Layout | Jacques Vishnu P. Avestruz
Caption | Apple N. Platino