29/08/2026
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”
Isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 ang ating naisakatuparan sa Mabuhay Integrated School!
Sa buong buwan ng Agosto, naging daan ang iba’t ibang gawain at makabuluhang aktibidad upang higit nating mapahalagahan ang wikang Filipino bilang instrumento ng pagkatuto, pananaliksik, komunikasyon, at pagkakakilanlan. Kasabay nito, naipakita rin natin kung paano maaaring gamitin ang Artificial Intelligence (AI) nang responsable at makabuluhan bilang kasangkapan sa pagtuklas, pagsusuri, at pagpapalawak ng kaalaman.
Pagbati sa lahat ng mag-aaral na buong husay, sigasig, at pagmamahal sa wika na nakiisa sa bawat gawain! Ang inyong talento, pagkamalikhain, at aktibong pakikilahok ang naging puso ng pagdiriwang na ito.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at patuloy na sumuporta sa ating pagdiriwang.
Sa aming minamahal na Punong G**o, Gng. Kristine Labastilla Banac sa inyong walang-sawang suporta, paggabay, at pagtitiwala:
Sa aming mga kapwa g**o, na naging katuwang sa pagpaplano, paghahanda, at pagsasakatuparan ng bawat gawain;
Sa aming mga mag-aaral, na buong sigasig na nakiisa at nagbigay-buhay sa bawat aktibidad;
At sa aming Administrative Officer II, G. Hildgyn Ruaza, maraming salamat po sa inyong mahalagang suporta at pakikiisa sa mga gawaing naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang.
Higit sa lahat, ang pagdiriwang na ito ay patunay na ang wika at teknolohiya ay maaaring magsanib upang maging tulay sa mas malawak na kaalaman at makabuluhang pagkatuto.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang mga g**ong patuloy na humuhubog sa kinabukasan!
Mabuhay ang mga mag-aaral na patuloy na natututo at lumilikha!
Wika natin. Karunungan natin. Kinabukasan natin. ❤️🇵🇭
**MUSIC COPYRIGHT DISCLAIMER:**
The music used in this video belongs to its respective owner/s. No copyright infringement is intended. This video is created solely for educational, documentation, and non-commercial purposes. All rights and credits belong to the respective copyright owners.