25/03/2023
TINGNAN || ANI NG SINING, TUNAY NGA SILANG MAGAGALING!
Sining ay isang konseptong sumasakop sa maraming bagay o pamamaraan. Ito ay maaaring sa kapasidad sa larangan ng pagguhit, pagtateatro, pagpitik, pagsayaw at iba pa. Tinugunan ng Makalya Elementary School ang memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining sa taong 2023. Ginawa ito sa pamamagitan ng maikling palatuntunan na nilahukan ng sitio lider Kgg. Sitio Lupon Rosalino Abalos, mga kaguruan, mga magulangin at mga mag aaral. Ang aktibidad na ito ay nahati sa apat na paligsahan. Una, ang on-the-spot drawing ng mga mag-aaral at mga magulang. Ikalawa, ang craft making ng mga mag-aaral. Ikatlo, ang photography contest. Dito hinahasa ang galing ng pagpitik ng mga kalahok sa kahit anung bagay, tanawin o gawain. At ang ika-apat naman ay ang presentasyon ng malikhaing teatro na ginampanan ng mga mag-aaral ng Makalya ES. Naging artistiko ang bawat likha nilang sining. Marami ang naaliw at naging magiliw sa kinalabasan ng kanilang imaginasyon.
Sa paggagawad ng karangalan sa nasabing patimpalak, ang lahat ng nakiisa ay nagkamit ng sertipiko ng partisipasyon. Naiuwi nina Divino Dela Cruz at Gng. Jenifer Denoso ang pagiging kampion sa on-the-spot drawing contest. Samantala, sina Maria Cristena Mae Abalos, John Gabriel Adornado at Analysa Cordero ang nakakuha ng gantimpala sa craft making contest. Gayundin, ang nakasungkit ng mataas na karangalan sa larangan ng photography contest ay sina Analysa Cordero at Gng. Agripina Pacadar. Sa teatro naman ay ipinamalas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan "ang modernong kabataan" at "ang mga pagbabagong dapat isabuhay sa panahong ito.
Tunay na ang mga naninirahan sa kabundukan ay nagtataglay ng pambihirang galing sa larangan ng sining. Hindi sila nahuhuli. Malawak ang imahinasyon nila sa kahit anong aspeto. Kaya nararapat na ang ganitong programa ay ipagpatuloy upang lalong malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga magulang at mag-aaral sa malalayong lugar sa General Nakar, Quezon.
Pagpupugay sa Makalya ES Family at pasasalamat sa palagiang pakikiisa!