25/08/2025
โ๐ง๐๐๐๐ | ๐๐ฑ๐ถ๐ผ๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป, ๐ฆ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป
โ๐๏ธ Ipinaskil noong Agosto 25, 2025
โ
โInihahandog ng publikasyon ng "Ang Daong" kaugnay ng Pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani. Narito ang isang sulating magbubukas ng ating isipan tungkol sa Huling Katipunero.
โ
โ๐๐ข๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐ช ๐ข๐บ ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ณ๐ช๐ฎ๐ช๐ฏ๐ข๐ญ ๐ด๐ข ๐ด๐ข๐ณ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐บ๐ด๐ข๐บ๐ข๐ฏ?
โTuwing Araw ng mga Bayani, madalas nating ginugunita ang mga pangalan na matagal nang nakaukit sa ating mga aklatโRizal, Bonifacio, Del Pilar, at iba pa. Ngunit sa likod ng mga pahina, may mga bayani ring halos burahin ng maling paratang. Isa na rito si Macario Sakay, ang tinaguriang "Huling Katipunero", na sa loob ng isang siglo ay binansagang tulisan imbes na kilalanin bilang bayani ng sariling bayan.
โ
โAyon sa dokumentaryo ng I-Witness (2018) pitong taon na ang nakararaan, marami pa rin ang hindi nakakakilala sa kanya. Sa Tanay Rizal kung saan matatagpuan ang Calinawan Cave na nag silbing daanan at taguan ng rebolusyonaryo. Muling sumiklab ang mga kwento patungkol kay Sakay. Ngunit dahil sa paninirang dala ng kolonyalismo, ang kanyang mga kamag-anak ay tinukso na ang ilan ay napilitang magpalit ng apelyido upang makaiwas sa pangungutya.
โ
โSi Macario Sakay ay hindi lamang sumapi sa katipunan, isa siya sa mga unang lumaban para sa kalayaan kasama ni Andres Bonifacio. Nang bumagsak ang Himagsikan at nasakop ng mga Amerikano, hindi siya nag pasakop at sa halip, itinatag niya ang Republika ng Katagalugan. Sa panahong karamihan ay sumuko na, pinili ni Sakay na ipagpatuloy ang laban, kahit ang kapalit ay kanyang buhay.
โ
โNgunit ipininta siya ng mga Amerikano bilang tulisan at bandido. Sinunog ang mga kabahayan, ibinintang kay Sakay, pinatawan ng parusang kamatayan ang mga hindi sumuko. Ang kanyang imahe bilang kontrabida ay tumagal ng isang daang taon. Ang kanyang huling salita ay "Adios Pilipinas", ito ay hindi pagpapaalam ng isang kriminal, kundi ay huling pagpupugay ng isang bayani sa bansang kanyang pinaglaban.
โ
โNgayong Araw ng mga Bayani, hindi lang natin dapat alalahanin ang mga pangalan ng monumento, kundi alamin din kung sino ang mga sinadyang ilimot. Panahon na para tanungin: Ilang Macario Sakay pa kaya ang mananatiling nakatali sa maling akusasyon? Ilang apelyido ang napilitang baguhin dahil sa pananakot at panghuhusga? Ang mga ganitong paglimot ay hindi katarunganโito ay pagpapatuloy ng maling kasaysayan.
โ
โKung patuloy nating babalewalain ang mga tulad ni Macario Sakay, tayo mismo ang nagkukubli sa katotohanan. Ang Araw ng mga Bayani ay hindi lamang araw ng pag-alay ng bulaklak, kundi araw ng pagising na ang tunay na bayani ay hindi lamang nasa aklat, kundi minsan nasa mga pahinang sinadyang itupi at itago. Panahon na upang ituwid ang mali, itaas ang mga itinuring na mababa, at ituring bayani ang matagal nang bayani.
โ
โ๐๐จ๐๐ฃ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐:
โJane Rachelle Garcia | Kolumnista
โ
โ๐๐๐๐ฃ๐๐จ๐๐ฃ๐ฎ๐ค ๐ฃ๐:
โFrencheska Logto | Kartunistang Editoryal