TNHS: Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino 2023-2024

TNHS: Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino 2023-2024 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TNHS: Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino 2023-2024, Education Website, Tanay.

Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang, "Filipino: Wikang Mapagpalaya".Ipagdiwang at ipagmalak...
08/08/2024

Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang, "Filipino: Wikang Mapagpalaya".

Ipagdiwang at ipagmalaki natin ang ating Wikang Pambansa. ๐ŸคŽ

๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’
โ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐šโž

Wikang Filipino bilang Instrumentong Nagpapalaya

Sa gramatikang Filipino, ang panlaping-unlaping โ€œMapagโ€ ay nagsasaad ng kawilihan o pag-uugali tulad ng mapagkalinga, mapagkawang-gawa, mapagpatawadโ€”sa tema ngayong taรณn ay MAPAGPALAYA. Kung sa gayon, itรณ ay pag-uugaling nagpapalaya ang mapagpalaya.

Ano-ano ang katangian ng wika upang maging behikulo ng pagpapalaya?

1. Kung mayroong wikang magbibigkis sa gitna ng hidwaan, mawawakasan ang sigalot sa dalawang panig na hindi nagkakaunawaan.
2. Kung may mga publikasyon o babasahin na mababasa ng mga batang nasa laylayan ng lipunan, makalalaya sila sa iliterasiya.
3. Kung ang nasyon ay gagamit ng wikang Filipino sa pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan, lalong mararamdaman ng mamamayan ang serbisyong pambayan na sa kanila ay inilalaan, gaya ng winika ni Sen. Lito Lapid (2022):

โ€œSadyang napakahalaga po sa ating bansa na lubos na naiintindihan ng ating mga kababayan ang lahat ng mga dokumento at sulatin ng ating gobyerno. Kung madali pong maintindihan ang ating mga batas ay mas ma-eengganyo po ang ating mga kababayan na hindi lamang sumunod sa batas, kundi makilahok po sa mga usapan patungkol sa mga pambansa at pampublikong mga isyu.โ€

4. Kung wikang Filipino ang magiging midyum sa propesyonalisasyon at paggawa, mapuputol ang tanikala ng kahirapan sa bansa na itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas (1987):

Article II, Section 24. The State recognizes the vital role of communication and information in nation-building.

Article III, Section 7. The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents, and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law.

Sa ganitong framework o kaisipan ninais ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wika bilang instrumento sa pagtatamo ng social justice. Sa madaling sabi, isang kainhustisyahan kung hindi natin tatangkilikin ang ating sariling wika sa mga bagay-bagay na nakaaapekto sa ating mga buhay. Kaya, isang mahusay na ehemplo nito ay ang mga balita sa telebisyon na hanggang sa ngayon ay gamit ang Filipino. Ito ay patunay na mas mauunawaan ng madla ang paggamit ng sariling wika.

Idagdag pa rito ang wika ay tulay sa pagtatamo ng mga konseptong abstrak na magpapalaya sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan na napakahalagang gampanin ng wika lalo sa ating mga mag-aaral at kabataan. Ang wika ang susi sa pagpapatahan sa umiiyak na bata, susi sa wastong pagpapalaki sa anak, susi sa wastong pagtuturo, susi sa hinaharap ng ating bayan. Ang wika ay nakapagpapalaya at nakapagbibigay ng aliw at inspirasyon sa kabataan upang higit na maabot nila ang kanilang pangarap at umangat ang ating bansa sa kabuoan.

Ayon kay Virgilio Enriquez (1986), sa kaniyang artikulo sa Sikolohiyang Pilipino na may pamagat na โ€œAng Kaisipang Pilipino sa Sikolohiyang Malaya at Mapagpalayaโ€ na:

Ang "kaisipang Pilipino" ay tumutukoy samakatwid sa katauhan, ugali, at diwang Pilipino. Hindi ko na aangkinin pa ang pagtatalo sa pagitan ng mentalismo at behabyorismo sa Kanluraning sikolohiya sapagkat sa gamit ko ng salitang "kaisipan" ay tinatanggap ko na ang pagkilos ng tao ay nakaugnay sa kaniyang diwa, ugali, at kaisipan. โ€œ###

Ginamit ni Enriquez ang salitang โ€œmapagpalayaโ€ upang ilarawan ang sikolohiyang Pilipino na magkaugnay ang kaisipan sa aspekto ng tao sa kaniyang pag-uugali at iniisip. Kaya, ang konsepto ng salitang โ€œmapagpalayaโ€ ay bahagi nang malawak na kultural na pagmamay-ari ng ating sikolohiyang Pilipino.

Hinggil sa Aktibidad

Batay sa KWF Kapasiyahan Blg. 8-2, s. 2024, ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa ay hinati sa limang (5) lingguhang tema: (1) FSL tungo sa Ingklusibong Pambansang Kaunlaran; (2) Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran; (3) Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research; (4) Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa; at (5) Paglaban sa Misinformation (fact checking).

Tampok din ang ibaโ€™t ibang gawaing pangwika sa buong buwan ng Agosto sa lalong pagpapatupad ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 kabilang ang limang (5) serye ng webinar, tertulyang pangwika sa pamamagitan ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa ibaโ€™t ibang unibersidad sa Pilipinas, mga timpalak at gawad, Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, at Gabi ng Parangal.

Simbolismo sa Poster

Kaugnay sa sikolohiyang Pilipino sa pagiging mapagpalaya ay makikita sa poster ngayong paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa ang krokis at dibuhong may mga Pilipinong naglalakad na may ibaโ€™t ibang kasuotan mula sa payak na pananamit hanggang sa kultural na mga kasuotan na sumisimbolo sa dibersidad ng mga wika sa Pilipinas na patungo sa kanilang mga gawaing magbibigay sa kanila ng kasiglahan, saysay, at kalayaan sa paggawa. Gayundin ang nasa mga kuwadrong guhit na may senyas na wika, pakikipagkapuwa, pakikinig, pagbabasa, pagtuturo, at mga gawaing nagbibigay nang matiwasay na pagpapakahulugan tungo sa makabuluhang paggamit ng wika bilang instrumentong titiyak sa emansipasyon sa anumang hamon at suliranin na kanilang kinakaharap. Wika ang susi sa ugnayang-pantao na magtatawid sa mabuting tunguhin na makikita sa poster sa gitna nang mabilis na pag-usad ng mundo.

---
Maaaring i-download ang digital copy ng poster sa https://drive.google.com/file/d/1dtT5IhoSj-2gspNxESydWyE-uZRjhJiH/view?usp=sharing

Para sa iba pang detalye at impormasyon hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, makipag-ugnay sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon sa pamamagitan ng email sa [email protected].

16/04/2024
Buwan ng Panitikan 2024 : "Ang Panitikan at Kapayapaan"
25/03/2024

Buwan ng Panitikan 2024 : "Ang Panitikan at Kapayapaan"

Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board โ€“ Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikan 2024 na may temang โ€œAng Panitikan at Kapayapaanโ€ na may layuning magbigay daan sa malayang pagtalakay kung ano ang mga kahalagahan at kontribusyon ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa bansa at sa mga komunidad. Sa pamamagitan nito, lalong mapagyayaman ang diskurso sa konsepto ng kapayapaan at maipararating sa mamamayang Pilipino ang papel ng panitikan sa lipunan.

Sa mga nakalipas na taon, ang Buwan ng Panitikan ay ipinagdiriwang na sa ibaโ€™t ibang rehiyon ng bansa, at lalong pinalawak pa sa pamamagitan ng mga opisyal na online platforms. Bunsod ng mabisang pakikipagugnayan sa ibaโ€™t ibang institusyong pansining at pangakademiko, gayun din ang iba pang organisasyong nagtataguyod ng panitikan, patuloy na dumarami pa ang bilang ng mga grupo na nakikiisa sa nasabing pambansang selebrasyon.

Kaya samahan kaming muli sa isang makabuluhang pagtuklas sa mundo ng panitikan para sa kapayapaan, at kapayapaan mula sa panitikan.

Ipakita ang iyong talentoโ€™t sigla!โœ๏ธ๐Ÿ“œ๐ŸŽฌ๐ŸŽฅPagbati Batang TaNaHis! Ipakita at gamitin ang iyong galing at talento sa pag-sul...
02/02/2024

Ipakita ang iyong talentoโ€™t sigla!โœ๏ธ๐Ÿ“œ๐ŸŽฌ๐ŸŽฅ

Pagbati Batang TaNaHis! Ipakita at gamitin ang iyong galing at talento sa pag-sulat at pagbigkas ng iyong sining sa pakikiisa ng aktibidad ng KAMFIL na Spoken Word Poetry (Digital) na may paksang โ€œPapapahalaga at Pagpapayaman ng Panitikang Filipinoโ€, na gaganapin sa Ika-2 hanggang 23 ng Pebrero.

Mekaniks:
-Ang mga kalahok ay dapat lumikha ng piyesa ayon sa paksa na may minimum ng apat na taludtod.
-Ang entry ay marapat na ipasa sa google drive ng Opisyal ng KAMFIL.
-Ang entry ay dapat na ipasa sa itinalagang araw (Pebrero 2-23).
-Inaasahang ang mga kalahok ay magpakita ng pagkamalikhain ukol sa kanilang likha.

โœจPatuloy nating palaganapin at paunlarin ang ating Wikang Filipino at mga Katutubong Wika!โœจ

Magandang araw, Batang Tanahis!Malugod namin kayong inaanyayahan na ipakita ang inyong suporta sa ating Opisyal na Pahay...
26/01/2024

Magandang araw, Batang Tanahis!

Malugod namin kayong inaanyayahan na ipakita ang inyong suporta sa ating Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino, Ang Batlag.

I-like at i-follow ang kanilang page upang maging updated tayo sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating paaralan.

Sama-sama nating suportahan ang malayang pamamahayag. โœจ

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐›๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐ญ๐š๐ฒ!Halina't makiisa sa digital na "Masining na Pagkukwento" sa Ika-12 hanggang 17...
13/01/2024

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐›๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐ญ๐š๐ฒ!

Halina't makiisa sa digital na "Masining na Pagkukwento" sa Ika-12 hanggang 17 ng Enero. Buksan ang pinto ng imahinasyon at ipamalas ang iyong galing at talent!
Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Tanay National High School!
Inaasahang ang mga kalahok ay makapagpakita ng pagkamalikhain ukol sa likhang pampanitikan na kanilang itatanghal. Ang mga entry ay marapat na ipasa sa google drive ng Opisyal na Pahina ng KAMFIL sa itinalagang araw.

Ang napiling pyesa na itatanghal ng mga kalahok ay โ€œ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ค ๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ก๐šโ€ ni Cahndi T. Santos.

Pamantayan sa Pagmamarka
1. Interpretasyon - 70%
-Orkestrasyon ng Tinig
- 40% -Aksyon
- 10% -Ekspresyon ng Mukha - 20%
2. Aktwalisasyon ng Karakter - 30%
-Katauhan o Personalidad - 20%
-Wastong Kasuotan - 10%
Kabuuang Puntos- 100%

Pagbati sa mga mag-aaral na  matagumpay na nagwagi sa katatapos lamang na School-Based Press Conference.Ang inyong pakik...
21/11/2023

Pagbati sa mga mag-aaral na matagumpay na nagwagi sa katatapos lamang na School-Based Press Conference.

Ang inyong pakikiisa sa ganitong gawain ay tanda ng inyong pagsuporta sa malayang pamamahayag.

Ang gawaing ito ay hindi maisasakatuparan kung wala ang mga tao sa likod nito, malabis ang pagpapasalamat nina Bb. Shairelle Xennah R. Piguing, Tagapayo ng Batlag at G. Kristian O. Arce, Tagapayo ng Daranak, sa mga ekspertong nagbahagi ng kanilang kahusayan sa pamamahayag para sa mga Batang Tanahis.

17/11/2023

โœจHayaang dalhin ka ng mga pahina tungo sa makulay na mundo ng Panitikang Filipino!โœจ

Sabay-sabay nating lakbayin ang landas patungo sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng ating kalalaman tungkol sa ating sariling panitikan!๐Ÿฉต๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



Ako si Darna, ako ang talang magniningning sa kalangitan... ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸYour grace once again told a powerful story worth remembe...
12/11/2023

Ako si Darna, ako ang talang magniningning sa kalangitan... ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ

Your grace once again told a powerful story worth remembering. Congratulations Tanay National High School for swooping Best Festival Queen and winning 3rd place Category A in the 2023 Hane Festival Streetdancing Competition!




Opisyales ng KAMFIL (2023-2024)
11/10/2023

Opisyales ng KAMFIL (2023-2024)

Address

Tanay
1980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TNHS: Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino 2023-2024 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share