21/03/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ข๐ซ๐จ ๐๐ง๐ "๐๐ข๐ซ๐จ": ๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฒ ๐๐ข๐๐ง๐ญ๐ฌ, ๐๐๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ #๐๐๐ฉ๐๐ญ๐๐๐ฉ๐๐ญ: ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง
Madalas, nagsisimula sa isang โbiroโ, isang seksistang pahayag na tila walang malisya, ngunit unti-unting nagtuturo kung ano ang katanggap-tanggap. Sa ganitong paraan, nahuhubog ang mga lugar kung saan ang kababaihan at mga nasa laylayan ay binabalewala at isinasantabi. Ngunit nagbabago ang lahat kapag ang kababaihan ay nasa pwesto ng kapangyarihan, hindi bilang simbolo, kundi bilang mga tagapagpasya. Doon nagsisimulang maging mas inklusibo, makatao, at mahalaga ang mga patakaran. Sapagkat kapag ang kababaihan ang namumuno, ang pagbabalewala ay napapalitan ng pagkilala at pagbabago.
Itinampok ng FPJ Youth Organization ang ikalawang yugto ng kanilang Dapat-Tapat School Caravan sa URS Tanay Campus nitong ika-17 ng Marso, na may bitbit na adbokasiyang โWomenโs Month: Championing Safe Spaces and Protecting Women's Rightโ para sa mga kabataan at kababaihan na URS Giants tungo sa isang mapagpalayang lipunan.
โNapapanahon ngayon sa kinakaharap ng ating bansa at ng buong mundo,โ pangbungad na salita ni Dr. Romeo C. Pati, Campus Director ng Unibersidad sa programang School Caravan Dapat-Tapat. Aniya, ang adhikaing ito ay sumasalamin sa iisang paninindigan na isulong ang bukas na kalooban, katapatan, at pananagutan sa paglilingkod sa ating lipunan. Kung kaya naman pinasasalamatan niya ang FPJ Youth Organization sa pagpili sa kanilang unibersidad upang talakayin ang napakahalagang isyu na ganito sa kasalukuyan.
Nilahad naman ni Jasha Aaron Gutierrez, Natโl Committee Director for Policy and Advocacy ng organisasyon ang kanilang bitbit na adbokasiya, โWomen's Month: Championing Safe Spaces and Womenโs Rightโ. Aniya, ito ay bahagi ng kanilang pananagutan sa isang adhikain na โAng tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pakikiisa ng mga Kabatang Pilipinoโ kung kaya hanggad niya na maging bukas at makibahagi ang mga URS Giants sa naturang talakayan.
Sa bawat hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay, lumalabas ang bawat kababaihan nang may takot sa posibilidad na danasin ang pambabastos mula sa mga kalalakihan ito man ay sa paraan ng catcalling, hindi kanais-nais na atensyong sekswal, o maging online harassment sa social media.
Samantala, sa pananalita ni Kim Russell Cabrega, USSG President ng Unibersidad, binigyang-halaga niya ang importansya ng Gender Equality and Safe Spaces Act o mas kilala bilang Safe Spaces Act (RA 11313) na nagsilbing puso sa makabuluhang talakayan.
โ๐๐ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐ง๐ ๐กโ๐๐ก ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ โ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ก ๐๐๐ ๐๐๐ก ๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐ , ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฟ๐บ๐ต๐๐๐ผ[๐ด]+ ๐๐๐๐๐ข๐๐๐ก๐ฆ ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐ โ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ก ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐," pagbibigay-diin ng dating Senadora na si Hon. Grace Poe, Keynote Speaker ng naturang programa. Pagbabahagi pa niya, ang anumang uri ng pambabastos o pang-iinsulto sa ano mang uri ng gender ay mayroong kaparusahan sa batas kung kaya napakahalaga na alam ng kabataan ang kanilang mga karapatan at proteksyon laban sa harassment ng kahit sino sa lipunan.
Ang mga pagtitipon na gaya ng Dapat-Tapat School Caravan sa pamumuno ng FPJ Youth ay patunay na ang makabuluhang pagmulat ay kadalasang nagsisimula sa pakikibahagi ng mga kabataan sa isang masinsinang talakayan, kung saan ang pakikibahagi ng URS Giants sa makabuluhang usapan ay malaking bahagi sa paniniwalang ang mga kababaihan ay hindi na lamang para sa loob ng tahanan na maghihintay sa kanilang pinuno ng tahanan upang hainan ng makakain sa pinggan.
Bagkus, ang mga kababaihan ngayon sa lipunan ay may kakayahan nang manguna, pumuna, at maging lider sa lipunan, upang baguhin ang nakagisnan ng bawat kababaihan at kabataan patungo sa isang mapagpalayang lipunan.
โ: ๐ฝ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐, ๐น๐๐๐ก๐ข๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐
๐ท: ๐ป๐๐ง๐๐ ๐ฝ๐๐ฆ๐๐ ๐ฝ๐ข๐๐, ๐พ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ ๐ถ๐๐ ๐ก๐๐ฬ๐๐๐, & ๐ฟ๐๐ ๐ฝ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐