03/09/2026
🌧️ WEATHER ADVISORY | HEAVY RAINFALL WARNING NO. 4
Batay sa Heavy Rainfall Warning No. 4 ng PAGASA-NCR PRSD, na inilabas ngayong 5:00 AM, September 4, 2026 (Friday), nakataas ang YELLOW WARNING LEVEL sa Rizal, kabilang ang Bayan ng Tanay.
⚠️ ASSOCIATED HAZARD: FLOODING IN FLOOD-PRONE AREAS
Patuloy na nakaaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) na nagdadala ng mga pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar at lugar na malapit sa mga ilog at waterways.
📚 SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES
Alinsunod sa umiiral na weather conditions, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan.
➡️ Ang mga paaralan ay magshi-shift sa Modular Distance Learning (MDL) o sa iba pang naaangkop na alternative learning modalities, alinsunod sa kanilang contingency plans at guidelines ng DepEd.
📌 Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na weather updates at agad na magsagawa ng kinakailangang paghahanda.
Para sa mga lugar na flood-prone, maging handa at makinig sa mga abiso ng inyong Barangay DRRM at MDRRMO Tanay.
SAFETY FIRST, TANAYANS!
🌧️ Mag-ingat, manatiling updated, at huwag balewalain ang mga babala.