09/08/2026
Nakikiisa ang Paaralang Elementarya ng Magata-Manggahan sa buong mundo sa pagdiriwang ng International Day of the World's Indigenous Peoples, isang araw ng pagkilala, paggalang, at pagpapahalaga sa mayamang kultura, tradisyon, karunungan, at karapatan ng mga Katutubo.
Ngayong Pandaigdigan at Pambansang Araw ng mga Katutubo, nakikiisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa pagbibigay-pugay sa mga katutubong hilot (midwives) na nangangalaga sa buhay at kapakanan ng bawat sinisilang na bata sa pamayanan.
Katulad nila, ang DepEd ay naninindigan para sa kagalingan ng bawat batang Pilipino, sa pagtaguyod ng dekalidad at ingklusibong edukasyon na nagpapahalaga sa pangkulturang pagkakalinlan ng lahat.