21/09/2026
๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐๐ญ, ๐๐ข๐ ๐ก๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐๐ซ๐ฌ, ๐๐๐ฉ๐ฐ๐ ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฏ๐๐ซ๐๐ฅ๐ฅ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ๐๐จ๐ง
Muling ipinamalas ng Aldea Elementary School ang husay sa pampaaralang pamamahayag matapos kapwa kilalanin ang dalawang pampaaralang pahayagan nito sa 2026 Tanay District Schools Press Conference.
Batay sa inilabas na District Bulletin for Official Results, itinanghal na 1st Place โ Best School Paper, Elementary Filipino ang Ang Halang na Gubat, habang nakamit naman ng The Highland Villagers ang 2nd Place โ Best School Paper, Elementary English sa kategoryang Overall Best School Paper.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng mga batang mamamahayag na malinang ang kanilang kakayahan sa pagsulat, pag-uulat, at responsableng pamamahayag. Kaakibat nito ang paggabay ng kanilang mga tagapayo at suporta ng buong komunidad ng paaralan.
Sa likod ng dalawang publikasyong ito ay sina School Paper Adviser sa Filipino Jason S. Abanilla, tagapayo ng Ang Halang na Gubat, at School Paper Adviser sa English Dr. Chargie SJ. Anterola, tagapayo ng The Highland Villagers, gayundin ang patuloy na paggabay ng Punongguro ng Paaralan na si Dr. Lo**ta D. De Leon.
Ang tagumpay na ito ay muling nagbigay-diin sa mahalagang papel ng pampaaralang pamamahayag sa paghubog ng mga mag-aaral na may kakayahang magsaliksik, maghatid ng impormasyon, at magsulat nang may pananagutan at integridad.
Patuloy na ipinagmamalaki ng Aldea Elementary School ang mga batang mamamahayag na gumagamit ng kanilang tinig upang magbigay-kaalaman at maghatid ng makabuluhang kuwento sa kanilang kapwa mag-aaral at komunidad.