DepEd Tablon Elementary School

Call Directions Contact the school

DepEd Tablon Elementary School Public Elementary School-Tanay Sub-Office

A warm welcome to Mr. Christian Belmonte, our new Administrative Officer. We are excited to work with you as part of the...
16/09/2026

A warm welcome to Mr. Christian Belmonte, our new Administrative Officer. We are excited to work with you as part of the Tablon Elementary School family. Together, let’s continue building a better and brighter school community🥰

BUWAN NG WIKA 2026 | TABLON ELEMENTARY SCHOOL “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng I...
27/08/2026

BUWAN NG WIKA 2026 | TABLON ELEMENTARY SCHOOL

“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, muling binibigyang-halaga ng Tablon Elementary School ang Wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pagkatuto. Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at Artificial Intelligence (AI), patuloy nating hinahasa ang ating mga mag-aaral na maging mapanuri, malikhain, responsable, at mahusay sa paggamit ng impormasyon.

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang tungkol sa wika, kundi tungkol din sa pagbibigay ng mga makabuluhang karanasan kung saan naipapakita ng bawat mag-aaral ang kanilang talento, pagkamalikhain, kaalaman, at pagmamahal sa sariling wika at kultura.

Kaugnay nito, isinasagawa ng Tablon Elementary School ang mga gawaing pang-Buwan ng Wika na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na matuto at maipamalas ang kanilang kakayahan habang nananatiling nakatuon sa pagkatuto.

🎨 MGA GAWAIN AYON SA BAITANG

🧒 KINDER – Kulay
🎨 GRADE 1 – Pagkukulay – Groupings
🌈 GRADE 2 – Kulay
🎶 GRADE 3 – Kanta
✍️ GRADE 4 – Slogan Making
🖼️ GRADE 5 – Poster Making
🧠 GRADE 6 – Tagisan ng Isip

Sa bawat kulay, awit, slogan, poster, at hamon ng kaalaman, naipapakita ng ating mga mag-aaral na ang Wikang Filipino ay buhay, makulay, at patuloy na umuunlad kasabay ng pagbabago ng panahon.

Wika ang ugat ng ating pagkakakilanlan.
AI ang kasangkapan sa makabagong pananaliksik.
Instructional Block ang panahon para sa tuloy-tuloy na pagkatuto.
At ang paaralan ang tahanan kung saan ang kaalaman, kultura, at teknolohiya ay nagkakaisa para sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino.

📌Mahagalang paalala: Ang mga gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa paaralan ay isinasagawa nang hindi naaantala ang regular na klase, alinsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2026, na naglalaan sa Instructional Block para sa tuloy-tuloy na pagtuturo at pagkatuto

Mula sa pamunuan, mga g**o, at buong pamilya ng Tablon Elementary School, sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan at yaman ng ating wika! 💙❤️💛

Happy Birthday to our Grade 1-Teacher and School OIC🎉 May your special day be filled with love, happiness, and beautiful...
20/08/2026

Happy Birthday to our Grade 1-Teacher and School OIC🎉 May your special day be filled with love, happiness, and beautiful memories. Wishing you good health, success, and many more blessed years ahead. Enjoy your day! 🎂💐

📢 SUSPENSION OF IN-PERSON CLASSES / SHIFT TO AMDLAlinsunod sa Memorandum Circular No. 131 ng Malacañang, ipinapaalam sa ...
19/08/2026

📢 SUSPENSION OF IN-PERSON CLASSES / SHIFT TO AMDL

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 ng Malacañang, ipinapaalam sa lahat na ang mga klase sa lahat ng antas (All Levels), pampubliko at pribadong paaralan (Public & Private) ay lilipat muna sa Alternative Modes of Delivery of Learning (AMDL) bukas, August 20, 2026.

Ito ay dahil sa patuloy na masamang panahon dulot ng at bilang pag-iingat sa banta ng pagbaha, lalo na sa mga ilog sa upland areas.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas sa kani-kanilang tahanan at maging alerto.

📍FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENDED AUGUST 19, 2026Mag-ingat po tayong lahat!
18/08/2026

📍FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENDED
AUGUST 19, 2026
Mag-ingat po tayong lahat!

JUST IN: Malacañang announces shift to alternative work arrangements in government offices and alternative delivery modes in schools in NCR, other provinces in Luzon tomorrow, August 19, 2026. | via Ivan Mayrina/GMA News

Visit gmanetwork.com/news for more updates.

📢 NO FACE-TO-FACE CLASSES | AUGUST 18, 2026Dahil sa inaasahang epekto ng pagpapatuloy ng habagat at sa posibilidad ng pa...
17/08/2026

📢 NO FACE-TO-FACE CLASSES | AUGUST 18, 2026

Dahil sa inaasahang epekto ng pagpapatuloy ng habagat at sa posibilidad ng pagtaas ng tubig sa mga ilog, partikular sa mga upland areas na susceptible sa pagbaha, ipinapaalam na walang face-to-face classes sa lahat ng antas, public at private schools, bukas August 18, 2026 (Martes).

📚 Ang mga klase ay ililipat sa Alternative Modes of Delivery (AMDL) upang maipagpatuloy ang pagkatuto habang inuuna ang kaligtasan ng ating mga learners, teaching at non-teaching personnel.

Patuloy na mag-ingat at manatiling updated sa mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan.

Stay Safe, Tanayans! 🌧️🙏

BUWAN NG WIKA 2026 | TABLON ELEMENTARY "“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Imporma...
17/08/2026

BUWAN NG WIKA 2026 | TABLON ELEMENTARY

"“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Sa bawat salitang Filipino na ating binibigkas, binabasa, sinusulat, at ipinapasa sa susunod na salinlahi, buhay ang ating kasaysayan, kultura, pagkakakilanlan, at kolektibong karunungan bilang mga Pilipino. Ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipag-ugnayan; ito ay tulay na nagdurugtong sa ating nakaraan, sa ating kasalukuyan, at sa kinabukasang ating sama-samang binubuo.

Sa pagpasok ng Artificial Intelligence (AI) sa mundo ng edukasyon, pananaliksik, at impormasyon, higit na nagiging mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang nauunawaan, ginagamit, at pinahahalagahan ng bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino, nagiging mas malapit at mas makabuluhan ang makabagong teknolohiya sa ating mga mag-aaral at g**o.

Ngunit ang teknolohiya ay isang kasangkapan lamang. Nasa tao pa rin ang kakayahang mag-isip nang mapanuri, kumilatis sa katotohanan, gumamit ng impormasyon nang may pananagutan, at magpasya kung paano gagamitin ang kaalamang hatid ng AI. Kaya naman, ang paggamit ng AI ay dapat kaakibat ng kritikal na pag-iisip, integridad, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa sariling wika at kultura.

Sa Tablon Elementary School, naniniwala kami na ang edukasyon ay hindi lamang paghahanda sa mga mag-aaral upang makasabay sa pagbabago. Ito ay paghahanda sa kanila upang maging mapanuri, responsable, makabayan, at makataong tagapaglikha ng pagbabago.

Sa pagdiriwang na ito, sama-sama nating itaguyod ang isang edukasyong gumagamit ng makabagong teknolohiya nang hindi kinakalimutan ang ating pinagmulan—isang edukasyong makabago ngunit makabayan, teknolohikal ngunit makatao, at pandaigdigan ngunit nakaugat sa sariling wika at kultura.

Naki-isa ang Tablon Elementary School sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Katutubo! ❤️💚Bilang bahagi ng pagdiriwang...
17/08/2026

Naki-isa ang Tablon Elementary School sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Katutubo! ❤️💚

Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinabuhay ng ating mga g**o ang Integrasyon ng Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP) ng IPED Program sa kanilang mga aralin, upang higit na mapahalagahan at mapanatili ang yaman ng kultura at katutubong kaalaman.

Malaya ring nakapagbahagi ang ating mga katutubong mag-aaral ng kanilang kultura, tradisyon, kaalaman, at mga natatanging gawi—isang makabuluhang pagpapakita ng pagmamalaki sa kanilang pagkakakilanlan.

SUSPENSYON NG FACE-TO-FACE CLASSES Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas pampubliko o pribado bukas Augu...
10/08/2026

SUSPENSYON NG FACE-TO-FACE CLASSES

Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas pampubliko o pribado bukas August 11, 2026 dahil sa posibilidad na pagtaas ng tubig sa ilog na maaaring magdulot ng pagbaha at mga landslide dulot ng habagat.

Maging mapagmatyag at mapagmasid lalo na sa panahon ng bagyo. Mag-ingat po tayo at maging handa, Hane!

Tanay Emergency Hotline Numbers 2026

PCG TANAY - 09564338218
PNP TANAY - 09078279401
BFP TANAY - 09764678566
MDRRMO TANAY - 09634733333


🌧️ NO FACE-TO-FACE CLASSES | AUGUST 10, 2026Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) at sa fore...
09/08/2026

🌧️ NO FACE-TO-FACE CLASSES | AUGUST 10, 2026

Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) at sa forecast ng PAGASA na maaaring magdulot ng pagbaha at pagtaas ng tubig sa mga ilog, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Bayan ng Tanay bukas, August 10, 2026.

Ang mga paaralan ay inaabisuhang mag shift sa modular distance learning upang maipagpatuloy ang pag-aaral habang nananatiling maulan ang panahon.

Pagkakataon din ito para maiayos at maihanda ang mga gagamitin sa eskwela ng ating mga kabataan at maiayos ang mga paaralan na ginamit bilang evacuation area.

Patuloy ding pinapayuhan ang lahat na maging alerto, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog, mabababang lugar, at landslide-prone areas.

Address

Sitio Lubigan, Brgy. Cuyambay
Tanay
1980

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5am

Telephone

+639303940820

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tablon Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tablon Elementary School:

Shortcuts

Share

Category