Brave Soul_Rated SPD

Brave Soul_Rated SPD Practical and Spiritual Guide in Daily Living

05/04/2022
Kahit antok na,Iyong pinipigilan pa,Panay abang sa chat nya,Kahit abutin ng umaga.Lumipas ang mga oras,Walang chat sa wa...
04/04/2022

Kahit antok na,
Iyong pinipigilan pa,
Panay abang sa chat nya,
Kahit abutin ng umaga.

Lumipas ang mga oras,
Walang chat sa wakas,
Mag-aabang na naman bukas,
Kung meron xang natitirang oras.

Pero wag ka sana magmatigas,
Dahil hindi ka lang pampalipas oras,
May magmamahal sayo ng wagas,
Na hindi mo kailangan maghintay hanggang bukas.

Kumakatok ang Dios sa puso mo,
Pero binabalewala mo ito,
Dahil abala ka masyado,
Sa sariling gusto mo.

Alay sayo ay buhay na walang hanggan,
Kung Siya ay iyong pagbubuksan,
Hinding-hindi ka Niya sasaktan,
At kahit minsan ay hindi ka iiwan.

Hindi ka Niya paluluhain,
Buhay mo ay aayusin,
Tutuwirin ang iyong landasin,
Gagabayan sa bawat hakbangin.

Siya ang nagmamahal ng wagas,
At hindi ka pampalipas oras,
Naghihintay sayo ay magandang bukas,
Pait ng kahapon mo Siya ang lunas.

Address

Tanay
1980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brave Soul_Rated SPD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category