30/12/2020
Dear lodi kong si Pepe,
Hello, how are you? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan (like huwat?)
Kami dito, mej ayos lang. Ayun may pandemic, alam mo yung virus, parang ganun. Ganun nga pala talaga yun. Astig ng pormahan namin dito ngayon, naka-face mask tapos kailangan din naka-face shield. Nag-lockdown, bawal lumabas pero may lumalabas pa rin para mag-sabong. Tapos yung mga lider ng bansa nagpaparinigan patungkol sa bakuna, tapos may binakunahan na, hala! May bakuna pala?
Hanep na pagtapos to sa dekada, sana season finale na ng problema hindi season 1.
Anyway, ngayon nga pala ginugunita ang ika - 124th na taon ng kamatayan mo dito sa lupa. Ya know, nung dinala ka sa Bagumbayan na nakaharap sa Manila Bay, may rebulto ka na dun, 0 degree achuchu ng Pinas. Taray, umiibang level.
Marami naman nang nagbago sa bansang ipinaglaban mo, may nagtatalo pa din kung binawi mo ang mga sinabi mo laban sa simbahan/espanya/etc etc, basta dito sa lupa, nilagay ka namin sa piso, sa tshirt, sa kalsada, sa probinsya atbp. at kahit anumang trivia nina Papi Ambeth Ocampo at Repang Lourd de Veyra ay marami pa ring misteryo sa buhay mo.
Nasaan na nga ba ang kabayanihan mo? Naisasabuhay kaya namin ang ugat ng sakripisyo na inalay mo? Ewan, sig**o, yun.
Pati nga pala yung mga sinulat mo at kataga na iniwan, hindi na namin alam kung ikaw talaga ang nagsabi, kasi ba naman, may kanya kanya pa rin tayong ideya kung ano ba talaga ang gusto mong iparating. Magulo di ba? Ako din naguguluhan eh.
Bukod sa relihiyon, kanta at iba pang simbolo ng pangalan mo ay mayroon pang dahilan upang ipakita na ang bayang ito ay bayan ng mga bayani na iniwan mo.
Sa bawat isang batang nagmamano
Sa bawat isang matandang gumagawa ng tama
Sa bawat isang hindi nandadaya
Sa bawat isang nagpapakita ng magandang halimbawa
Ang mga kabataang pag-asa ng bayan
Marami pa, basta marami pa
Isang bansa na kayang tumayo mag-isa dahil may kakayahan tayong sumulong paangat, yan ang bansang pinag-alayan mo ng buhay.
Kaya yun, hindi na kita babatiin, hindi mo naman bertdey, nakakahiya naman.
See ya later Pepe, huwag kang mag-alala, may pag-asa pa.
-AC