DepEd Tayo - Youth Formation Sulpoc Elementary School 4A

DepEd Tayo - Youth Formation Sulpoc Elementary School 4A Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo - Youth Formation Sulpoc Elementary School 4A, Elementary School, Brgy. Sulpoc, Tanauan.

🌸 HAPPY TEACHERS’ MONTH! 🌸To our beloved teachers, your dedication, patience, and passion for teaching inspire us to bec...
05/09/2026

🌸 HAPPY TEACHERS’ MONTH! 🌸

To our beloved teachers, your dedication, patience, and passion for teaching inspire us to become better learners and better individuals. 📚❤️

You do more than teach lessons—you inspire dreams, shape character, and make a lasting difference in every student’s life.

On this special occasion, the SELG Officers would like to express our heartfelt gratitude for all your hard work, sacrifices, and unwavering love for your students.

Thank you for being our mentors, role models, and heroes in the classroom. 👩‍🏫👨‍🏫✨

May you always remember how much you are appreciated and valued.

Happy Teachers’ Month to all our amazing teachers! 💐
With love and gratitude,
Your SELG Officers 💙

🎓✨ TURN OVER CEREMONY NG SELG Isinagawa ang makabuluhang Turn Over Ceremony ng Supreme Elementary Learner Government (SE...
16/02/2026

🎓✨ TURN OVER CEREMONY NG SELG

Isinagawa ang makabuluhang Turn Over Ceremony ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) bilang hudyat ng opisyal na pagsasalin ng pamumuno sa mga bagong halal na opisyal.

Isinagawa ang seremonya sa pamamagitan ng pagsasalin ng SELG Official Vest, na sumisimbolo ng responsibilidad, tiwala, at dedikasyon sa paglilingkod sa kapwa mag-aaral. Ang bawat vest na ipinasa ay tanda ng pagpapatuloy ng mga adhikain at programang sinimulan ng nakaraang pamunuan.

Lubos ang pasasalamat sa outgoing officers sa kanilang tapat at masigasig na paglilingkod, at pagbati naman sa mga bagong opisyal na handang gampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad at malasakit.

Nawa’y maging inspirasyon ang seremonyang ito upang higit pang palakasin ang diwa ng pagkakaisa, pamumuno, at serbisyong may puso para sa buong paaralan.

👏 Mabuhay ang lumang pamunuan!
👏 Mabuhay ang bagong halal na opisyal ng SELG!

💙✨ PASASALAMAT MULA SA MGA BAGONG OPISYAL NG SELG ✨💙Kami po ang mga bagong halal na opisyal ng Supreme Elementary Learne...
16/02/2026

💙✨ PASASALAMAT MULA SA MGA BAGONG OPISYAL NG SELG ✨💙

Kami po ang mga bagong halal na opisyal ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mag-aaral na nagtiwala at bumoto sa amin. Ang inyong suporta ang nagsilbing inspirasyon upang kami ay magpatuloy sa layuning makapaglingkod nang tapat at may pananagutan.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa aming butihing Punong-g**o na si Maricel Alvarez, sa aming masipag na SELG Adviser na si Mitche Mae Redondo, at kay Criselyn Mendoza na nanguna sa maayos at matagumpay na halalan.

Maraming salamat din po sa aming mga g**o at magulang na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa amin.

Asahan po ninyo na gagawin namin ang aming makakaya upang maisakatuparan ang mga plano at programang makabubuti sa lahat ng mag-aaral. Sama-sama po tayong magtulungan para sa mas maunlad at mas masiglang paaralan!

💙 Maraming salamat po at mabuhay ang SELG! 💙



📢✨ PANUNUMPA NG MGA BAGONG OPISYAL NG SELG ✨📢Isinagawa ang makabuluhang Panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Supr...
16/02/2026

📢✨ PANUNUMPA NG MGA BAGONG OPISYAL NG SELG ✨📢

Isinagawa ang makabuluhang Panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) na pinangunahan ni Maricel Alvarez, Principal 1.

Kasama rin sa nasabing programa si Mitche Mae Redondo, SELG Adviser, si Criselyn Mendoza at mga g**o at mag-aaral na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng halalan at panunumpa.

Ang panunumpang ito ay sumisimbolo ng kanilang taimtim na pangako na maglingkod nang may integridad, pananagutan, at dedikasyon para sa kapakanan ng buong mag-aaral.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang bagong pamunuan upang higit pang mapaunlad ang ating paaralan at maisulong ang mga programang makakatulong sa bawat mag-aaral.

👏 Congratulations sa ating mga bagong opisyal ng SELG! Patuloy tayong magkaisa para sa mas maayos at mas makabuluhang pamumuno. 💙



🎉📢 SELG ELECTION RESULT 2026–2027 📢🎉The results are out! 🗳️✨Narito na ang pinakabagong mga opisyal ng Supreme Elementary...
13/02/2026

🎉📢 SELG ELECTION RESULT 2026–2027 📢🎉

The results are out! 🗳️✨

Narito na ang pinakabagong mga opisyal ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) para sa Taong Panuruan 2026–2027! Taos-puso naming binabati ang lahat ng mga nahalal na mag-aaral na handang magsilbi at maging tunay na boses ng kanilang kapwa mag-aaral. 💙

Isang taos-pusong pasasalamat kay Mam Mitche Mae R. Redondo, ang ating masipag at dedikadong SELG Adviser, sa patuloy na paggabay sa ating mga batang lider.

Maraming salamat din kay Mam Criselyn Mendoza, COMELEC, sa maayos, patas, at matagumpay na pagsasagawa ng halalan. 🗳️

Lubos din ang aming pasasalamat kay Mam Maricel Alvarez, Principal I, sa kanyang buong suporta at inspirasyon upang maging matagumpay ang gawaing ito. 🌟

Hindi rin magiging matagumpay ang halalang ito kung wala ang suporta ng ating mga g**o at magulang na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa ating mga mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at tiwala.

Sa mga kandidatong hindi pinalad, taos-puso pa rin ang aming paghanga sa inyong tapang at kahandaang maglingkod. Ang tunay na lider ay hindi lamang nasusukat sa pagkapanalo, kundi sa malasakit at determinasyong tumulong. Patuloy lang po tayong makiisa at suportahan ang bagong pamunuan.

Congratulations sa lahat! 🎊
Sama-sama tayong magtulungan para sa mas aktibo, maayos, at makabuluhang pamumuno ngayong 2026–2027!

Official Canvassing of Votes via ZipGrade🗳️ OFFICIAL CANVASSING OF VOTESSELG Elections 2026–2027Matagumpay na naisagawa ...
13/02/2026

Official Canvassing of Votes via ZipGrade

🗳️ OFFICIAL CANVASSING OF VOTES
SELG Elections 2026–2027

Matagumpay na naisagawa ang Official Canvassing of Votes via ZipGrade para sa Supreme Elementary Learner Government (SELG) Elections.

Pinangunahan ito ni Ma’am Criselyn Mendoza (COMELEC) at Ma’am Mitche Mae Redondo, kasama sina Ma’am Maricel V. Alvarez (Principal I) at Ma’am Justina Noprada (Master Teacher I) upang masig**o ang maayos, mabilis, at transparent na proseso ng opisyal na pagbibilang ng mga boto gamit ang ZipGrade.

Ang paggamit ng teknolohiya ay patunay ng ating hangarin para sa isang makatarungan at tapat na halalan para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito!



SELG ELECTIONS🗳️✨ SELG ELECTIONS 2026–2027 ✨🗳️📍 Sulpoc Elementary SchoolMatagumpay na naisagawa ang Supreme Elementary L...
13/02/2026

SELG ELECTIONS🗳️✨ SELG ELECTIONS 2026–2027 ✨🗳️
📍 Sulpoc Elementary School

Matagumpay na naisagawa ang Supreme Elementary Learner Government (SELG) Elections sa Sulpoc Elementary School kung saan ipinakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang aktibong pakikilahok at responsableng pagboto.

Sa pamamagitan ng halalang ito, nabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na pumili ng mga lider na magsisilbing boses at katuwang sa pagpapaunlad ng ating paaralan. Ang proseso ay isinagawa nang maayos, organisado, at may integridad upang masig**o na bawat boto ay mahalaga.

Taos-pusong pasasalamat sa mga g**ong naging bahagi ng komite, sa mga magulang na sumuporta, at sa lahat ng mag-aaral na nakiisa sa gawaing ito.

Congratulations sa lahat ng kandidato! Panalo man o hindi, kayo ay tunay na huwaran ng kabataang lider ng Sulpoc Elementary School. 👏✨




SELG Campaign
13/02/2026

SELG Campaign

PROUD PARTYLIST – Bumoto ng Tama! 🇵🇭Mga kabataan, kasama ang bawat botong ibinibigay natin ay mahalaga! 🗳️Suportahan ang...
03/02/2026

PROUD PARTYLIST – Bumoto ng Tama! 🇵🇭
Mga kabataan, kasama ang bawat botong ibinibigay natin ay mahalaga! 🗳️
Suportahan ang PROUD Partylist at maging bahagi ng pagbabago sa ating paaralan at komunidad.
💡 Tandaan: Bawat boto mo ay may kapangyarihan. Pumili nang matalino at responsable.
IBOTO ANG PROUD PARTYLIST – PARA SA MAS MAAYOS NA KABATAAN AT PAARALAN!

UNITE PARTYLIST – Bumoto ng Tama! 🇵🇭Mga kabataan, kasama ang bawat botong ibinibigay natin ay mahalaga! 🗳️Suportahan ang...
03/02/2026

UNITE PARTYLIST – Bumoto ng Tama! 🇵🇭

Mga kabataan, kasama ang bawat botong ibinibigay natin ay mahalaga! 🗳️
Suportahan ang Unite Partylist at maging bahagi ng pagbabago sa ating paaralan at komunidad.

💡 Tandaan: Bawat boto mo ay may kapangyarihan. Pumili nang matalino at responsable.

IBOTO ANG UNITE PARTYLIST – PARA SA MAS MAAYOS NA KABATAAN AT PAARALAN!

Address

Brgy. Sulpoc
Tanauan
4232

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo - Youth Formation Sulpoc Elementary School 4A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share