13/07/2026
π Faculty Meeting with SPTA Officers
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng ugnayan ng paaralan at ng mga magulang, nagsagawa ang Pantay Elementary School ng isang Faculty Meeting kasama ang mga SPTA Officers, sa pangunguna ni Dr. Arlene M. De Castro, EdD, School Principal II.
Tinalakay sa pagpupulong ang DepEd Regional Memorandum No. 2026-275 ukol sa Guidelines for a Safe and Motivating Learning Environment, gayundin ang iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kapakanan, kaligtasan, at pangkalahatang kapaligiran sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Nagkaroon din ng Open Forum na nagsilbing daan upang malayang maipahayag ng mga g**o at SPTA Officers ang kanilang mga katanungan, mungkahi, at pananaw bilang pagpapakita ng sama-samang pananagutan at pakikiisa sa patuloy na pagpapaunlad at serbisyo ng paaralan.
Patuloy na nagkakaisa ang Pantay Elementary School at ang mga magulang sa pagsusulong ng isang ligtas, positibo, at dekalidad na kapaligiran sa pagkatuto para sa bawat mag-aaral.