12/08/2026
Isang Makabuluhang Pagbisita sa Luyos Elementary School.
Isang malaking karangalan at kagalakan para sa aming Luyos Elementary School ang pagbisita ng aming Schools Division Superintendent, Sir Nicolas Burgos, CESO VI, kasama si Sir Romel Villanueva, PSDS.
Ang kanilang pagbisita ay bahagi rin ng pagsisig**o na ligtas at maayos ang ating paaralan matapos ang mga nagdaang bagyo. Lubos naming pinahahalagahan ang kanilang malasakit at pangangalaga sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong school community.
Isa ring napakagandang pagkakataon ang kanilang pagbisita upang makita ang aming mga batang Kindergarten na masayang nag-aaral at nakababasa na sa murang edad. Tunay na nakapagbigay ng saya at inspirasyon na makita ang kanilang kakayahan at pag-unlad.
Maraming salamat, Sir Nicolas Burgos at Sir Romel Villanueva, sa inyong oras, malasakit, at patuloy na suporta. Isang malaking karangalan at biyaya na ang aming paaralan ay isa sa inyong mga binisita.
Ang inyong presensya ay dagdag-inspirasyon sa amin upang patuloy na maglingkod, magturo, at magtaguyod ng isang ligtas, masaya, at mahusay na paaralan para sa bawat bata.
Ligtas na Paaralan, Masayang Mag-aaral, at Kinabukasang Maliwanag!