11/09/2026
Laurel ES Conducts INSET on Assessment Literacy
LAUREL, Tanauan City — Nagsagawa ang Laurel Elementary School ng In-Service Training (INSET) na nakatuon sa pagpapalakas ng assessment literacy ng mga g**o sa pamamagitan ng pagbuo ng contextualized, localized, at PISA-like term examination items na nakaangkla sa classroom at national assessments.
Pinangunahan ni Ma’am Czarina Rica B. Arida ang makabuluhang sesyon, kung saan tinalakay ang mga prinsipyo at praktikal na pamamaraan sa pagbuo ng dekalidad na assessment items na sumusukat hindi lamang sa kaalaman kundi maging sa paglalapat, pagsusuri, at higher-order thinking skills ng mga mag-aaral sa mga tunay na sitwasyon.
Layunin ng INSET na higit pang mapahusay ang kakayahan ng mga g**o sa pagdidisenyo ng angkop, makabuluhan, at dekalidad na assessment tools na tumutugon sa konteksto at pangangailangan ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng patuloy na professional learning, capacity building, at kolaborasyon, patuloy na isinusulong ng Laurel ES ang pagpapabuti ng assessment practices tungo sa mas makabuluhang pagkatuto at pag-unlad ng bawat mag-aaral.