13/08/2026
Ang ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ay isang mahalagang pagdiriwang na naglalayong palaganapin, pahalagahan, at payabungin ang paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika bilang mahalagang bahagi ng ating kultura at pagkakakilanlan.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ na may temang,โ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐: ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ ๐ง๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฌ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป,โisinagawa ng Paaralang Elementarya ng Banjo East ang iba't ibang makabuluhan, masaya, at angkop na mga gawain para sa bawat baitang. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, mahihikayat ang mga mag-aaral na gamitin at pahalagahan ang wikang Filipino, kilalanin ang ating kultura, at maipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain.
Layunin ng pagdiriwang na mapalawak ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wikang Filipino at mga katutubong wika;Mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kulturang Pilipino;
โขMahikayat ang paggamit ng wikang Filipino sa loob at labas ng silid-aralan;
โขMabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na maipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain; at
โขMapalakas ang pagkakaisa at pakikipagtulungan ng mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad ng paaralan.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay hindi lamang isang taunang gawain kundi isang pagkakataon upang maitanim sa puso at isipan ng mga mag-aaral ang pagmamahal sa sariling wika, kultura, at pagkakakilanlan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pakikiisa ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at buong komunidad ng Paaralang Elementarya ng Banjo East, magiging makabuluhan at matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.