18/08/2026
📢MAHALAGANG ANUNSYO:
Batay sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Office of the President dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon dulot ng habagat, suspendido po muli ang face-to-face classes at ililipat muna sa alternative learning modalities.
FACE-TO-FACE CLASSES SHIFT TO ALTERNATIVE LEARNING MODALITY | CITY GOVERNMENT OF TANAUAN REMAINS OPERATIONAL UNDER HYBRID WORK ARRANGEMENT | 19 AUGUST 2026
Mga minamahal kong Tanaueño,
Batay sa Memorandum Circular No. 129 ng Office of the President, at dahil patuloy pa rin ang epekto ng Habagat sa ating Lungsod, suspendido muna ulit ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Tanauan.
Gagamit muna ng alternative learning modalities, kabilang ang modular learning, upang manatiling ligtas ang ating mga mag-aaral sa kanilang tahanan habang nagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.
Para naman sa ating mga tanggapan, mananatiling operational ang City Government of Tanauan sa ilalim ng hybrid work arrangement. Ang bawat Department Head ang magtatakda ng kinakailangang personnel na kailangang pumasok nang personal, depende sa pangangailangan ng kanilang tanggapan at kalagayan ng kanilang mga kawani.
Nais nating manatiling bukas ang ating lokal na pamahalaan, lalo na sa panahon na maaaring mas kailangan tayo ng ating mga kababayan. Kasabay rito, bibigyan natin ng sapat na konsiderasyon ang mga kawani na maaaring mahirapang bumiyahe dahil sa panahon.
Patuloy nating susubaybayan ang sitwasyon at iaangkop ang ating mga hakbang batay sa aktuwal na kondisyon sa Lungsod ng Tanauan. Sa panahon ng tuloy-tuloy na pag-ulan, kaligtasan ang una.
Manatili po tayong ligtas, mga minamahal kong Tanaueño.
Sonny Perez Collantes
City Mayor, Tanauan City