07/05/2026
Natatas Elementary School will conduct the ARAL Program 2026, an initiative aimed at strengthening foundational skills and supporting learners through focused, intensive, and meaningful remediation sessions.
๐ Program Schedule: May 6 โ June 2, 2026
๐ MondayโThursday: 7:00 AM โ 11:30 AM
๐ก Friday: Home-based Learning
This program is designed to provide learners with the opportunity to improve academic performance, build confidence, and develop essential skills in a supportive learning environment.
Who are included?
Selected students identified by teachers based on assessment results. Parents of participating learners will receive a personal notification regarding the program.
05/05/2026
Natatas Elementary School extends its sincere appreciation to Dr. Irene L. Macalintal, Public Schools District Supervisor, for her unwavering support, meaningful guidance, and continuous dedication in strengthening the school, uplifting the teachers, and supporting the learners of Natatas Elementary School.
We also warmly welcome Maโam Milanie V. De Castro. We are glad to have you with us and we look forward to your guidance, collaboration, and support in advancing our programs and nurturing our school community.
Together, we move forward in unity and commitment toward a more responsive, inclusive, and quality-driven education for every learner of Natatas Elementary School.
Sulong Natatas ES!
01/04/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Ang bawat tyaga ay may aanihing tagumpay. Sa diwa na ito, isang makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa ng Natatas Elementary School noong ika-30 ng Marso, ang ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ kung saan pinarangalan ang mga mag-aaral na nagpamalas ng husay sa akademiko, sports, at iba pang larangan.
Ginawaran ng medalya at sertipiko ang mga batang nagpakita ng sipag at talento, at kinilala rin ang mga may natatanging karangalan bilang inspirasyon sa kanilang kapwa.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kina:
Kap. Joseph Nones at sa Sangguniang Barangay ng Natatas, sa kanilang patuloy na suporta sa paaralan. Lubos ang aming pasasalamat sa kanyang makabuluhang mensahe sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng edukasyon at pagiging handa sa hinaharap;
Konsehal Onnie Rodrigo, sa kanyang patuloy na pakikiisa sa mga gawain ng paaralan, at sa pagbibigay ng mensahe na buong puso niyang sinuportahan ang adhikain ng paaralan;
Sa PTA Officers sa pamumuno ni G. Reynaldo Mazo, sa kanilang tulong upang maging maayos at matagumpay ang programa;
Kay Mrs. Gloria Valencia at sa kanyang pamilya na nasa Los Angeles, sa kanilang bukas-palad na tulong pinansyal at hindi nag-atubiling magpaabot ng suporta;
At sa mga Barangay Tanod ng Natatas, sa kanilang mahalagang ambag sa kaayusan ng programa.
Higit sa lahat, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal at sa mga magulang na sumuporta sa kanilang mga anak. Maraming salamat sa mga batang nagbigay sigla sa programa at nagpakitang-gilas sa kanilang pag-indak gayundin sa kanilang mga magulang.
Pasasalamat din sa mga mag-aaral mula sa Unang Baitang para sa inihandang doksolohiya sa simula ng programa.
Kinilala rin ang mga magulang na nagpakita ng aktibong suporta sa kani-kanilang klase sa buong taon, bilang patunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at tahanan.
Ang Araw ng Pagkilala ay patunay na ang bawat sipag, tiyaga, at suporta ay may katumbas na tagumpay at inspirasyon sa bawat mag-aaral.
Pagpalain nawa tayo ng Panginoon hanggang sa susunod na programa!
01/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Isang taos-pusong pagbati sa ating mga munting nagsipagtapos mula sa Kindergarten ng Natatas Elementary School noong Lunes, ika-30 ng Marso!
Sa temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang galing, talino, at kahandaan sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral. Tunay na kayo ang pag-asa ng ating bayan.
Ang tagumpay na ito ay hindi magiging ganap kung wala ang suporta ng mga taong patuloy na nagmamalasakit sa ating paaralan. Taos-puso po kaming nagpapasalamat kina:
Dr. Evelyn Fano, Educational Supervisor in Kindergarten/SPED, sa kanyang patuloy na paggabay at suporta;
Kap. Joseph Nones at sa buong Sangguniang Barangay ng Natatas, sa kanilang walang sawang suporta sa paaralan mula sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, pagbibigay ng tulong sa mga gawain at programa, hanggang sa aktibong pakikiisa sa mga adhikain ng paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa mga Barangay Tanod ng Natatas sa kanilang mahalagang ambag;
Konsehal Onnie Rodrigo, sa kanyang patuloy na malasakit sa edukasyon at walang pag-aatubiling pagsuporta sa mga programa ng paaralan. Ang kanyang pakikiisa at pagbibigay-inspirasyon ay malaking tulong upang maisakatuparan ang mga gawain na kapaki-pakinabang sa ating mga mag-aaral;
Sa PTA Officers sa pamumuno ni G. Reynaldo Mazo, sa kanilang pagtulong na katuwang ng mga kaguruan upang maging maayos at malinis ang ating paaralan bago ang programa;
Kay Mrs. Gloria Valencia at sa kanyang pamilya, sa kanilang bukas-palad na tulong pinansyal na naging daan upang mas maisakatuparan nang maayos at matagumpay ang ating mga programa;
At higit sa lahat, sa ating mga magulang na naging katuwang ng paaralan, at sa ating mga minamahal na mag-aaral na siyang dahilan ng ating pagdiriwang.
Ang araw na ito ay hindi lamang pagtatapos, kundi simula ng mas mataas pang pangarap at tagumpay. Patuloy kayong magsikap, mangarap, at maging mabuting halimbawa sa inyong kapwa.
Pagpalain nawa ng Maykapal ang lahat ng naging bahagi at nagpaabot ng kanilang suporta sa matagumpay na gawaing ito.
Maraming salamat po.
18/03/2026
๐ธ Womenโs Month Celebration 2026 ๐ธ
Ang ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฌ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Womenโs Month ngayong Marso.
Sa buwang ito, ating kinikilala at pinapahalagahan ang mahalagang papel ng kababaihan sa ating paaralan at komunidad ang kanilang lakas, talino, dedikasyon, at pagmamahal na nagsisilbing inspirasyon sa lahat.
Saludo kami sa lahat ng mga g**o, kawani, magulang, at mag-aaral na kababaihan na patuloy na nagbibigay liwanag at pag-asa sa ating lipunan.
โAng kababaihan ay haligi ng pagbabago at inspirasyon ng susunod na henerasyon.โ
Happy Womenโs Month!
17/03/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง!
Ipinamalas ni Prince Lawrence Ortiz ng Tanauan City Braves Elementary Volleyball Team ang pambihirang husay at determinasyon sa volleyball court matapos tanghaling Player of the Game sa kanilang matagumpay na laban kontra Imus City sa RAAM 2026.
Sa gitna ng matitinding rally at matibay na depensa ng kalaban, nanaig ang lakas ng loob, disiplina, at dedikasyon ni Princeโna nagsilbing inspirasyon sa buong koponan upang makamit ang panalo. Ngunit para kay Prince, ang parangal ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa buong koponan, sa kanilang coach, at sa lahat ng sumusuporta sa Tanauan City Braves.
Ang kanyang tagumpay ay patunay na ang puso, tiyaga, at sama-samang pagsisikap ang tunay na susi sa tagumpay.
Isang tunay na Prince ng Tanauanโpatuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating mga batang atleta!
31/01/2026
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐! ๐
Bilang paghahanda para sa pagbubukas ng School Year 2026-2027, sinimulan na ngayong araw, Enero 31 ang Early Registration para sa mga incoming Kindergarten, Grade 1, Transferee at mga Balik-Aral.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa lahat ng taong nakibahagi at nakiisa sa unang araw ng Early Registration.
Ang EARLY REGISTRATION ay simula ngayong ๐๐๐๐๐ 31 ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐๐ 27, ๐๐๐6.
Magtungo lamang sa paaaralan upang magpasa ng mga requirements at mag-fill-up ng enrollment form.
29/01/2026
๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ค๐
Mayroon po ba kayong mga katanungan tungkol sa Early Registration?
Narito ang mga kasagutan.
Mangyaring basahin para sa tamang impormasyon at wastong gabay.
Maraming salamat po!