04/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Higit pa sa laro, ang Intramurals ay naging pagkakataon upang maipamalas ng ating mga mag-aaral ang disiplina, sportsmanship, teamwork, at camaraderie, at mapalakas ang pagkakaisa.
Sinimulan ito sa isang masiglang parada, na sinundan ng iba't ibang palaro na nagbigay-daan upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang husay, talento, at determinasyon.
Pinangunahan ni Gng. Ma. Francia T. Marfa, Punongg**o ng Natatas Elementary School, ang matagumpay na pagsasagawa ng Intramurals 2026 nitong Setyembre 3.
Taos-pusong pasasalamat kay Ma'am Milanie De Castro, PSDS ng South I, sa kanyang presensya at pakikiisa sa Opening Program, sa PTA Officers, sa pamumuno ni PTA President Donna Punzalan, sa patuloy na suporta sa programa, at sa SELG Officers sa kanilang pakikiisa at pagtulong sa mga gawain.
Maraming salamat sa ating mga magulang na tumulong at nag-assist sa mga kaguruan, lalo na sa pagsasagawa ng Palaro ng Lahi para sa Primary.
Salamat din sa Sangguniang Barangay ng Natatas, kay Kon. John Phaul Casapao, Councilor in-charge of Education, kay Kon. Onnie Rodrigo, at sa Natatas BHWs na naka-standby para sa medical assistance ng ating mga mag-aaral.
Ang programa ay isinakatuparan sa pamumuno ni G. Ramil Gonzales, Gurong Tagapag-ugnay sa Sports, kasama ang buong suporta ng mga g**o ng Natatas Elementary School.
๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฌ!